She planned it All Along

78 1 0
                                    

"The loser is here na!" I heard one of my girl classmates shout as I entered our classroom while lowering my gaze. I was about to walk directly to my chair nang higitin ako ng isang maarteng bully na babaeng kaklase ko ang kamay ko. She's Vickie.

"Hey loser, we're not done yet," she said, diniinan pa ang paghawak sa kamay ko, causing me to groan. What's wrong with these people?

Since first day of school, when they saw me wearing these thick eyeglasses and the way I dressed, b-in-ully agad nila ako. I'm wondering, is being nerd a crime? Bakit parang halos mandiri na sila sa'kin like I did something wrong? Pero pasensyusa ako, so I never dared to fight back. I'm used to it, anyway.

"B-Bitiwan mo ako... N-Nasasaktan ako," mahinang saad ko.

She just smirked at mas lalo pang hinigpitan ang paghawak niya rito. Her five friends went near her like a back-up.

"What if I won't? May atraso ka sa'kin."

I shot a curious glance at her. Ano nama'ng atraso ko dito?

"Wala akong atraso sa 'yo..." ani ko at tinitigan pa siya sa mga mata, hoping that she would believe dahil ang sakit na talaga ng kamay ko.

"Oh c'mon, weirdo girl, nagka-amnesia ka ba? Dinikitan mo lang naman ang boyfriend ko. You're a bitch!" Kasabay ng pagsasalita niya ay sinampal niya ako nang napakalakas, dahilan para mapaupo ako sa sahig.

"Hindi ko dinikitan ang boyfriend mo! Siya ang kusang dumikit sa akin---" Natigil ako sa pagsasalita when someone pulled my hair. One of her friends-- or should I say, slaves.

"How dare you say that! Malandi ka sa paningin namin kaya 'wag kang umastang santa santita!" ani ng isa, she's Lyra.

"Hindi ka rin type ng boyfie ko, 'wag kang umastang maganda dahil isa ka lang namang pangit."

Hindi ko na napigilan ang sarili ko, naubos na ang nag-uumapaw kong pasensiya noon, sinapak ko sila isa-isa. I saw a post on Facebook that if your bullies are strong, you need to be stronger. So I did it.

"Malandi nga ako pero sa paningin niyo lang. Don't act as if you're not. Hindi n'yo namamalayang sarili niyo na pala ang tinutukoy niyo," huling wika ko sa kanila at saka dumiretso sa upuan ko.

I was about to sit down nang biglang maramdaman kong binuhusan ako ng malamig na tubig. Napasinghap agad ako, maginaw pa naman ang panahon, damn. I didn't face them, I just clenched my fists.

"How dare you!" sabay nilang sigaw at namalayan ko na lang na kinaladkad na nila ako sa kung saan.

Kung anu-anong malalagkit na ingredients ang ipinagbabato nila sa akin. Hindi ko nga alam kung mukha pa ba akong tao. I just let them did it, sanay naman na ako.

"That's what you get, bitch!" sabay-sabay nilang sabi at dinuraan pa ako bago umalis.

Why is it so unfair? Wala naman akong ginagawang masama pero bakit ganito ang inabot ko sa paaralang ito?

Dumaan ang ilang araw, ganoon pa rin ang ginagawa nila sa akin. Hindi nagsasawa, paulit-ulit lang at naririndi na ako sa kanila. Wala man lang akong nakitang kakampi, halos lahat sila'y gano'n ang pakikitungo sa 'kin. I didn't fight back 'cause I know mas lalaki lang ang gulo.

Isang dapit hapon papauwi na ako sa amin na hinang-hina. Parang 'di ko na kakayanin pa ang lahat. Wala na akong mga magulang na magiging kakampi ko sana, wala rin akong kaibigan. Mabuti na lamang sigurong mawala na lang ako.

But, I remembered my twin sister. May kasama pa pala ako. Nagbago ang isip ko at dali-dali akong umuwi sa bahay.

Pero ganoon na lang ang panlulumo ko nang makita ang kapatid kong nakabigti na sa kisame. Widening my eyes, I suddenly bursted out into tears. Why is it so sudden?! The only one whom I thought I can rely on, left me, still facing my problems.

Waves Of WordsWhere stories live. Discover now