Kabanata 7
Mabilis ang mga sumunod na araw.
Hindi ko inaakalang isang buwan na agad ang nakalipas simula nung napunta ako sa puder ng mga Quintero.
It was hard at first pero nung nag simula na akong pumasok sa school ay naging maayos naman. Siguro dahil mas lamang na ako sa labas kaysa sa mansion?
Napansin ko nga rin na si Nathan nalang ang madalas ko makasalamuha dahil hindi naman siya tumigil sa pag sundo sa akin tuwing may klase ako.
I tried to tell Nathan again na huwag na akong sunduin kaso inaaway niya lang ako kaya hindi na ako nangulit.
I'll say that nothing really significant happened the past weeks except sa mas naging maayos na ang pakikitungo sa akin ni Nathan.
Well, masungit pa rin naman most of the time pero hindi na kagaya nung una.
I'd like to think that it's because of the magic of my coffee.
Napangiti ako sa kaisipan na nagayuma ko na ata talaga siya.
Simula kasi nung gabing binigyan ko siya ng kape ay umayos ang ugali niya. Kaya tuloy sinamahan ko na ng snacks para mas bumait pa.
But kidding aside, it's just my little way of appreciating his effort sa pag sundo sa akin kahit na ang totoo ay sinusunod niya lang naman si Tito.
It's the least that I can do for him, pagkatapos ko sirain ang takbo ng buhay niya.
Inihinto ni Nathan ang sasakyan sa isang japanese restaurant. Madalas kapag ganito ay hindi nalang ako nagtatanong at sumusunod nalang sa kanya.
Mabilis kaming dinaluhan ng mga staff ng restaurant. Nag simula na si Nathan mag order at kagaya ng palagi niyang ginagawa ay siya na rin ang nag order para sa akin.
Well, nung una ay nakakairita na hindi niya ako tinatanong pero dahil masarap naman ang mga order niya, hinayaan ko nalang din.
Pagka - alis ng waiter ay saka niya lang ako tinignan.
Another thing about him, he always looks at me as if he's memorizing every part of my face. It's weird but I don't have the guts to say it to him.
Nakakapanlambot lang talaga ng tuhod kaya madalas ay ako nalang ang umiiwas ng tingin.
“I can't fetch you next week,” aniyang bigla.
Muli kong ibinalik ang mata ko sa kanya.
“Hmm? Bakit?”
I saw him gulped. Kumunot ang noo niya before he averted his gaze.
“Aalis kami papuntang France before my bar exam.”
Tumango ako at napangiti.
“Talaga? Kasama mo sila Adi?” tanong ko habang inaayos ang drinks namin sa lamesa.
Hindi siya agad sumagot kaya muli ko siyang binalingan.
Muli niyang iniwasan ang mata ko bago sumagot.
“Y-Yes,” napapaos niyang sabi.
Lalong lumaki ang ngiti ko habang tumatango.
“I think it will be good for you, in that way, makakapagpahinga ka at ang utak mo. Sabi nga nila, mas okay daw na ipahinga na ang utak weeks bago mag board exam."
I saw him clenched his jaw while nodding.
Biglang dumating ang pagkain kaya natigil na ang usapan namin. Nga lang ay napansin ko na mukhang may malalim siyang iniisip habang kumakain kami. Tahimik lang din siya sa byahe pauwi.
BINABASA MO ANG
Exception [ Quintero Series #2 ]
Ficción GeneralQuintero Series Book 2 of 3 (COMPLETED) Nathan Adriel Quintero is the perfect son of the President. He is the most obedient and the less problematic among his siblings. Growing up, nakatatak na sa isipan niya ang pagsunod sa yapak ng ama sa puliti...