Nagising ako nang may mabigat na nakayakap sakin, pagtingin ko si Zeniel pala. Mahimbing pa ding natutulog. Napatingin ako sa wall clock. Ang aga pa pala. 4:03 pa lang.
First time kong matulog ng may katabing ibang lalaki.
Naalala ko tuloy yung nangyari kahapon.
FLASHBACK
"Let's go?" Tumango na lang ako.
Inihatid niya muna ako sa kwarto. Maligo daw muna ako. Umalis siya, ipagluluto daw niya muna ako.
Pumasok na ako sa banyo at naligo. Pagkalabas ko, pumunta ako sa walk in closet.
Grabe, ang gaganda naman ng mga damit niya-ni Drey.
Kinuha ko yung isang simple dress at isinuot saka bumaba na.
Ang bangooo.
Dumiretso ako sa Kitchen at lumapit sa kaniya.
"Anong niluluto mo?"
"Uh, Caldereta. Yung favourite mo." Sagot niya sakin.
Sa totoo lang, adobo talaga yung favourite ko-well, syempre si Drey yung may paborito sa Caldereta, hindi naman ako.
Pumunta na lang ako sa dining area at hinihintay siyang matapos.
"Are you hungry?" Tumango na lang ako. Inilapag niya sa harap ko yung Caldereta at kanin. Naglabas din siya ng pineapple juice.
Grabe ang bango talagaaaa.
Ipinaglagay niya ako ng kanin at ulam. Napakamaalaga naman nito. Pagkatapos niya ay umupo na siya sa harap ko.
Nagsimula na din akong sumubo.
"Why? Hindi mo ba gusto yung lasa?" Nag-aalalang tanong niya. Napatigil kasi ako. Hanep! Umiling lang ako. " Sorry, bibili na lang ako sa laba--"
"Hindi,wag! Masarap." Napangiti naman siya. Pininagpatulog ko na din yung pagkain ko.
"Hindi ka ba kakain?" Tanong ko. Nakatingin lang kasi siya sakin, nakakailang kayaaaa. Umiling lang siya.
Hindi pwede. Siya yung nagluto sa tas hindi siya kakain?
Sumalok ako ng isang kutsara at iniharap yun sa kanya. Mukhang nagulat siya sa ginawa ko.
"Nga-nga." Utos ko sa kaniya, sinunod naman niya yun kaya sinubo ko na sa kaniya. "Yan, kumain ka. Hindi pwedeng ako lang. Ikaw kaya yung nagluto." Nakangiti lang siya sakin.
Pagkatapos naming kumain, ako na ang nagpresintang mag-hugas ng pinagkainan. Nakakahiya naman kaya.
"Uh, Drey aalis na ako." Pagpapaalam niya. At nagsimula ng maglakad
Napatingin naman ako sa wall clock. "Ang aga pa. 9:42 pa lang." Sabi ko kaya napatigil siya. Lumapit ako sa kaniya at humarap. "Pwedeng sumama?" Nakangiti naman siyang tumango. Pumunta na kami sa sasakyan niya.
Naging tahimik yung byahe hanggang sa tumigil kami sa tapat ng malaking bahay. Halos kasing laki din nung bahay ko-ni Drey.
Tahimik din kaming bumaba at pumasok. Ang aliwalas. Samantalang dun sa bahay ni Drey, madilim puro pa kulay black. Mangkukulam yata yun.
Dumiretso kami sa isang kwarto. Sa kanya yata 'to. Wala naman yatang ibang nakatira dito e. Umupo ako dun sa edge nung kama niya.
"Uhm, Zeniel." Tawag ko sa kaniya.
"Hmm?"
"Mangkukulam ba ako dati?" Napatawa naman siya. Hanep. Seryoso mandin.
"Hahaha, why do you ask?"
"E kasi puro kulay black yung mga gamit at yung mga nakapalibot dun sa bahay ko tsaka madilim. Takot ba ako sa liwanag?" Sagot ko. Totoo naman kasi.
"Ahh, 'coz black is your favourite color." Napa- ahh na lang ako. "Wait here, liligo lang ako." At umalis na siya at pumunta sa banyo.
Naglibot-libot muna ako sa loob ng kwarto niya. Hanggang sa may nakita akong tagong pinto sa may dulo.
Ano kayang nasa loob nun? Nakakacurious naman.
Dahan-dahan kong pinihit yung doorknob at saka binuksan. Sumilip muna ako pero madilim. Nangapa ako hanggang mahanap ko yung switch saka iyon ini-on.
..
..
...
...
O__O!
Puro mukha ko-ni Drey pero halos puro stollen shots. Puro picture ni Drey yung nasa loob.
Stalker ba nun 'tong si Zeniel?
Grabee!
Mahal na mahal talaga niya si Drey.
Napaisip ako. Bakit kaya ganon tumrato si Drey kay Zeniel eh ang bait bait na nga ang alaga pa.
Hay ewan hindi ko alam.
Naglibot libot muna ako ng konti sa loob at lumabas na rin. Sakto namang kakalabas lang nya sa banyo at kakatapos lang maligo.
Napatingin ako sa katawan nya, shet pandesal! Malaman!
Napakaswerte naman ni Drey sa taong 'to.
"Enjoying the view?" Agad naman akong nagiwas ng tingin. Rinig ko ang bahagya nyang pagtawa.
"U-uh lalabas na muna ako." Iwas tingin kong sabi. Wala kase syang damit. Tanging tuwalya lang sa pang-ibaba ang saplot nya.
Dumiretso na lang ako sa labas ng hindi nakatingin sa kanya at hindi hinihintay ang sagot niya.
Kahiya gagu.
Tumambay muna ako sa sala habang hinihintay syang magbihis, sumalampak ako ng upo at nagtingin ng mga librong nakapatong sa table. Ilang minuto pa ang lumipas bago sumunod si Zenreil.
Tagal naman mag bihis neto daig pa ko eh.
Tumabi naman siya sakin at umakbay.
"Uhh babe, babalik ka na. Pwede ka na ulit pumasok. Don't worry, sasamahan kita pumasok bukas." Napatango na lang ako.
Ano kaya patakaran sa School nila? Ganon din ba yun sa school namin na walang pakealam ang mga guro? Bubullyhin din ba nila ako?
Bigla kong naalala sila Jhey at Glixe. Mga gagong yun wag talaga silang mag papakita sakin.
"Babe."
"Babe?"
"Hey Drey?"
"H-huh?" Napatanga na lang ako. Bakit? Ano nangyare?
"I'm talking to you pero tulala ka. May naaalala ka na ba?" Ngumiti lang ako at umiling.
Wala naman akong maaalala dahil ibang tao yung nasa loob ng katawan na to.
May ilan pa kaming napagkwentuhan hanggang sa umabot na ng gabi at napagdesisyunan muna naming dito muna matulog sa bahay nya.
YOU ARE READING
When Time Let Us Meet
عشوائيPaano kung sa panaginip ay nakikita ang nakaraan? Paano kung dahil sa isang insidente ay bigla na lang sa nakaraan ng walang kaalam-alam? Sa nakaraan na napapalibutan ng mga AKALA. Sa nakaraan na naranasang umibig at ibigin. Kung kailangang ayos...