"Naku, dumating ka na pala! Aba'y ke gwapong bata ere, ano?" sabi ng babae at hinawakan siya sa mag kabilang balikat na para bang iniinspeksyon. Hindi naman niya malaman ang gagawin kaya ngumiti na lamang siya.
"Ay, siya nga pala, ako si Yaya Minda. Ako ang mayordoma dito sa mansyon. Kung may gusto ka, sabihin mo lang s akin, ane?" patuloy na sabi nito at ngumiti uli. Naibsan ang kaba na nararamdaman niya dahil mukhang mababait naman ang mga tao sa lugar na ito. Pati si Manong Josep na siyang driver ay mabait din sa kanya. Napatingin uli siya sa may pintuan kung saan nakatayo pa rin ang batang babae na mukhang buhay na manika sa paningin niya.
Napasunod ng tingin si Yaya Minda sa kanyang tinitingnan.
" Ay, oo , Ella, halika. Dumating na ang kapatid mo." Ella pala ang pangalan niya. Maganda. Bagay na bagay sa kanya. Bumaba naman ng hagdan si Ella at tumayo sa harap niya. Hindi tulad niyang nanginginig sa kaba, mukhang wala man lang ekspresyon na ipinakita ang batang kaharap niya. Mukha itong batang matanda kung umasta.
"Ganito siguro kapag nakaharap ka ng dugong bughaw," naisip ni Francis.
"Ella ito si...anong nga palang pangalan mo hijo?" tanong ni Yaya Minda.
"Francis po..."
"..ito si Francis. Ito naman si Ella."
Napalunok siya sa kaba. Mukhang ayaw sa kanya ng bata. Kung aayawan siya nito,baka awayin lang siya at gawing alipin. Sabi ng mga kasama niya sa ampunan ganun ang kadalasang nangyayari sa mga inaampon ng mga mayayaman. Ayaw niyang maniwala noon dahil alam niya naiinggit lang sila sa kapalaran niya. Pero parang gusto na niyang maniwala ngayon na yun nga ang mangyayari sa kanya. Lalo tuloy siyang kinabahan. Bumalik na lang kaya siya sa ampunan?
Sinubukan niyang maging friendly dito at baka sakaling magbago ang pakikitungo nito.
"H h hi..." nanginginig pa ang boses niya.
At sa gulat niya ay iba ang isinagot nito.
"Ilang taon ka na?" He expected a sarcastic voice. But it wasn't in the least. Sweet nga ang boses nito.
"Nine na'ko..."
Tumango tango lang si Ella na parang expected nitong mas matanda nga siya. Pagkatapos ay bumuntong hininga ito ng pagkalalim-lalim.
"Hello..." and she gave him a smile for the first time.
BINABASA MO ANG
Mula Noon Hanggang Ngayon
Teen FictionFOREWORD: This story is based on the first few episodes of DSP ( Dahil sa Pag - Ibig) of ABS- CBN Philippines last year. The story started with these 2 kids played by Francis Magundayao and Ella Cruz. I got hooked by the story line. I didn't finish...