Tinatanaw ko ang ilog mula rito sa tulay at tanging liwanag lamang ng buwan ang gumagabay sa'kin. Walang kahit anong tao, sasakyan, o ilaw sa poste ang makikita dito sa ganitong oras. Malalim ang aking iniisip habang hawak hawak ang isang piraso ng ipit. Noong nandito pa si mama lagi niyang iniipitan ang mahaba at itim kong buhok. Ang sabi niya mas maganda 'daw tignan ang isang babae kapag nakaipit. Bukod sa maaliwalas tignan, mas lumilitaw 'rin ang kagandahan ng isang babae. Noong una ayaw ko pa araw-arawin dahil sayang ang haba ng buhok ko kung lagi lang akong magiipit. Ayaw ko 'rin namang magpaiksi ng buhok kasi nakakapanghinayang naman kung puputulin lang ito.
Napangiti ako sa ganda ng ipit na hawak ko. Ito ay pinalilibutan ng labing-walong bulaklak ng maliliit na daisy. Dahil hindi ko ito suot, ramdam ko ang pagsabay ng aking buhok sa simoy ng hangin. Isama pa ang puting bestida na suot ko ngayon.
Isa lang ang napagtanto ko sa lahat ng nangyari at nangyayari. Simula ngayon wala akong ibang pagkakatiwalaan kundi ang sarili ko at ang mga taong nagmamahal sa'kin. Hindi ko kailangan ng awa ng iba at mas lalong hindi ko kailangan ang pagmamahal sa kasinungalingan.
Maaaring ang tulay at ilog nito ang kahinaan ko ngunit dito 'din ako kumukuha ng lakas. Kung dito siya nawala, dito ko 'din siya mahahanap.
Hindi ako uuwi hangga't hindi ko nakikita ang mama ko. Madami na kong sakit na nilagpasan para sumuko pa ngayon.Nagtagal muna ako ng mga sandali pa. Nagbabakasakaling masilayan ko ulit siya. Gabi-gabi ko itong ginagawa. Minsan naman sa araw pa kaso saglit lang dahil sa mga sasakyan na dumadaan.
Limang taon na kong naghihintay. Wala akong pakealam kung ilang taon pa ang aabutin. Hangga't hindi ko nakikita ang katawan ng mama ko, hindi ako titigil.
Habang naghihintay ako sa kanya aabutin ko ang mga pangarap ko. Walang mangyayari kung maghihintay lang ako nang maghihintay. Akala ko noon mamalasin na ko habang buhay buti na lang nandito si Tatay Rico. Totoo ngang kapag may nawawala, may dumadating.
Magmula noong umalis ako galing Maynila kung saan kami nakatira, dito ako sa Monte de Tanay
pumunta. Dito ipinanganak si mama kaya lang wala na dito ang mga lolo at lola ko. Isang araw kinwento sa'kin ni mama ang nakaraan niya."Ma ano ba 'yang pinipinta mo? Tsinelas pero sira?" Tanong ko kay mama na katanghalian tsaka siya nagpipinta dito sa sala namin sa itaas. Tinignan niya ko at sinagot ang tanong.
"Sapatos 'yan Ruzca! Ayan nga oh may sintas" itinuro niya ang bandang ulo ng tsinelas na sira talaga. Heto nanaman siya sa mga pilosopiya niya.
"Ah talaga? Ano bang brand nyan ma? Nike? Adidas? Sketchers? Hmmm ano ba ma?"
"Samsung!" Pilosopo niya uling saad at nagpatuloy sa pagpipinta.
"Ma seryoso na, bakit sira 'yung tsinelas?" Nilingon niya ko ng may seryosong ekspresyon kaya umaasa kong seryoso 'din ang isasagot niya.
"Kasi hindi buo?" Binabawi ko na ang sinabi kong seryoso ang isasagot niya.
"Maaaa!" Iritado kong sigaw. Umiwas naman siya ng tingin at nagpatuloy ulit sa pagpipinta.
"Ganyang edad mo ako 'non nang muntik na kong pagsamantalahan ng sarili kong ama" nagulat ako sa biglaang sinabi niya. Gaya ng edad ko.. ibigsabihin labing limang taon. Hindi siya nakatingin sa'kin nang sabihin niya iyon kaya umaasa akong nagloloko ulit siya pero hindi niya binawi! Nanatili akong tahimik dahil sa wala akong masabi kundi ang malungkot na lang para sa mama ko.
"Dahil namatay si ina noong ipinanganak ako, sa'kin niya lagi binubunton ang lahat ng pangangailangan niya. Sinisisi niya ako sa nangyari. Na kung sana hindi ako nabuo, hindi sana aatakihin ang nanay ko noong ipinanganak ako" patuloy ang pagkwento niya habang ako ay wala pa 'ring masabi kundi sana naglolokohan lang kami dito! Ang alam ko namatay nga ang lola ko noong ipinanganak siya pero hindi ko alam ang ginagawa ng lolo ko sa kanya.
"Dating pintero 'rin ang lolo mo noon pero tumigil nang medyo lumaki na ko at nagkaisip. Sampung taong gulang ako nang pagtindahin niya ko ng mga bulaklak na daisy sa lansangan. Nagiinom naman siya tuwing gabi at ang kita ko ang pinambabayad niya. Nagagalit siya sa'kin lagi sa tuwing uuwi ako na kulang ang kita o di kaya'y wala talagang kinita buong araw" unti-unting pumatak ang luha ng mama ko. Ito ang unang beses na nakita ko siyang umiyak sa harap ko mismo. Masakit. Mas gugustuhin ko pang barahin niya ko buong araw kaysa ganito.
"Nang magdalaga ako, kuhang-kuha ko na lalo ang mukha ng lola mo. Doon niya ko sinubukang gahasain pero hindi niya naggawa dahil tumakbo ako noon papalayo. Kung saan-saan ako napadpad na simpit hanggang sa hindi na nakayanan ng tsinelas ko. At iyan ang tsinelas na suot ko" itinuro niya ang tsinelas na pininta niya. Tapos na niya ito! Kulay itim na tsinelas na may bulaklak na daisy sa ibabang parte ng tsinelas. Parehas mayroon nito sa kanan at sa kaliwa. Sira ang pinanghahawakan ng mga daliri at may pako sa may gitna ng tsinelas.
"Natusok ako noon ng pako kaya mas lalo akong nanghina. Doon dumating ang papa mo. Tinulungan niya kong makatayo at umalis sa lugar namin at dito na niya ko dinala sa Maynila. Tatlong taon ang nakalilipas nang bisitahin ko ulit siya ngunit nalaman ko sa mga kapitbahay na namatay siya noong hinabol niya ako" papaanong.. shit! Wala na talaga kong masabi ngayon!
"Kaya pala natakasan ko siya dahil nabundol na siya ng sasakyan noong paliko pa lamang ako sa kabilang kanto noon. Binisita na lamang namin ang puntod niya sa sementeryo na mga kapitbahay namin ang naglibing"
Tingin ko'y tapos na ang kwento dahil nagpunas na siya ng luha at ngumiti sa'kin."Iyan ang dahilan kung bakit sira ang tsinelas. Tandaan mo Ruzca, gaya ng pagpipinta ang pagtugtog. Lahat ng mga gawa ko ay may kahulugan at lahat 'din ng tinutugtog mong kanta ay may pinagdaanan" Pangaral sa'kin ni mama.
Hanggang ngayon alalang-alala ko pa ang pangaral na 'yon. Napakadami nang pinagdaanan ng mama ko simula pa noong bata siya kaya hindi dapat ako mawalan ng pag-asa. Minsan kahit gusto ko nang sumuko inaalala ko lang ulit ang pinagdaanan niya. Iniisip ko kung paano kaya kung ako ang nasa posisyon niya? Baka hindi ko 'yon kayanin. Pero siya kinaya niya kaya dapat kayanin ko 'din to.
Nang mapansing kong lumalim na lalo ang gabi, nagpasya na kong umuwi. Siguro hindi pa 'to ang oras para makita ko siya. Kahit alam ko sa sarili kong hindi marunong lumangoy ang mama ko, naniniwala kong ligtas siya.
Pagkauwi, bumungad si Tatay Rico na nakahiga sa sala. Ganito lagi ang eksena namin tuwing gabi dahil hindi siya natutulog sa nagiisang kwarto na siyang tinutulugan ko. Hindi ko na siya inabala sa pagtulog at humiga na lamang ako sa papag na may kutson na siyang nagsisilbing kama ko. Dalwa lang ang gamit kong unan at ang dalwa pa ay gamit ni Tatay Rico.
Tulala lang akong nakatitig sa kisame at lutang nanaman ang isip. Isang araw tinulungan ako ni Tatay Rico na pumunta sa ilalim ng tulay kung saan nadoon ang ilog na pinagtalunan ng mama ko. Isang linggo pa lamang ang nakalilipas noon matapos ang pagtalon. Kahit medyo madumi ang tubig sa ilog dahil sa ulan, sinubukan ko itong sisirin at nakumpirma kong malalim ito at hindi kakayaning languyin ng mama ko lalo na't hindi siya marunong magpalutang sa tubig.
Grabe ang panghihinang naramdaman ko matapos ko gawin 'yon. Pero sabi sa'kin ni Tatay Rico na hangga't ramdam kong buhay ang mama ko, maniwala ako dahil wala namang masama sa paniwalain ang sarili kong buhay siya. Ang natatangi ko lang gawin ay maghintay dahil alam kong pagtatagpuin kami balang araw.
Nagdasal muna ako bago matulog at hinanda ang sarili para sa haharapin kinabukasan.
BINABASA MO ANG
Love Never Fails
RomanceMasasaktan kapag nagmamahal ngunit hindi ka kailanman bibiguin.