"Ang tagal mo naman Bula! Kanina pa kami nagaabang dito ni Ruzca"
Reklamo ni Gummy pero ako tamang libot lang ng tingin dito sa paligid. Ang daming tao ngayon kahit ala sais palang ng umaga. Ngayon ang parada ng mga banda at mga floats kaya pinagkakaguluhan talaga ng mga tao."Paanong hindi ako tatagal, hindi niyo naman ako sinabihan kahapon na may meeting de avance palang magaganap ditey bakla ka"
"Ano ka ba, hindi ka na nasanay eh sa tuwing pista nanonood tayo ng parada! Ruzca, pigilan mo ko kumukulo ang dugo ko dito sa Bula na 'to" sabi ni Gummy sakin at umasta pang nagpapaypay gamit ang kamay.
"Ayoko nga bahala kayo. Kahit magaway pa kayo sa gitna ng kalsada wapakels ako noh" masungit kong saad pero biro lang naman 'yon. Eh kasi naman ang ganda na ng peg ko dito. Pinagmamasdan ko kaya 'tong buong municipyo dahil sobrang laki talaga. Ang ganda pa ng garden! Noong pasko grabe napakadaming ilaw dito na akala mo may ari ng meralco ang mayor namin. Isa ito sa mga pinupuntahan ng mga turista dahil mala mansyon ang style ang municipyo ng Monte de Tanay.
"Ayan na! Natatanaw ko na!" Saad ni Gummy na pinagpala sa height. Gustuhin man naming lingunin ni Bula ang mga banda, hindi naman namin makita kaya no choice, hinintay namin na umikot at mapunta sila dito sa harap mismo ng municipyo.
Bumungad ang unang banda na kulay pula ang suot at para silang mga sundalo. Nagperform pa sila ng isang tugtog na masaya kaya feeling mo may chance sila na manalo mamaya sa drill.
"Baklaaaa! Nakikita mo 'yung isang drummer na 'yon? Ang gwapoo" kinikilig na sabi ni Gummy. Ewan ko ba dito kada pista may iba't-ibang crush na galing sa iba't-ibang banda. Karamihan kasi sa mga sumasali galing pa sa ibang lugar kaya hindi namin kilala.
"Malandi ka talaga. Ba't di mo ko gayahin, napakabait kong bakla sa balat ng lupa" at eto nanaman ang asar ni Bubbles. Bahala sila magaway basta ako nanonood ng isa pang banda na asul naman ang suot. Grabeee ang ganda ng flags nila!
"Napakabait? Tanggap ko pa kung mabait ka lang, pero napakabait? Omg magpapakalalaki muna ko bago ako maniwalang napakabait mo"
"Kontrabida ka talaga sa bahay ko Gummy! Palibhasa kasi aminado kang bitch ka!"
"Beach yon bonak ka"
"B-i-t-c-h 'yon boba ka talaga Gummy"
"Alam ko. Di mo ba alam 'yung joke at sarcastic?" Hallerrr" huling rebatt na ni Gummy 'yon at tumigil na si Bubbles. Haystt parehas naman silang bakla hindi na lang magkasundo.
Imbes na intindihin ang pagaaway nila, nililibang ko ang sarili ko dito sa tugtog ng isa pang banda na may suot naman na kulay purple.
"Kuya naman ang sakit sa tenga ng tuba niyo 'wag niyo po itapat sa'kin!" Reklamo nanaman ni Gummy. Eto talagang baklita na 'to manonood na lang magrereklamo pa. Napatingin tuloy sa kanya 'yung musikero. Nakakahiya 'yon! Bahagya kaming lumayo ni Bula kay Gummy at umastang hindi namin siya kilala o kaibigan. Sinamaan niya naman kami ng tingin.
"Hoy mga plastik! Ah, kuya 'yang dalawang 'yan kaibigan ko 'yan" turo niya samin ni Bula pero hindi pa 'din namin siya kinikibo.
"Share mo lang" pambara noong kuya na tumutugtog kanina ng tuba.
HAHAHAHAHAHA BARADO AMPUPU."HAHAHAHAHAHAHAHA KUYA KAIBIGAN NAMIN 'YANG BINARA NIYO. ISA PA NGA PONG PAMBARA!" sigaw ko dahil hindi ko na napigilan. Nakitawa naman si Bubbles pero si Gummy kaonti na lang ay magbubuga na ng apoy at maga-ala dragon na dito sa festival.
BINABASA MO ANG
Love Never Fails
RomanceMasasaktan kapag nagmamahal ngunit hindi ka kailanman bibiguin.