Kabanata 4

5 1 3
                                    

'Gandang Tanay!" Sigaw ng emcee sa gabing ito. Ngayon na gaganapin ang Tanay Got Talent at nandito kaming tatlo sa park para suportahan si Tatay Rico.

"Hane!" Sagot naman ng mga tao.

Magarbo ang ayos ng park ngayon ngunit sa mga sulok nito ay may harang hudyat na masyado nang maraming tao sa gitna.

"Oh Bula, nasan na 'yung ginawa mong banner" rinig kong usap ni Gummy habang ang opening program ay nagsisimula na.

"Eto oh, kaso mukhang hindi makikita masyado ang nakasulat. Medyo madilim dito sa pwesto natin" Nagaalalang sabi ni Bula. Ibinuka niya ang kartolina na may nakasulat na 'Tatay Rico da best Musikero'. Bukod sa maganda ang pagkakasulat, maganda 'din ang nilagay ni Bula. Magaling!

"Ang ganda" Puri ko.

Nagulat ako nang maglabas si Gummy ng flashlight na malaki! Binuksan niya ito at itinapat sa banner. Lalong gumanda!

"Buti na lang at handa ako" si Gummy ang may hawak ng flashlight at si Bula naman sa banner. Sinabi kong 'wag muna itaas dahil mangangalay lang sila. Hindi pa naman nagpeperform si Tatay Rico.

"Bago ang lahat nais ko munang ipakilala sa inyo ang nag-gagandahan at nag-gagwapuhang mga hurado" sabi ng emcee at tinanaw ko naman ang nasa screen sa kaliwang parte ng park. Nagulat na lamang kaming tatlo na ang magkasintahang El Jacinto ang bumungad.

"Gandang Tanay!" Si Aias ang unang bumati kasabay ang girlfriend niya.

"Hane!" Sigaw ng madla.

"Magandang gabi, ako si Tobias Jaime El Jacinto at isa ako sa mga hurado sa gabing ito. Maaaring kilala niyo ako na hindi marunong tumugtog ng kahit anong instrumento pero alam ko kung maganda ba o hindi ang pagkanta. Pagbutihin niyo. Salamat" Tobias.. Aias.. Ang sarap banggitin. Ang ganda 'din ng sinabi niya. Sumunod na lumitaw sa screen ang girlfriend niya at kandong niya si Zeejy.

"Magandang gabi, Ako si Xeria Finn Felicidad. Isa lamang ang masasabi ko, Isa." Tumawa ang marami sa pagpapakilala niya. Napangiti naman ako. Pero etong dalawa halos maglupasay na sa sahig katatawa.

"Isa daw HAHAHAHAHAHA"  si Bula na hinampas hampas pa ko.

Sunod namang nagpakilala ang dalawa pang hurado na babae at lalaki na medyo may katandaan na 'din.

"Tunghayan natin ang awitin ng unang kalahok" Nagsimulang kumanta ang isang babae na halos kasing edad ko lang 'din.

Nang matapos ang apat na kalahok ay si Tatay Rico na pala ang susunod at siya ang pinakahuli.

"Magandang gabi, ako si Tatay Rico at ihahandog ko sa inyo ang awiting ito" pakilala niya sa lahat. Pumalakpak naman ako ng todo at si Bula at Gummy naman ay hawak hawak ang banner at ang flashlight.

Bitbit ni Tatay Rico ang gitara niya at nagsimula nang tumugtog.

"🎤Parang kailan lang, ang mga pangarap ko'y kay hirap abutin..
Dahil sa inyo, napunta ako sa aking nais kong marating..
Nais ko kayong pasalamatan
Kahit man lamang isang awitin🎤" Nawala ang sigaw nang lahat at kahit ako ay natulala. Nakangiti lamang si Tatay Rico habang kumakanta at tamang-tama lamang ang tunog ng kanyang gitara.

"🎤Parang kailan lang, halos ako ay magpalimos sa lansangan..🎤" sa linya na iyon ay kita kong namumuo na ang luha sa mata niya pero nakangiti pa 'din siya.

"🎤Dahil sa inyo ang aking tiyan at ang bulsa'y nagkalaman..
Kaya't itong awiting aking inaawit
Nais kong kayo ang handugan🎤"
Lumingon ako sa paligid at ang iba ay kinukuhaan ng video si Tatay Rico.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 19, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Never FailsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon