Althea's
"are you having a date today?" tanong saakin ni sir Sangyeon habang sabay kaming naglalakad palabas ng building
"yes sir, monthsary kasi namin ngayon hehe" nahihiyang sagot ko, paglabas namin ng building nakita ko agad si Eunsong, boyfriend ko
tumakbo ako papunta sakaniya at niyakap, "happy monthsary love!" masayang bati ko sakaniya habang yakap ko parin siya
"saan ang date niyo? baka madaanan namin, sabay na kayo" nakangiti si sir Sangyeon habang inaalok kami, kasama niya ngayon si ma'am Eunice, girlfriend niya daw yun
"sir nakakahiya naman po yata, baka masira pa moment niyo ni ma'am Eunice hahaha" ngumiti ako ng peke, parang yung trato saakin ni ma'am Eunice, alam kong pinaplastik niya lang ako sa tuwing nagkikita kami
"ayaw niyo? then let's go Sangyeon, baka malate tayo sa family dinner" naunang pumasok si ma'am sa kotse ni sir Sangyeon, parang wala siya sa mood, well lagi naman pag kausap niya ako
"sige po sir, thank you nalang po. magtataxi nalang po kami. ingat po kayo!" nakangiting paalam ko sakaniya
"kayo din mag-iingat kayo, happy monthsary nga pala sainyong dalawa" nginitian ako ni sir tsaka kumaway at pumasok na sa kotse niya
"love, ganiyan ba talaga yang boss mo?" biglang natanong ni Eunsong
"ano yun?"
"niyayaya kang makisabay sakaniya" seryosong sagot niya
"oo, pati sa iba ko pang katrabaho. bakit mo naman natanong? nagseselos ka? sus hahaha as if naman magkagusto saakin yun no, tsaka kita mo naman na may girlfriend na siya" inakbayan ko nalang siya para naman hindi na siya magselos hahaha
"pag ako nagkakotse ng tulad ng sakaniya araw araw kita ihahatid sundo dito" sabi niya na parang proud pa siya haha ang cute talaga ng boyfriend ko
"di na kailangan ng kotse love, kahit bike pa yan ok na hahaha"
"ah basta! mag-iipon ako para mabili ko yung mga gusto mo tsaka makabili ng kotse na parang sa boss mo" kitang kita ko sa mukha niya na seryoso siya sa sinasabi niya. kaya mahal na mahal ko to eh, pursigido siya lagi at lagi niyang pinapakita saakin na mahal na mahal niya din ako. gusto ko na nga siyang pakasalan since nasa right age na kami, pero kailangan din pala namin yun pag-ipunan kaya wag na muna hahahaha
゚・:* ❈ *:・゚
BINABASA MO ANG
⚘. DADDY ┆LSY ✔
Fanfic"He's a hot and cool CEO who suddenly became a father" 𝐓𝐇𝐄 𝐁𝐎𝐘𝐙 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 #1 Date Started: July 18, 2020 Date Finished: September 3, 2020
