Kabanata 2

2 1 0
                                    

Bumalik ako kila Aling Tery na nanghihinayang dahil hindi ko na nahuli ang magnanakaw. Sana lang malasin siya! Naniniwala 'din ako sa karma!

"Ano na babygirl namin, hindi mo nahuli kaya ganyan ang mukha mo hane?" Tanong ni Gummy na nakaupo sa tabi ni Bubbles. Wala pa ulit customer kaya siguro nagpapahinga sila. Tumango naman ako at yumuko.

"Ikaw naman kasi Gummy, dapat ikaw na ang humabol! Tignan mo nga 'yung babygirl natin pagod na pagod" paninisi ni Bubbles kay Gummy at syempre itong isa, papatulan niya pa. Imbes na makisali ako, lumapit ako sa kabilang mesa para uminom ng tubig.

"Edi sana hinagis na lang kita para walang hirap. Tutal sa payat mong 'yan, eh aabutan mo 'yon agad!" Ayan na nga gumanti na si Gummy. Haystt bahala kayo! Tulad kanina, pinagmasdan ko lang sila habang nagtatalo.

"Kasalanan mo 'yon babagal-bagal ka kasi, Gummy!"

"Ikaw 'yon!"

"Heh, manahimik ka Gideon Mikael na anak ni Aling Bubay at Kuya Baldo!"

"At talagang pangalan ko ang pinupuntirya mo? Sa ganda ng pangalan ko, walang-wala ang sa'yo, Dominador!"

"Gideon!"

"Dominador!"

Muntik ko nang maibuga ang tubig na iniinom ko!

HAHAHAHAHAHA DOMINADOR HAHAHAHAHAHAHHAHAAHA.

Tawa ko sa isip pero hindi ko na napigilan. Sabay silang tumingin sa'kin at nangasar nanaman si Gummy.

"Kita mo na, natawa si Ruzca sa pangalan mo, Dominador" Huling asar ni Gummy at nagsimula na ulit kami sa trabaho hanggang sa mag alas siyete na ng gabi.

Minsan sa ganitong oras wala nang masyadong bumibili pero ngayon dinadagsa kami dahil maraming dayo ngayon dito sa Monte de Tanay. Bukas gaganapin ang Tanay Hane Festival kaya siguro ganito kadami ang bisita.
Noong nakaraan naman ginanap ang Rodeo Festival kung saan may mga kalahok na maguunahang makahuli at makatali ng baka. Hindi naman kami nakanood noon kasi nakatambay kami sa likod bahay ni Aling Tery na may duyan at magandang hardin.

'Di tulad kanina, lalo akong naging tutok sa mga customer. Pinapauna ko muna silla magbayad bago ko ibigay ang barbeque na binili nila.

Nang mag alas-otso na ng gabi, doon na naubos ang paninda namin kaya agad kaming nagligpit at naglinis. At nang matapos, binigyan na kami ng suweldo ni Aling Tery.

"Ang bait niyo talaga Aling Tery! Pagpalain sana kayo ni God!!" Masayang saad ni Bula at mayroon pang pagpaypay ng 200 pesos.

Araw-araw kapag pumapasok ako, 200 pesos ang laging binibigay sa'min ni Aling Tery. Sapat na 'yon para sa'min ni Tatay Rico sa isang araw. Si Gummy naman ang alam ko pang sarili niya lamang iyon. Nagiisa lang naman siyang anak at parehong may trabaho ang mga magulang niya. Pinagmasdan ko si Bula na tuwang-tuwa ngayon.

"O siya, gabi na at madilim na sa daan. Balik kayo bukas ah? Agahan niyo dahil simula na ng pista bukas paniguradong maraming bibili. Magingat kayo sa daan" Paalala ni Aling Tery at pumasok na siya sa loob ng bahay niya.

"Mauuna na ko, hane? Magingat kayo sa daan! Naku, matutuwa ang mga kapatid ko ne'to" Paalam ni Bula. Siya kasi ang tumatayong ama at ina sa dalawa niya pang kapatid. Iniwan sila parehas ng mama at papa nila. Kaya heto, mangha pa 'rin ako sa sipag at tiyaga ni Bula.

"Ruzca, bukas ng umaga kita tayo 'dun sa may municipyo hane? Manonood tayo ng parada. Agapan mo gising mo kundi, susugurin kita sa bahay niyo!" Sabi sa'kin ni Gummy at wala naman akong maggagawa kaya tinanguan ko na lang. Nang makalabas kami sa gate ni Aling Tery, nakipagbeso na sa'kin si Gummy at kumembot kembot na siya paalis.

Love Never FailsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon