"Tatay Rico aalis na po kayo?" Tanong ko sa kanya habang nandito ako sa labas at nagkakape. Nilingon niya ko at sinagot niya ang tanong.
"Halata naman anak. Diyan lang ulit ako sa may park tutugtog para mas maraming kita. Bukas na ang pista kaya mas lalong dadami ang gumagala ngayon." Dito kami magkasundo ni Tatay Rico. Parehas kaming mahilig sa musika at tumugtog ng gitara. Kahit maliit ang kinikita niya sa pagtugtog sa park o sa kung saang lugar dito sa Monte de Tanay, hindi namin iniisip dahil alam naming iyon talaga ang gusto niya. Gustuhin ko mang samahan siya ay isinantabi ko muna at mas pinili ang trabaho kila Aling Tery. Gasera lang naman ang ginagamit namin para sa liwanag at poso naman para sa tubig. Hindi 'rin namin intindihin ang gasul dahil mayroon naman kaming pamparikit.
"Ingat Tatay Rico" nginitian ko siya at kinawayan.
"Siyempre iingatan ko ang sarili ko" iwan niyang pambara sa'kin pero sanay na ko parehong-pareho sila ni mama. Bitbit ang gitara niya at ampli ay umalis na siya.
Oras na rin para pumasok ako sa trabaho. Ngayong mga pahapon talaga mabenta ang barbeque ni Aling Tery kaya gantong oras ang pasok namin. Yung tipong magaalasingko na tapos hanggang gabi na 'yon.
Suot ang plain white shirt, leggings, at tsinelas ay umalis na ko. Araw-araw ganito lang ako manamit. Bukod sa wala na kong maisuot na matino, ayokong magsuot ng maiiksi. Nakaipit din ako lagi kasi paborito ko ang pangipit ko at napapakainit sa Pilipinas.
Dito palang sa tapat ng gate ni Aling Tery, rinig ko na ang malakas na boses ng dalwa kong kaibigan.
"I'm a Barbie girl in a Barbie world~~
Life in plastic, it's fantastic~~
You can brush my hair, undress me everywhere~~
Imagination, life is your creation~~
COME ON BARBIE LET'S GO PARTY! OH YEAH! OH YEAH!" Nangingibabaw na kanta ni Bubbles. Nang tuluyan na kong makapasok ay napatigil agad sila. Si Bubbles nga ang kumakanta habang si Gummy naman ang sumasayaw at umaacting pa na parang Barbie."Uy, Goodmorning Ruzca babygirl" Bati sa'kin ni Gummy. Nginitian ko siya at pinagmasdan. Nakasando siyang puti, nakapink na shorts, nakapink na tsinelas at may pulang lipstick. Sa laki ng katawan nito, kung hindi lang talaga nagsusuot ng pink ang yummy na tignan. Ang laki laki ng muscles niya jusq. Kwento niya daw eh pinagbubuhat siya dati ng tatay niya kaya ganyan.
"Gosh gurl buti naman at ganyan lagi ang suot mo hane? Naku alam mo ba doon sa kabilang kanto eh ang dami daming manyak! Pati nga ako minamanyak nila gurlll" sambit naman ni Bubbles na nakatakip pa sa dibdib niyang wala namang laman. Kung si Gummy ay may muscles, etong si bubbles literal na parang bula. Konti na lang talaga tatangayin na'to sa sobrang payat. Ewan ko ba dito kung maiinggit ako kasi kahit anong dami ng kain niya di siya tumataba. Binatukan pa siya ni Gummy at boom! alog ang bunbunan nung isa HAHAHAHAHAH.
"Gaga, ikaw mamanyakin? Joke ba 'yun?"
"Tanga ka ba? Kahit gaano kapayat o kapangit yung tao, kung likas na manyak, manyak talaga. Duhhh. Kaya ikaw Ruzca, wag kang magsusuot ng maiiksi kahit gustuhin mo pa. Papabugbog natin sila kay Gummy"
"Eh bakit ba pinagbabawalan mo si Ruzca magmaiksi kung gusto niya naman 'yon? Atsaka katawan niya 'yan noh"
"Gummy nagiisip ka ba? Anong gusto mo masusunod yung gusto mo pero babastusin ka? Ganon ba?"
"Hoy bula, palibhasa di ka babae! Siyempre gusto ni Ruzca yung presentable siya manamit diba? Atsaka kung may respeto naman yung mga tao sa paligid hindi nila 'yon gagawin"
"Hayup ka talaga Gummy. Ibabalik kita sa sinaunang panahon! Tingin mo may respeto pa mga tao ngayon? Balik kita sa tyan ni Eba makita mo"
Patuloy sila sa pag sasagutan habang ako ay nakaupo na dito at tinitignan lang sila. Nagaaway pa sila tungkol 'don eh hindi naman ako nagsusuot ng shorts at mga revealing na damit.
BINABASA MO ANG
Love Never Fails
RomanceMasasaktan kapag nagmamahal ngunit hindi ka kailanman bibiguin.