[40 years.. Later]
"hoyy mackoy!! Gumising ka na nga dyan!! Ano ba!"- dinig kong sigaw ng babae which is ang mama ko
"ma.. Maya na, inaantok pa ako eh"-sabi ko sabay takip ko ng kumot
"ahh ganun?"-rinig kong sabi ni mama at biglang hinila nya yung kumot
Kaya wala nalang akong nagawa kundi ang bumangon
"ikaw talagang bata ka, kumain ka na dun at pagkatapos ay maligo.. Papasok ka pa sa eskwelahan"-sabi ni mama sa akin
Hindi nalang ako umimik at sinunod ko na lang yung sinabi nya kahit na antok na antok pa ako
"ma.. Ayokong pumasok sa paaralan na yun"-sabi ko kay mama na kumakain din kaharap ko
Eh kasi pinalipat kasi ako ni mama ng ibang school kasi lang naman binugbog ko lang naman ang kaklase kong nangbully sakin, eh kasi syempre hindi ko naman kasi mapapayagan na bullyhin lang ako, eh ang kaso nakarating kay mama kaya eto sa ibang school na ako papasok ngayon..
"anak sa ayaw o sa gusto mo papasok ka sa bagong paaralan mo maliwanag?? Kesa sa dati mong school eh nambugbog ka dun ng kapwa mo kaklase kaya dapat lang na ilipat kita sa mas maayus na paaralan para magtino ka.. Ilang beses ka na kasing nambugbog dun"-naiinis na sabi ni mama sa akin
"eh kasi ma, pinagtatanggol ko lang naman po ang sarili ko sa mga binugbog kong BULLY"-sabi ko
"ahh basta.. Hindi ka na mag-aaral dun at papasok ka na ngayon sa bagong eskwelahan"-sabi ni mama
"what if po kong naka bugbog na naman po ako?? Lilipat na naman ho ba ako ng paaralan?? Ganun ho ba?"-sabi ko in a sarcastic tone
"hindi ka na makakapangbugbog dun dahil mahigpit ang paaralan na papasukan mo"-sabi nya
Hindi na lang ako kumibo at pinagpatuloy ko na lang ang pagkain
"ahh ma, ano nga ulit yung pangalan ng school? At anong address??"-tanong ko
"elite school academy ang pangalan ng school at ang address ibibigay ko na lang sayo mamaya ok?"-mama. Tumango lang ako
Elite school academy? Elite talaga ha? Talaga lang ha? Elite din kaya ang mga studyante dun? Pangalan lang talaga ng school ang elite.. Pshh.. Paki ko ba? Elite man o hindi eskwelahan parin yun at estudyante parin ang nag-aaral dun
Pagkatapos kong kumain ay naligo na ako, pagkatapos ng lahat ng gagawin ko dito sa bahay ay ibinigay na ni mama sa akin ang address ng school na isinulat nya sa papel
Maya-maya pa ay sumakay na ako ng jeep, alangan namang kotse? Eh mahirap lang kami eh
After siguro ng mga isang oras ng byahe eh sa wakas nakarating na ako sa school
Papasok na ako ng gate ng elite school academy
Nang makapasok na ako.. Hinanap ko na agad kung saang room ako papasok.. Nang mahanap ko na yung room ko eh agad na akong pumasok, wala pa kasing teacher eh at umupo na ako sa isang bakanteng upuan sa gitna
Maya maya ay may pumasok ng teacher
"Good morning class"-pagbati ng teacher
"good morning po maam"
"oh? You have a new classmate?? Please introduce yourself mr."-sabi ng teacher
Tumayo ako at nagpakilala..
Damn ito talaga ang isa sa pinaka-ayaw ko pag first day of school
"yow, mackoy santiago"-pagpapakilala ko
Nakita ko ang mukha ng teacher ko na walang emosyon siguro dahil hindi nya nagustuhan ang pagpapakilala ko
"can i ask you mr. Santiago??"-tanong ni maam
"ok"-walang emosyon kong sabi kay maam
"bakit ka nga pala lumipat sa paaralang ito?"-tanong ni maam
"eh kasi----"-naputol ang sasabihin ko ng may tumawag kay maam
Kinausap naman ni maam yung tumawag sa kanya na mga studyante din
"oh class, may sasabihin sila sa inyo"-sabi ni maam sa amin sabay turo sa studyanteng kumausap kay maam at pumasok naman ito
"hi, im lani celis nga pala at ako ay ang president ng lahat ng studyante dito at ako rin ang pinaka maganda"-ngiting sabi nya na nagpatawa sa amin
Tsk maganda daw haha..
"oh bat kayo tumawa? Totoo naman talagang maganda ako. Btw andito ako ngayon upang sabihin sa inyo na may gaganaping activity ang school like singing contest, modeling, sports, dancing contest, and a quizz bee. So kung may sasalihan man kayo dun feel free to ask me at e-reregister ko kayo ok?"-sabi ni lani ata ang pangalan nya??
"yun lang po salamat. See ya"-sabi ni lani atsaka umalis
Rinig kong nagbubulungan ang kaklase ko
"oii wag na lang tayong sumali.. Baka matalo lang tayo ng mga talented famous dito sa school"
"oo nga"
"ahh basta ako, sasali ako sa sports contest, atleta ata ako, kahit na matalo man ako ng mga famous talented persons dito sa school na ti wala akong paki-alam basta sasali ako"
Yan ang bulong bulongan nila
So may famous dito, hindi naman na pinagtatakahan yun lahat naman ng school may famous. Ang pinagtatakahan ko talented ang mga famous dito?
Sounds enteresting, i want to know them.. ;)
BINABASA MO ANG
Awakened Gods (Slow Update)
FantasyThere are 6 teenagers (3 boys & 3 girls) that come into a game. in order to survive the game, they have to find the 6 crystal balls together to enter the dungeon but then, when they touch the crystal balls, something happened to them.. an extra ordi...