Chapter 2- "The 5 School Famous"

342 35 1
                                    

Mackoy's POV

Kinabukasan sa elite school academy.....

Kring~ kring~ kring~

Hayss salamat at lunch time na

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at lumabas ng classroom

Papunta na sana ako mg food court ng may tumawag sa akin kaya napalingon naman ako sa tumawag sa akin

"yow! Mackoy Santiago right?"-sabi ng isang lalaki na hindi ko kilala

"oo"-sagot ko at pumila na ako sa bilihan ng pagkain sa food court

"ahm.. Ako nga pala si Aldrei Garcia"-pagpapakilala nya sabay lahad ng kamay nya sa akin

Pake ko ba dito??

Hindi ko nalang sya pinansin sa halip ay nag-order na ako

Matapos kong kunin ang order ko ay umupo na ako sa bakanteng lamesa sa may dulo sa gilid at nagsimula ng kumain

Napahinto ako saglit sa pagkain ng umupo kaharap ko si aldrei ata yun? Na may dalang pagkain

Ang kulit ng isang to ha

"oii, sasali ka ba sa upcoming competition activities dito sa school??"-tanong nya sa akin

"hindi"-tipid kong sagot

"ahh ganun, alam mo sasali ako sa sports activity dito kasi balita ko cash daw ang mapapanalunan mo kapag sasali ka sa kahit anong patimpalak dito"-sabi nya na nagpakuha ng atensyon ko

Cash ang price?? Ayus yun ah

"magkano ba daw ang price??"-tanong

"50,000 daw pag ikaw ang champion"-sabi nya

Ayus yun.. Malaking pera yun pag napanalunan ko

"so ano? Sasali ka ba?? Mukha kasing nagka enteres ka nung sinabi kong cash ang price"-aldrei

"oo, sasali na ako"-sabi ko habang ngumunguya ng pagkain

"kung ganun, anong sasalihan mo??"-tanong nya

"depende"-ako

"alam mo sumali ka na lang sa quiz bee.. Hindi kasi sumasali ang mga famous dito sa quiz bee"-sabi nya na nagpakunot ng ulo ko

So hindi siguro katalinuhan ang mga famous dito ahahaha

"at bakit naman??"-tanong ko

"hindi naman sa hindi sila matalino, actually matalino naman sila kaso mas magaling lang talaga sila sa ibang activities kumbaga hindi nila especialty ang quiz bee"-sabi nya, tumango na lang ako

Pinagpatuloy nalang namin ang pagkain ng maghiyawan ang mga studyante

"ooook?? Mukhang andyan na ang matakaw na famous"-sabi nya na nakatingin sa nagkukumpulang mga studyante

"matakaw na famous? Ambadoy naman"-sabi ko

"badoy nga"-sabi nya

Maya maya pa ay nagsibalikan ng kumain ang mga studyante matapos atang mag order daw yung matakaw na famous

Tapos yung matakaw na famous umupo sa di kalayuan sa amin

"sino ba sya??"-sabi ko

"yan nga sya yung matakaw na famous pero atleta na si red garcia"-sabi nya

Atleta?? So sports ang palagiang sinasalihan nya, siguro marami na yang pera, eh diba nga wala pang nakakatalo sa mga famous dito??

At teka.. Garcia??magka ano ano to sila ni aldrei??

"teka red garcia ang pangalan nya?? Magka-ano ano kayo??"-tanong ko

"actually kuya ko yan"-sabi nya na napakamot pa sa ulo

"kuya mo??"-tanong ko ulit, medyo nagulat kasi ako eh

"oo, atsaka ayaw kong makipag usap sa kanya, itataboy lang ako nyan pag nandito kami sa school. Atsaka kaya ako sasali sa sports activity eh kasi gusto kong matalo yan kaso lagi lang akong wnd place kaya this time sisiguraduhin kong tatalunin ko yan"-sabi nya

"do your best nalang"-sabi ko nalang

Magkapatid pala ang dalawa

"oii, yun si third salavador ang famous na magaling sa kantahan"-sabi nya sabay turo sa isang lalaking nagpapatugtug ng gitara sa may garden.. Magkalapit lang kasi ang garden at food court

Napatango nalang ako

"at yun naman si Lexie Taki, isa syang half french at half filipina pero mas fluent sya sa tagalog at isa syang model atsaka crush ko sya"-turo naman nya sa isang babaeng maganda nga talaga na mukhang tinataboy ang nagbibigay bulaklak na lalaki sa kanya

Sakit nun basted agad.. Tiningnan ko naman ang mukha ni aldrei na nakaititig kay lexie na may pangiti ngiti pa

"hoy!"-sabi ko kay aldrei sabay pitik ko ng kamay sa harap nya at mukhang nagbalik tino naman sya

"hehe pasensya na"-sabi nya sabay inom ng tubig kasi tapos na rin syang kumain at tapos na rin akong kumain

Luminga linga nalang ako sa paligid baka may famous pa, interesado kasi akong makilala ang mga famous, wala lang gusto ko lang kasing makita mga mukha nila at sa nakikita ko ngayon mukhang ok lang at mukha namang kayang kaya ko silang talunin. Hindi naman sa pagmamayabang ha pero kasi isa kasi akong modelo, atleta, may magandang boses, magaling rin akong sumayaw pero yun nga lang hindi ako masyadong magaling sa mga yun kasi mas sinasalihan ko kasi sa dating school na pinapasukan ko is quizz bee meaning matalino ako

At totoo yung nambugbog ako ng bully sa dating school ko kasi kapag ako ang binully nambubully rin ako sa kung sino ang nambully sa akin kaya hindi halata na matalino ako

"hoooy!! Ano ba!! Kanina pa kita tinatawag"-sigaw ni aldrei sabay yugyug sa akin kaya napatingin naman ako sa kanya

"ikaw ha?! Kanina ka pa nakatingin kay charlie oooiii"-panunukso nya sa akin

"sinong charlie??"-takang tanong ko

"ayun oh"-sabay turo naman nya sa isang babaeng maganda na cute na tinutulungan magbuhat ng gamit ang teacher

"hindi ako nakatingin sa kanya ah.. Atsaka sino ba sya??"-sabi ko

Tsk nakatingin na pala ako sa babaeng yun??

"hayss sya nga si charlie, si charlie mae cruz isa syang dancer pero balita ko kababata daw yan ni third yung singer na famous pero ngayon hindi na daw nagpapansinan"-sabi ni aldrei

"at bakit naman??"-tanong ko

"ewan"-sabi nya sabay kibit balikat

"atsaka siguro naman nakilala mo na si lani celis??"-sabi nya

Napaisip naman ako dun

Lani Celis?? Sino naman yun?? Ahh tama!!

"sya yung president ng lahat ng studyante diba?? Ano naman ang sinasalihan nya??"-tanong ko

"oo tama ka, pero wala naman syang sinalihan na competition pero kapag may eleksyon syay palaging nananalo at wala pang nakakatalo sa kanya pagdating sa eleksyon"-sabi nya

Oooh ok. Tumango na lang ulit akl sa sinabi nya

Maya maya pa ay tumunog na ang bell ng school at pumasok na kamo ng room ni aldrei, magkaklase pala kami ni aldrei.

Awakened Gods (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon