Kinabukasan
Pagkamulat na pagkamulat ko ay agad kong nakita ang puting kisame.
Agad akong bumangon at humarap sa kalendaryo.
Aug. 27, 1936
"Totoo? Akala ko bangungot lang yon." Bulong ko sa sarili ko.
Habang nililibot ko ang aking mata, agad kong nakita yung lalaking laging tumatawagbsakin ng 'Babe'. Natutulog siya sa sofa malapit sa kama. Siguro binantayan niya ako magdamag.
Kumuha ako ng isang upuan at ipinuwesto yun sa tapat niya. Umupo muna ko dun at pinagmasdan siya.
Ang gwapo naman pala ng lalaking 'to. Napakaswerte nung may ari ng katawan na 'to. Habang pinagmamasdan ko siya, bigla siyang gumalaw at nagmulat ng mga mata. Napaiwas tuloy ako ng tingin.
"Staring is rude." Nakangiti nyang sabi
"A-ah--"
"You're awake." Sabi niya habang kinukusot pa ang kanyang mata.
"Uh, sorry. Nagising yata kita." Sabi ko at yumuko. Nakakahiya naman.
"Hindi naman." Tumayo siya at hinawakan ako sa balikat. "Uuwi na tayo, sabi kasi ng doctor na ayos ka na daw." Sabi niya at inilahad ang kamay niya sa harap ko.
Tatanggapin ko ba? Pano pagnalaman niyang hindi ako yung girlfriend niya?
"Come on, trust me." Nangangatal kong tinanggap ang kamay niya. Bago kami umalis ay nagpalit na muna ako ng damit, aa bahay na daw ako maligo.
Habang nasa sasakyan kami ay sobrang tahimik kaya..
"Uhm, pwede mo ba akong kwentuhan ng buhay mo?" Tanong ko. "Pati na rin ng buhay ko."
Sana ay nakalimutan na niya yung mga clue na ibinigay ko sa kanya na hindj ako yung totoong girlfriend niya.
"You're so cold, 'Ice Queen' kumbaga." Nanlaki ang mata ko.
"A-ako?" Turo ko sa sarili ko.
Tumango naman siya. "Yes, and iba ka na ngayon." Kita king nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya.
P-paanong iba?
Alam na ba niya?
"Sobrang saya ko nga nung sinagot mo ko, ibig sabihin napansin mo na 'ko." Pagpapatuloy niya. Ngumiti sya ng bahagya at tumingin siya sandali sakin at bumalik din sa daan ang kanyang paningin. Unti-unting nawala yung ngiti niya. "Kaso simula nung naging official tayo, hindi mo pa ako nakakausap. P-parang ayaw mo sakin." Malungkot na sabi niya.
Eh? Sa gwapo at sa bait niyang yan, ayaw ko pa sayo? I mean niya pala.
"Nung nalaman kong braindead ka..." Huminto muna siya sa pagsasalita. "..Gumuho yung mundo ko." At dun, may tumakas na luha sa mata niya. Lalapit nasa na ako pero pinigilan niya ko. "It's okay." Ngumiti siya at pinunasan yung luha niya. "Sana kapag naalala mo na yung nakaraan mo, pansinin mo pa rin ako."
"H-hindi ko maimagine na ganon yung naging ugali ko." Di makapaniwalang sabi ko sa kanya.
"Alam mo bang bago nangyari yung insidente ay magkaaway tayo." Sabi niya at tumigil ang sasakyan.
Anong away?
"We're here." Sabi niya saka bumaba na kaya agad akong sumunod sa kanya.
"O-oy tekaaa! Anong away?" Habol ko sa kanya at hinawakan ang kaniyang kamay para mapigilan siya sa paglalakad.
"I cought you making out with another man ." Mapait na sabi niya.
H-hinding hindi ko m-magagawa yun.
"S-sorry." Nakatungong sabi ko.
"No need. Kapag bumalik na yung alaala mo, sigurado akong magsisisihan mo lahat yang mga sinasabi mo ngayon." Hinigit niya ang kamay niya at tumalikod.
Ala! Ayoko ng ganito! Kailangang maging mabait siya sakin. Kailangan naming magkabati.
Tatawagin ko din ba talaga sya non?. . . . . .
1. . . . . . 2. . . . . . 3!
"B-babe!" Nakapikit kong sigaw.
Laking gulat ko pagkamulat ko nang hawakan niya ako sa baba ko at hinalikan ako sa--
Sa.. LABI KO!!
HALAAAA! Yung First kiss kooo!
Agad na nag-init yung mga pisngi ko.
G-ganito ba ang ang feeling kapag nahalikan?
Hindi ko na alam kung gaano ako kapula.
Pagkatapos niya akong halikan ay niyakap niya ako ng mahigpit.
"I love you Drey Mein Exteres." Bulong niya pero sapat na para marinig ko.
Shet ayoko sanang sabihin to pero..
"I-i l-love y-you too." Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin. Nakita kong namumula yung mata niya.
Hala! Anong ginawa ko?
"Hala! Bat ka umiiyak?"
Ngumiti lang siya sakin. "I'm just happy. Finally, sinabi mo din. And about the kiss, that is our first kiss." Lumapit siya ulit sakin at hinalikan ako sa noo.
Ang sarap pala ng gantong feeling. Yung may boyfriend.
YOU ARE READING
When Time Let Us Meet
RandomPaano kung sa panaginip ay nakikita ang nakaraan? Paano kung dahil sa isang insidente ay bigla na lang sa nakaraan ng walang kaalam-alam? Sa nakaraan na napapalibutan ng mga AKALA. Sa nakaraan na naranasang umibig at ibigin. Kung kailangang ayos...