⚘29

83 1 0
                                        

Althea's

"we will stay hanggang sa manganak ka, dito na rin tayo titira pagkatapos ng kasal natin. hahaha joke lang" sabi ni Sangyeon, medyo natawa ako, bat kase may joke pa, pwede naman seryosohin diba

kakarating lang namin sa bahay na pinagawa niya daw, hindi alam ng family niyang meron siyang sariling bahay. di ako makapaniwala na dito na ako titira ngayon. masyadong malaki to para saaming dalawa lang. wala pa ngang kalahati nito yung bahay ko

ang ganda ng view, malapit lang kasi sa dagat itong bahay ni Sangyeon. nakakarelax, tahimik at yung mga alon lang ang maririnig mo

hindi ko talaga pinangarap na makatira sa ganitong lugar. sanay akong nasa maliit lang na bahay, simple at walang masyadong arte. pero ngayon, jusko po, salamat at napadpad ako dito, salamat din at kasama ko yung taong mahal na mahal ko

"do you like it here?" yumakap mula sa likod ko si Sangyeon tsaka inilapag yung ulo niya sa balikat ko

"oo naman, di mo sinabi sobrang ganda pala dito tapos malapit pa sa dagat, sana nag dala ako ng swim suit hahaha" biro ko. naramdaman ko din na tumawa siya

"i will only allow you to wear swim suit when you are with me" sabi niya. englisher talaga tong si Sangyeon eh

"minsan ka lang ba pupunta dito? nakakatakot kaya kung mag-isa ko lang dito" sabi ko. sa laki ng bahay na to hindi malayong may mga multo dito. ang boring din naman pag mag-isa ko lang

"don't worry, pumupunta dito yung mga kaibigan ko, you can also invite Mia here kung gusto mo. pag kase lagi akong nandito baka maka halata sila mommy" sabi niya. ok naman pala mag invite ng kaibigan dito eh

pero mas masaya parin pag ikaw ang kasama ko, Sangyeon....


゚・:* ❈ *:・゚

⚘. DADDY ┆LSY ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon