Kabanata 19

7.2K 227 45
                                    

Kabanata 19

It's been weeks since he died, weeks since what happened that night stopped my brain's ability to survive.

Ilang linggo na pero ang sakit pa rin.

Nakakagalit pero ang sakit sakit pa rin.

Gustuhin ko man na tumakbo sa sakit, alam ko na kahit saan ako dalhin ng mga paa ko ay patuloy akong mananatili sa impyernong isipan ko na kumukulong sa akin.

What should I do when the emptiness that I felt after hearing him pulled that trigger won't leave? What should I do when my mind is still clouded with his place, his face, his words, and even his blood?

He really fucked me up and he's so unfair for ending his life like that.

He should at least pay for the sins that he committed but because he chose to end his life like that, it looks like I'll be the one to pay for it for the rest of my life instead.

I should loathe him.

Dapat ay purong galit lang ang maramdaman ko pagkatapos ko malaman lahat ng kasamaang ginawa niya pero tuwing naaalala ko kung paano siya hinubog ng masasamang karanasan ay umuurong ang galit ko.

Kahit anong gawin ko, the truth will always be the same.

It wasn't his fault that he became like that.

He is mentally sick and it's just so unfair how his traumatic childhood shaped the rest of his life.

It's unfair how our parents and how the people around us can influence us this much, to the point na kaya nilang sirain ang buhay natin sa pamamagitan ng simpleng kapabayaan.

Umihip ang malamig na hangin habang ibinababa ko ang mga dalang bulaklak sa puntod ni Timo.

Pinili ko na ipalibing siya sa katabing puntod ng Lola niya because this is the least that I can do for him. This is the least that I can do as his friend and as his only family left.

Huminga ako nang malalim.

Siguro kaya ang sakit sakit ay dahil para sa akin, siya nalang din ang natitirang pamilya ko.

Siguro kaya hindi ko magawang magalit ng sobra ay dahil sa kabila ng ginawa niya kay Mama ay pamilya pa rin talaga ang turing ko sa kanya.

Mahal ko silang pareho kaya hindi ako makapili ng papanigan.

Siguro ganon talaga, the price of love is the grief that follows it.

Tumulo nang tuluyan ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Bahagya akong ngumiti habang hinihimas ang lapida ng kaibigan.

"P-Pinapatawad na kita," bulong ko.

Pumikit ako bago tumingala.

"Y-You're just a kid, Timo. You're just a kid kaya...kaya alam kong naiintindihan ni Mama...P-Pasensya ka na kung hindi ko nakita, pasensya na kung hindi ko alam..."

We grew up together pero ni minsan ay hindi ko napansin ang totoong pinagdadaanan niya. He was always there for me, pero ni hindi ko alam ang mga labang kinakaharap niya.

Kung sana maaga ko nakita, kung sana mas naglaan ako ng oras kilalanin siya. Kung sana hindi sa akin umikot ang pagkakaibigan namin, siguro naisalba ko siya.

"P-Patawarin mo ko kung masyado akong selfish. Kung tuwing magka - usap tayo ay lagi nalang ako. Sorry kung hindi ko napantayan 'yung pagmamahal na binigay mo sa akin..."

Nagbuga ako nang malalim na hininga bago dumilat. Nga lang ay lalo akong naiyak nang may lumitaw na rainbow sa kalangitan.

Niyakap ko ang mga tuhod ko at agad na nagpasalamat sa Diyos. Because I know immediately it's His way of telling me that you'll be okay and I'll be okay here.

Exception [ Quintero Series #2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon