"Yes daddy, on duty ako ngayon" i said between our call.
"You sure? Just call us if you need anything okay?" Daddy said.
Kinamusta ko si mommy kanina, and they said na bisitahin ko daw si zonne, I'll probably go there next week, since maluwag luwag naman yung sched ko.
Mahigit Isang buwan na rin kasi na hindi ko nabibisita si Zonne sa Katipunan, isa pa matraffic din. Andito ako ngayon sa Ash Ward, itong ward na to ang pinangalan kay Ashia dahil isa sya sa mga Doctors na nagdonate para sa renovation ng kabilang building.
May nakita akong mga pasyente na natutulog, nakahiga at ang iba ay nakikipagusap sa pamilya, they probably enduring their pain in front of their loved ones, i studied everything about Human Body and for sure i know how it hurts when you're sick or anything, sa description pa lang ng book masakit na, paano na lang kung maramdaman na.
Andito ako ngayon sa labas ng opisina ni ashia, hindi ako pinapasok ng isang nurse dahil may appointment daw ito, maybe it's Ilios dad, like what ashia said yesterday.
Ilang minuto na ang lumipas ay nanatili pa rin ako sa labas, nilabas ko yung phone ko at nag scroll scroll na lang sa Ig. Masyadong maraming posts na ang namiss ko kaya puro like nalang ako sa posts na napapadaan sa feed ko.
I even saw tyrone's post, he was enjoying his vacation in Siargao, he's holding a surfboard and it was a silhouette one. With a caption 'Charaught'
'Is that how people spell 'charot' na? I am so late" i commented on his post.
A few minutes after, i saw damon's post. It was a photo of him holding his guitar, they broke up with faith when we're in college. Yun lang ang narinig ko sa kanila.
Naitago ko kaaga yung phone ko nang bumukas ang pinto ni ashia, there i saw Mr. Dominic Masandro. Despite of what he did to me, i stood up and showed him respect, he's the father of tha love of my life after all.
Tiningnan lang ako ni Mr. Dominic at umalis na ito, nakahinga naman ako ng maluwag nung umalis na sya, sinundan ko sya ng tingin at matipuno syang naglalakad palabas ng hospital, wearing his Suit and Tie.
"Oh zanne, andyan ka pala, pasok ka" ani ashia.
Sinundan ko naman sya papasok ng opisina nya at sinabi sa kanya na mag le-leave ako sa trabaho starting next week, i told her this para mapagisipan nya na rin na mag leave. Para naman sabay sabay kaming umuwi sa San Vicente.
"Uuwi din pala si Tyrone" sambit ko pa.
Tinanguan lang ako ni ashia at nagpatuloy sya sa pagsusulat sa isang blankong papel.
"Ashia Come on! Hindi ko na mapipilit si sun dahil kung anu-ano nanaman ang lumalabas sa bibig ng babaeng iyon" sabi ko at inayos ang upo sa sofa ni ashia.
Ashia chuckled when i told her that, totoo naman hindi na makausap yang si suinnee dahil lahat lahat na lumalabas sa bibig nya at lahat nirerelate nya through Legal Reference.
Wala naman kaming alam sa Law, when it comes to medicine, hindi nila na kailangan pang mag tanong, kami lang to. Char.
"Ashia! Come onnnn Uuwi silang lahat, pati kami ni ilios uuwi din, ayaw mo bang pumunta ng San Vicente?" Tanong ko ulit kay ashia.
Itinigil ni ashia ang pagsusulat, tumayo sya at tumikhim. Paikot ikot sa opisina nya, sinusundan ko naman sya ng tingin kahit saan saan syang magpunta.
"Fine..." Ani ashia, napatayo ako sa kinauupuan ko at masayang niyakap sya. "But only for one week okay? I have too much concerns right now" aniya
Umupo ako sa sofa at pinagkrus ang mga binti ko, kumuha ako ng magazines sa tabi ng sofa. "Tulad ng?" tanong ko.
YOU ARE READING
San Vicente Series #1, Moon Embraces The Sun
Teen FictionIlios Dom Masandro, a serious type of guy and can be goofy sometimes, who always bond with his friends, met a girl whom he find so interesting. He didn't expect that the girl he met will make him go to the lowest point of his life.