Nandito pa rin ako sa kwartong ito at nag-iisip sa mga sinabi nung weird na lalaking yun.
Lumabas siya bigla nung sinabi kong hindi ako si Drey.
Habang nag-iisip ako ay may pumasok na isang babae, pamilyar din yung mukha niya katulad nung wierdong lalaki na boyfriend ko daw kuno.
"Hey! Drey, musta ka na?" Agad nyang bungad sakin at niyakap ako ng napakahigpit. Hindi ako makahinga!
"A-ano. H-hindi ako makahi---" Tinapik ko ang likod niya kaya agad siyang bumitaw.
"Sorry!! tsaka sorry na kung hindi ako nakapunta sa Underground, I was busy on my boyfriend e, naaksidente din kasi siya pero happy ako na buhay kayong dalawa." Sabi niya at yayakap na sana pero agad akong nagsalita.
"Sino ka?" Nahihiyang tanong ko pero tumingin pa rin ako sa kanya.
"Huh? Drey, si Hail 'to 'no ka ba? Ako 'to yung pretty bestfriend mo." Sabi niya habang nakaturo sa sarili na at unti-unting nawala ang ngiti niya sa labi. Kunot-noo lang akong nakaginhin sa kanya. "Wait, did you forgot me too?" Nagtaka ako.
"Too?" Sino pa bang nakakalimot maliban sakin?
"Yes, my boyfriend. Nagka-amnesia din siya."
"Alam mo, parang may mali. Parang pamilyar kayo pero hindi ko kayo kilala. Wala akong amnesia. Naaalala ko lahat. Yung kung pano ko hinarap sila Glixe at kung paano ako nabugbog. Lahat yun ay naaalala ko." Naguguluhang sabi ko.
Nagtataka naman siyang tumingin sakin. "Wait!..What?.. Nabugbog? No. Hindi ka nabugbog... You were shot Drey."
Kanina pa sila Drey ng Drey, hindi nga kasi ako yun. Tsaka hindi talaga ako nabaril. Nabugbog nga kasi talaga ako!
"Pwede ba? Stop calling me Drey."
"Anong itatawag ko sayo?"
Teka, bat ko naman sasabihin. Pero nasan ba ako?
"Nasan ba ako?" Pag-iiba ko ng topic.
"Nasa ospital ka nina Elias."
"Ano bang araw-I mean date today?"
"It's August 26, 1936." Sagot niya at nanlaki ang mata ko.
"1936?!" Gulat kong tanong dahil hindi ako makapaniwala.
Ano to? Past?
Imposible!"Yes, why?"
"A-aaah-nothing." Sagot ko at at nag-iwas ng tingin. "I'm tired." At humiga na ako.
Pagod na ang tainga ko sa mga naririnig ko ngayon. Walang pumapasok sa utak ko. Ayaw magsink-in ng mga sinasabi nila. Ang gulo. Masyadong magulo.
Lumabas siya at pumunta akong Cr.
"What the..." Napahawak ako sa mukha ko pagkaharap ko sa salamin.
Kamukhang-kamukha ko siya, as in ako na talaga. Kaya pala ganon sila sakin pero iba ang ayos niya
sa ayos ko. Maganda siya kahit walang make-up."Shet! bat ang ganda ko-nya?" Bulong ko. Hindi pa din ako makapaniwala na magkamukha kami. Ilang minuto pa akong tumambay sa Cr bago lumabas.
Tanggap ko na. Tanggap ko na nandito na ako. Tanggap ko na ganto na ang buhay ko. Sana dito na lang ako.Tanggap ko na-na nasa nakaraan ako.
Teka---nasa past ba talaga ako?
Luminga-linga ako para tumingin sa kalendaryo.
Aug. 26, 1936 (Monday)
"What?! Totoo talaga to?!" Sigaw ko kaya may biglang pumasok na lalaki.
"Babe, what happened? Are you okay?" Alalang tanong nito.
Babe. Ibig-sabihin girlfriend niya ang may-ari ng katawan na ito.
Pagkakataon ko na to para magka-boyfriend.
"Wala, ayos lang ako. Gusto ko ng magpahinga." Humiga na ulit ako sa kama at pumikit.
Sana hindi na ako makabalik sa dati kong buhay, na lagi na lang ako naaapi. Mas gusto ko na dito. Mas gusto ko na sa buhay ko dito.
But where I am? Am I really in the year of 1936?
YOU ARE READING
When Time Let Us Meet
عشوائيPaano kung sa panaginip ay nakikita ang nakaraan? Paano kung dahil sa isang insidente ay bigla na lang sa nakaraan ng walang kaalam-alam? Sa nakaraan na napapalibutan ng mga AKALA. Sa nakaraan na naranasang umibig at ibigin. Kung kailangang ayos...