Twenty-four

18 2 0
                                    

"Tara na, Uwi na tayo" said julian and stretched his hand for me to hold it

I held his hand and stood up from sitting at the sand i exhaled a large amount of breath when i finally stood up.

"Bagal mo, bilisan mo na!" Ani julian na naglalakad na papuntang motor nya, sinundan ko naman sya. Come on we're not highschools anymore wala naman kaming gagawin, okay lang naman kahit mabagal yung galaw.

"Bakit ka ba nagmamadali?" I shouted

"Madilim na!"

Tumakbo na rin ako patungo sa motor nya at umangkas pero sa kalagitnaan ng pagpapatakbo unti unting tumitigil yung motor.

"Badtrip!" Wika ni julian at tumingin sakin na para bang nawalan sya ng mamahaling bagay.

"What happened?" Tanong ko sa kanya

"Naubusan tayo ng gas" aniya sabay sabunot sa buhok nya.

"Oh no!" I said in frustration

"Anong oh no?" Natatawang tanong nya

How can he make fun of me?

"What? Oh no kasi wala na tayong gas" i said and rolled my eyes.

"Kaya mo bang maglakad? Kailangan natin tong itulak muna hanggang sa makahanap tayo ng pamilihan ng gas" aniya

"Of course, I can walk. May mahahanap ba tayo? We're like in a forest" tugon ko

"Kaya nga ayaw kong nagpapagabi e" ani julian sabay tulak na ng motor

"I'll help" sabi ko at nagtungo sa likod nya.

"Hoy! Wag!"

Nagulat ako sa sigaw ni julian, that was loud!

"Sorry. Wag ka nang magtulak, mapapagod ka", sabi nya at nagdadalawang isip pa na tumingin sakin, "Dito ka na lang sa tabi ko" dagdag nya pa.

Tinagilid ko ang ulo ko sandali at tumabi na sakanya, naglalakad ako sa tabi nya at patuloy sya sa pagtutulak.

"Mag kwento ka naman sa sarili mo" aniya

"Like what?" Tugon ko

"Kahit ano" sagot nya

"Kahit ano? Uhhh" hindi ko alam kung anong sasabihin ko, nagdadalawang isip, ano nga ba ang makukwento ko?

That was when i knew that i don't really know what i like and what matters the most, i really do depend on someone. I depend on other's decision for me, that's why i couldn't really figure out what's for me and not for me, it's like other's opinions really matters to me.

"Uhm, i went to Atoma in elementary, Sikolohiya in Highschool. And In Cebu for college"

Patuloy ang pagtutulak ni Julian sa motor nya habang nakatingin sakin, hinahawakan ko ang braso nya kapag may mga bato sa daan o sanga ng kahoy.

"Uhh. For today's state, nothing important im just staying here for a while and be back to city to find a new job". I exhaled a large amount or breath. Thinking that if all of this didn't happen, I wouldn't meet Julian. I wouldn't be right here walking with Julian in dusk. I'm probably busy in my work, like how i used to. I probably missed one fourth of my life.

"Hindi ka magtatagal dito?" Tanong ni Julian at ibinaba ang stand ng motor nya.

"Uh-huh. Anyway why are we stopping?" Tanong ko rin sa kanya

"Time out, napagod ako e" aniya

Malayo layo na rin ang nalakad namin at nakakaramdam na ako ng pagod, but I didn't mind it, if im tired how about Julian? He's pushing a huge thing and for sure it's a heavy thing.

San Vicente Series #1, Moon Embraces The Sun Where stories live. Discover now