⚘18

117 7 1
                                        

one month later....

Althea's

it's almost 2 weeks nong nag leave si sir, sabi may vacation daw sila sa US kasama yung family niya

almost 1 month narin akong hindi masyadong pinapansin ni sir. ano naman kayang meron? parang iniiwasan niya ako, ang weird lang kase last month lang lagi niya pa ako pinapapunta sa office niya kase maganda daw yung view pag nandoon ako ehe enebe kese

"I miss you sir Sangyeon.." sabi ko habang inaayos yung table niya, para naman maganda tignan pagdating niya diba

"I miss you too Thea" may nagsalita sa likod ko tapos niyakap pa ako sa bewang. halos mapatalon pa ako sa gulat

"s-sir Sangyeon?" tanong ko dahil hindi ko pa talaga nakikita yung mukha nong kung sino ba yun

"yes baby Thea?" sabi niya. biglang umakyat lahat ng dugo sa mukha ko dahil sa sinabi niya, ang bilis din ng kabog ng puso ko. tinawag niya akong baby? hindi pa ako nabibingi?

"I know you're blushing, I can also feel your heartbeat baby" sabi niya. walang sabi sabing humarap ako sakaniya at dahil doon ay naglapit yung mga mukha namin. si sir Sangyeon nga, ang pogi niya jusko po

"bat niyo po ako niyayakap?" sabi ko, ngumiti lang siya. nakakaloko ka sir ano ba!

"ayaw mo ba? diba na miss mo ako, na miss din kita hahaha" sabi niya tsaka niyakap pa ako ng mas mahigpit, isinampa ko yung ulo ko sa balikat niya tsaka niyakap ko din siya

sir bakit ka ganyan? totoo ba yung hinala nilang may gusto ka saakin? bat hindi mo pa sabihin? gusto din naman kita ah

kumalas ako sa pagkakayap sakaniya at ganon din siya "sorry natagalan kami. eto, I have something for you" sabi niya tsaka may kinuha sa bulsa niya, isang maliit na box. HALA SIR! DI KA PA NGA NANLILIGAW MAGPOPROPOSE KANA? chareng, kwintas pala yun, akala ko naman singsing

"I bought this necklace for you, that's a real gold. nong nakita ko to naalala kita, alam ko bagay na bagay to sayo kaya binili ko agad-"

"sir real gold?! hala nakakahiya naman po yata, jusko sir ang mahal nito tas ibibigay mo lang saakin" sabi ko tsaka pinigilan siyang isuot saakin yung kwintas

"it's okay, minsan lang naman ako bumili ng bagay para sa taong gusto ko. yes you heard it right, gusto kita Thea. ngayon ko lang to nasabi sayo bacause I was not here for few days" sabi niya tapos ngumiti at isinuot na nga saakin yung kwintas na may star pendant

"thank you po dito sa kwintas sir, sana po hindi ka nag-abala" sabi ko

"it's ok sabi ko naman sayo, I like you and this is one of my way on expressing my feelings to you" sabi niya tsaka niyakap ako ulit sa bewang, hindi ko maiwasang mapangiti habang iniisip na yung lalaking gusto ko gusto rin pala ako 

"now let me ask you Thea, do you feel the same with me? gusto mo rin ba ako?" tanong niya habang nakayakap parin saakin. oo naman sir! yes na yes!

"sir--" di pa man ako natapos magsalita ay bigla akong naduwal kaya pumunta ako agad sa cr ng office ni sir. nakakapagtaka lang dahil walang lumalabas na kahit ano

"what's happening? ok ka lang ba Thea?" nakita ko si sir na nasa pinto ng cr, mukhang nag-aalala. bigla akong nakaramdam ng pagkahilo nang maglalakad na sana ako palabas ng cr ay bigla akong nawalan ng balance at nandilim yung paningin ko


゚・:* ❈ *:・゚

⚘. DADDY ┆LSY ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon