~7

108 3 0
                                    

   Akala ni Ella ay hindi alam ni Francis na pinag kocompare niya ang mga grades nila. Pero matagal na niyang alam na siya ang kinocompete nito. Alam rin ni Francis na hindi ito masyadong nababahala sa ranking ng year level nito at ang grades niya ang tinitingnan nito every Results Day. Kaya nga hindi niya masyadong binibigyan ng halaga ang sarili niyang ranking. Kung pwede nga lang na bumaba siya ng pwesto at ipagbahala ang grades, gagawin niya. Pero kung iyon naman ang gagawin niya ay ang mga magulang naman nila ang masasaktan. 

   Ang kaya lang niyang gawin ay ang panatilihing nasa parehong average ang total grade niya. Hindi niya kasi mapigilan si Ella sa pag-aaral upang malagpasan ang average niya. Pero ewan ba kung bakit lumalagpas talaga ng ilang points ang sa kanya laban kay Ella. Hindi niya malaman kung ano pang gagawin dahil hindi niya maaaring baliwalain ang last year sa high school. His dad specifically asked him to have the very best grades he could manage for his last year upang makapasok siya sa Harvard na siyang plano nitong pasukan niya sa college. Ella didn't know that. It was meant to be a surprise. Alam niyang matutuwa ito para sa kanya pero sa palagay niya ay lalala ang pagiging competitive nito in secret. He was not looking forward to telling her that.

   The dela Vega's were everything to him. Hindi matatawaran ng kahit anong pasasalamat ang ginawa ng mga ito para sa kanya. They changed his life completely, beyond his wildest imagination when he was 9 years old and a total orphan. Kaya kahit anong hilingin ng mga ito na maging siya ay gagawin niya. Kahit pa siguro hilingin nitong kapalit ay ang buhay niya. But he really didn't think they would. Actually, isa lang ang hinihiling sa kanya ng Daddy niya. And it was the simplest of all things.

"Take care of Ella,"his dad said the night he arrived in their mansion at makaharap ito sa unang pagkakataon bilang miyembro ng pamilya nito.

   "Yun lang?" naisip niya. Napakadali lang naman nun.

Tinanong niya ito kung bakit sila nag ampon gayung may anak naman sila. Ang tanging isinagot nito ay tradisyon ng angkan.

   Sa loob ng mahabang panahon ay palaging may lalaki sa bawat pamilya ng mga dela Vega. Ngunit pagkatapos maipanganak ni Ella ay hindi na maaring magbuntis pang muli ang Mommy niya dahil may sakit ito sa puso. Hindi naman siya ang unang ampon ng angkan. Sa bawat henerasyon siguro ay may isa o dalawang inaampon ang mga ito upang mapanatili ang tradisyon. Sinisiguro lamang nito na totoong wala ng kamag-anak na natitira ang aampuning batang lalaki upang walang manggulo o humabol sa mamanahin nito. Hindi rin naman maaring ilipat sa ibang pangalan ang kayamanan kaya wala rin itong silbi. The dela Vega clan was one heck of an eccentric family.

   Taking care of Ella was the easiest job in the world. Hindi ito maarte at hindi brat. Napaka independent nito at napaka considerate sa mga tao sa kanyang paligid. Ang tanging maipipintas niya rito ay ang pagiging competitive nito sa grades niya. At naiintindihan niya iyon. Kahit wala itong sinasabi at ipinapakitang masama sa kanya ay alam niyang naiisip din nito na balang araw ay magiging mag kakompetensya sila sa mamanahin.

   Sa murang edad na walo ay alam na nitong ang pag - ampon sa kanya ay nangangahulugang hindi nito nabigyan ng satisfaction ang mga magulang dahil naging babae ito. Na kaya siya inampon dahil hindi nito mapapanatiling buhay ang apelyidong dela Vega.  Alam niyang nasaktan si Ella when he arrived. And he hated hurting her. Ayaw na ayaw niyang nakikita itong umiiyak o nalulungkot. Kaya sumasakit ang ulo niya sa ka - iisip ng paraan para hindi na niya ito masaktan ng hindi rin nadidissapoint ang mga magulang.

   He was thinking of a way to do both when he overheard Yaya Minda calling out to Ella. May bisita daw ito. He couldn't help but be curious. Dumungaw siya sa second floor railing. Mula roon ay tanaw niya ang buong first floor. Nasa magkabilang side ng grand staircase ang kwarto nila ni Ella kaya kita niya itong bumababa. Napakunot ang kanyang noo ng mapagtanto kung sino ang sinasabing bisita ni Ella. 

Mula Noon Hanggang NgayonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon