Chapter 11

2.6K 50 0
                                    



"adrian, simula ngayon dito na kayo ha. bantayan mo ang kapatid mo. mabubuti ang mga tao dito at marami kayong magiging kaibigan." nakangiti kong saad kay adrian. nalaman ko ang pangalan nito kanina lang bago kami pumunta dito sa bahay ampunan na pag-aari ni zeus.

"salamat ate! salamat din po kuya sa mga damit at pagkain! maraming salamat po!" sabay kaming napangiti ni zeus ng lumapit ito sa'min at niyakap ang mga tuhod naming dalawa kaya naman yumuko ako para pantayan ito.

"you're welcome kiddo." anas ni zeus na cool na nakatayo at nakapamulsa ang isang kamay

"mag-iingat kayo ha." nakangiti kong sabi dito at niyakap din ito

"dalawin niyo po kami ni danica ate!" masiglang saad niya. hawak ng isang madre ang kapatid nitong dalawang taon na si danica. dahan dahang nawala ang ngiti sa'king labi. dalawin? madadalaw ko pa kaya ang dalawang cute na bata na ito? makakalabas pa ba ako matapos ang araw na ito? wala ako kasiguraduhan. baka nga patay na ako bago pa makabalik ito. bigla akong nalungkot sa hindi malamang dahilan.

"of course. babalik ang ate angel niyo dito." singit ni zeus ngunit hindi ko iyun pinaniwalaan. alam kong hindi na ito mauulit kaya naman sinusulit ko ang preskong hangin dito sa labas. dahil kapag bumalik na ako sa mansion, kapag naroon na ulit ako sa silid na iyun, para na naman akong puppet.

"talaga ate?" nakangiti at tila excited na tanong sa'kin ni adrian. nginitian ko na lamang ito at tinanguan.

"pinky promise?" nagulat ako ng inilahad nito ang pinky finger nito. hindi ko alam kung tatanggapin ko ba iyun. ang salitang promise ay isang sagradong salita na dapat may paninindigan. mas pinatibay pa nito ang pinky na iyun. dahil sa paniniwala ko na kapag hindi ka tumupad sa pangako mo, dapat putulin ang pinky finger mo.

"p-promise." hindi sigurado kong saad dito. nakita ko ang paglungkot ng mukha nito ng hindi ko inabot ang pinky finger ko rito

"ate hindi ka nagpinky promise, hindi kana babalik 'no? sinasabi mo na lang na promise para hindi ako malungkot tama ba ate?" nalulungkot na sabi ng bata kaya naman nanlaki ang mata niya

"do it angel. he's a kid. a pinky promise is a powerful word." rinig niyang asik ng binata sa likod niya. bumuntong hininga siya at nginitian ng matamis ang bata. nakita niya ang pagliwanag ng mukha nito ng ininagsaklop naming dalawa ang pinky finger namin.

"pinky promise."

"yehey! thank you ate!" yumakap ito ng mabilis sa kanya pagtapos ay humiwalay. nginitian muna silang dalawa ng bata bago lumapit sa mga bago nitong kaibigan at nakipaglaro sa palaruan. may mga duyan at slides doon, marami ring mga teddy bear at kung ano ano pang laruan. nakita ko ang paglapit sa'min ng isang madre na sa tingin ko'y nasa 50s na. lumapit ito sa'min at ngumiti.

niyaya kami nitong maglakad lakad sa labas ng bahay ampunan at hindi naman namin ito tinanggihan ni zeus bilang respeto.

"take care of them mother theresa. i'll leave them to you. i'll call you every saturday." hindi pa rin ako makapaniwala. wala sa sarili akong nakatingin sa malaking bahay ampunan na pag-aari raw ni zeus. nginitian ng madre si zeus

"huwag niyo silang ipapaampon. i'll take care of them someday but for now dito muna sila sa pangangalaga mo." sumigla ang saya sa aking puso sa sinabi nito. aalagaan niya ang dalawa! nakakatuwa! hindi ko maipaliwanag ang saya na nag-uumapaw sa aking emosyon

"salamat iho. malaking tulong ang perang buwan buwan mong hinihulog para sa ampunan na ito. masaya ang mga bata. sinisigurado rin namin na maayos ang trato ng mga pamilya na kumukupkop sa kanila gaya ng sabi mo." biglang tumingin sa kanya ang madre at sa kamay nila na may hand cuffs

"girlfriend mo iho?" nanliit ang mata ko sa naging tanong ng madre at alangan na ngumiti rito

"hin—"

"yes. meet angel quenz mother theresa, my girlfriend." nakita ko ang panlalaki ng mata ng madre sa sinabi nito. kahit ako ay nagulat at hindi makapaniwalang tumingin kay zeus na nakangiti sa madre. bakas sa mukha nito ang pagmamalaki.

what? girlfriend?!

teka... paano nito nalaman ang pangalan ko? at buong pangalan ko pa talaga? matanong nga siya mamaya.

"tadhana nga naman. hindi ba siya ang soon to be wife mo na tumakas—" hindi nito pinatapos ang madre na siyang ikinataka niya. curious siya sa sasabihin ng madre ngunit pinutol iyun ni zeus.

nakakainis!

anong ibig nitong sabihin?

"mother theresa, ubos na ba ang ibinigay kong pero nung nakaraang buwan?" pansin ko ang hindi mapakaling tanong nito sa madre at tila kinakabahan ito. anong nangyayari? naguguluhan ako

"nako iho hindi pa."

"magpapadala po ako ulit."

"nako zeus napakabuti mo talagang tao pero may natitira pa sa iniwan mong pera. sa totoo nga lang ay sobra ang buwan buwan mong pinapadala. ang sobrang sa binibigay mo ay ibinibili ko na lamang ng mga laruan nila at kagamitan dito sa bahay ampunan."

"i insist mother theresa."

"oh siya sige na nga, ibibili ko na lamang ng mga tsinelas ng bata ang sobra." pag-uusap ng dalawa ng bigla akong nilingon ni zeus

"mother theresa let's talk, angel wait here." tinanguan ko na lang ito at hinayaang umalis ang dalawa. bago umalis si zeus ay tinaggal muna nito ang hand cuffs at binulungan ako.

"don't escape. bantay sarado ko ang orphanage na 'to." ramdam ko ang pagtama ng mainit niyang hininga sa aking tenga at ang boses nito ay tila nagbabanta kaya naman napalunok akong tumango.

nakita ko ang kakaibang ngiti sa'kin na ng tinatawag ni zeus na mother theresa kaya sinuklian ko rin ito ng ngiti bilang paggalang. anong meron sa ngiti nito? bakit parang may pinapabatid ang mga ito?

finally pwede ko ng mahilot ang kamay ko matapos ang ilang oras na nakababad ito sa hand cuffs.

mataman lang akong nakatingin sa kanila na nag-uusap at nakikita ko ang minsanang pag ngiti ng dalawa ng bigla silang bumaling ng tingin sa'kin. ayan na naman ang ngiti sa'kin ni mother theresa na tila matagal na akong kilala habang ang mukha naman ni zeus ay seryosong nakatingin sa'kin. i gulp as he stare at me fron head to toe. what's with him? bakit ganun ang tingin niya? tila kinikilala nito ang buo kong pagkatao. nakakailang.

naiilang man ay pilit akong ngumiti sa dalawa, matapos ay muli silang nag-usap at matapos ang ilan pang minuto ay bumalik na sa'kin si zeus.

"tapos na kayo mag-usap?" tinanguan lamang ako nito at dire-diretsong naglakad. problema na naman nun?

nagulat ako ng bigla itong bumalik at ibinalik ulit ang hand cuffs. tumingin muna ako sa madre na ngayo'y nakangiti sa'kin at kumakaway na tila nagpapaalam. i smile at her as i wave my hand, forbidding my good bye as me and zeus started walking.

"uuwi na tayo?" tanong ko rito habang papalapit sa sasakyan niya

"nope. we'll go somewhere." saad nito. tumigil kaming dalawa sa sasakyan niya. bumusangot ako at hindi maiwasang mairita

"ayan! yan na naman tayo! pahirapan na naman sumakay! bakit kasi may hand cuffs ka pang nalalaman!" naiinis kong turan dito ng maalala ang eksena kanina kung paano kami pumasok. pumasok lang naman kami sa iisang pinto ng sasakyan niya. argh ang hirap ng sitwasyon namin kanina lalo na nung nagsisimula na siyang magdrive dahil nakaangat ang isa kong kamay at dikit na dikit ako sa kanya.

pati ba naman sa sasakyan ay hindi nito pinatawad! lalo na nung bumaba na sila! baliw na talaga ang lalaking 'to!

binuksan ng binata ang pinto ng sasakyan at tinawanan lamang siya nito. naiinis siyang pumasok gaya ng pagbaba niya kanina sa sasakyan ng binata.

baliw na talaga ang lalaking 'to!

Zeus Grogh Becket ( SEX DEALERS HM Bachelors Series #1 ) [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon