Althea's
kakauwi ko lang sa bahay dahil kakatapos lang nong celebration namin kila Younghoon. agad akong nagbihis dahil medyo naiinitan ako sa suot kong dress
pagkatapos kong magbihis ay pumunta ako sa sala ng bahay para manood. bubuksan ko na sana yung tv nang may kumatok sa pinto kaya pumunta ako agad don para pagbuksan kung sino man yung nasa labas
"oh Ma'am Eunice, ano pong ginagawa niyo dito?" napakunot ang noo ko, bakit nandito to eh hindi naman niha alam na dito ako nakatira
"so I'm right, dito pala tumitira tong malanding si althea. well, I'm here to remind you na kahit na anong gawin mo, ako parin ang pakakasalan ni Sangyeon. ako ang gusto ng parents niya kaya kung ako sayo lalayuan mo na si Sangyeon" sabi niya tsaka ngumisi. aba ang yabang, ako yung mahal hindi ikaw no duuh
"ganon ba ma'am? edi~"
"anong edi?"
"edi wow ma'am, alam niyo wala akong pakialam kahit na magpakasal kayo kahit dito pa sa harapan ng bahay ko, ok lang. magpakasal kayo kung gusto niyo" sabi ko. pero char lang. syempre ayaw kong pakasalan siya ni Sangyeon
"talagang magpapakasal kami, here's the invitation. Invited ka sa kasal namin, gagawin pa sana kitang abay pero wag nalang, hindi bagay sa mang-aagaw na tulad mo" inabot niya saakin yung invitation pero hindi ko kinuha, anong gagawin ko don? gagamiting pang apoy sa kalan?
"no thanks ma'am, I'm busy eh. baka hindi ako makapunta sa kasal niyo. ibigay niyo nalang sa iba yang invitation" sabi ko
"common, take it. wag ka nang mahiya, hindi ka nga nahiya nong nilandi mo si sangyeon eh" sabi niya. medyo kumukulo na yung dugo ko, pasalamat tong babaeng to at nakakapag pigil pa ako
"ok I'll take it, masaya kana? ok na ba? ngayon pwede ka na umalis sa pamamahay ko" pagtataray ko, akala niya siya lang may karapatang mag taray? duh nandito siya sa pamamahay ko kaya wag niya akong tinatarayan ng ganito
"thank you for taking it, talagang aalis na ako at baka makasagap pa ako ng virus dito yuck" sabi niya. for your information Eunice, ikaw yung virus
"wait lang pala ma'am, bago ka umalis gusto ko mag thank you" sabi ko nang may maisip akong kagagahan
"anong thank you?"
"t-h-a-n-k y-o-u, thank you kase sumadya ka pa dito para ichika yung pamumuhay mo, dapat mag thank you ka din saakin kasi nakinig ako sayo kahit wala naman akong pakialam sa mga sinasabi mo" sabi ko at nakita ko ang inis sa mukha niya hahahaha
"aba gaga ka talaga!" sabi niya tsaka sumugod saakin
"sige saktan mo ako, sige ka baka lalong di ka pakasalan ni sir sangyeon niyan hahahaha" tinakot ko siya syempre
"ikaw wag mong ginagamit si Sangyeon para takutin ako" sabi niya. ok, fine
"ok, hindi ko siya gagamitin. so let's just say na pag sinaktan mo ako, sinaktan mo na rin yung baby ko" sabi ko, syempre ayaw kong mapahamak yung baby ko kaya yun na yung ginawa kong excuse
"baby? buntis ka? sinong ama niyan ha?" nanlaki yung mga mata niya
"sino pa ba? hahaha edi yung soon to be husband mo, si sir Sangyeon. duuh" sabi ko
"no! i will not let that baby ruin our wedding, matutuloy ang kasal namin at walang makakapigil doon kahit na buntis ka pa!"
"tama na nga, ang ingay ingay mo nambubulabog ka pa dito, sige na umalis kana nga" sabi ko kaya di na siya nakapag salita pa, umalis nalang siya basta
pinagmamalaki mong papakasalan ka ni Sangyeon eh hindi ka na nga niya mahal
゚・:* ❈ *:・゚
BINABASA MO ANG
⚘. DADDY ┆LSY ✔
Fanfiction"He's a hot and cool CEO who suddenly became a father" 𝐓𝐇𝐄 𝐁𝐎𝐘𝐙 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 #1 Date Started: July 18, 2020 Date Finished: September 3, 2020
