Sangyeon's
i still don't know how to tell her 'till the next day came. pinapakain ko siya ng breakfast, i know she's still in pain base on her facial reactions. iniisip ko kung dapat bang sabihin ko na sakaniya? ayaw kong dagdagan yung sakit na nararamdaman daman niya ngayon, pero mas masakit parin kung tinago ko pa sakaniya
"Althea" sabi ko. kakatapos lang niya kumain. naka upo siya ngayon sa hospital bed. tumingin lang siya saakin, hindi pa siya nakakapagsalita ng maayos kase may mga pasa din siya sa mukha niya
"I'm sorry" nagtatakang tumingin siya saakin. I was so nervous, I don't want her to be hurt again
"wala-- na si baby" nauutal pa ako dahil sa nerbiyos. nakatulala lang siya at maya maya pa ay sunod sunod nang nalalaglag yung luha mula sa mata niya
"h-indi" sabi niya. naramdaman kong bumukas yung pinto ng room niya, nakita ko si mommy na nakaupo sa wheelchair na tinutulak ni Eunice
"hello Althea" sabi ni mommy, tapos nakangiti din si Eunice. sana hindi pumunta si Eunice dito para makipag-away
"we're here to say sorry" sabi ni Eunice tsaka lumapit sa tabi ni Althea na hanggang ngayon ay umiiyak parin
"I also know na you lost your baby, I'm so sorry Althea" sabi naman ni mommy. naaawa siya ngayon habang tinitigan si Althea. medyo malaki ang nasunog sa bandang braso nito, pati ang paa niya ay may banda din na nasunog
"Althea, alam ko naging sobrang sama kong tao sayo. gusto ko lang mag sorry sa lahat ng nagawa ko, hindi talaga ako nag-iisip nong mga araw na yun, lagi kitang nasasaktan. i realized na hindi na ako yung Eunice na yun, sobra na yung kasamaan ko, pinalabas ko pang magnanakaw ka para lang malayo kay Sangyeon. pero that's just what I thought, alam kong mahal na mahal ka niya and he will do anything to be with you. hindi ko lang talaga mantanggap noon na wala na kami kaya sayo ko naibihos yung galit ko, which is wrong. sorry Althea, sana mapatawad mo pa ako. from now on hindi ko na kayo guguluhin and I will focus on my health. sorry again" sabi ni Eunice. hindi man makasalita ng maayos si Althea ay alam kong pinatawad na niya ito
"gusto ko din mag sorry dahil pinigilan ko kayong dalawa. sana hindi ito nangyare saatin kung nong una palang maayos na ang trato ko sayo. don't worry, hindi na ako magiging kontrabida sa love story niyong dalawa. welcome to the family,
Althea" sabi ni mommy habang nakangiti. di ko alam na sasabihin niya yun. napangiti niya si Althea for the first time
"CONGRATULATIONS!!!" biglang may maiingay na pumasok sa kwarto. sila Younghoon lang pala
"wooooo finally happy ending na SangThea natin!" nakangiting sinabi ni Jacob. ano ba, parang tanga, may ship name pa mga to
"kelan kasal?" tanong ni Sunwoo
"ang iingay niyo" reklamo ni Chanhee. here comes the maldito nanaman, parang kanina nakikisigaw lang siya tas ngayon nagrereklamo siya. moody nga talaga
"kung magaling na si Althea pwede na silang magpakasal ng anak ko, kaya magpagaling ka agad iha, ako na sasagot sa kasal niyo" sabi ni mommy. grabe, sobrang bait talaga ng mommy ko
"ayooown!! pagaling ka na agad Althea ha? excited na akong makita kang naka wedding gown habang lumalakad papunta sa altar huhuhu" sabi ni Younghoon. mas excited pa kesa saakin haha
"Younghoon baka atakihin ka sa kasal namin sa sobrang excited mo ha" sabi ko kaya tumawa silang lahat, pati na rin si Althea
konting tiis nalang Thea, mapapakasalan na rin kita. like what they said in fairy tales, we can now live happily ever after
゚・:* ❈ *:・゚
BINABASA MO ANG
⚘. DADDY ┆LSY ✔
Фанфикшн"He's a hot and cool CEO who suddenly became a father" 𝐓𝐇𝐄 𝐁𝐎𝐘𝐙 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 #1 Date Started: July 18, 2020 Date Finished: September 3, 2020
