Ella sighed in relief when Jessie finally drove away. Nakakotse pala ito. He didn't have a license! But it was finally over. Galit na galit si Jessie at sa palagay niya ay hindi na siya kakausapin pa nitong muli. Bahala siya! Tama naman si Francis. Jessie was insensitive.
"Anong nangyari doon? Bakit umalis na?" tanong ni Yaya Minda na may dalang merienda.
"Nabasted po. Hindi matanggap kaya, ayun, nagwalk out,"sabi ni Francis at inabot ang juice na para sana kay Jessie.
"Binasted mo, Ella? Akala ko pa naman ay sasagutin mo na. Aba'y yun lang yata ang nagtagal ng pangliligaw sayo ah."
"Binasted po ni Yael, Yaya. " Nakikain na rin si Ella. Sayang naman ang hinanda ni Yaya Minda.
"Hindi mo naman deniny. I just relayed the message. Masyado ka kasing mabait." May naupuang kung ano si Francis. Ang jewelry box pala na dala ni Jessie para kay Ella. Binuksan nito ang box at nakita ang isang silver heart bracelet.
"Look at this. He doesn't even know you hate hearts! Anong klaseng manliligaw ba yun? Isoli mo yan sa kanya," he ordered her.
Ella took the box and the jewelry. She really hated hearts design.
"Ikaw na lang kaya magsoli. Hindi na'ko kakausapin nun noh."
"Kung ako ang magsasauli niyan baka mag kasuntukan lang kami. Mabuti ng hindi ko na makita pa iyon."
"Naku! Huwag kang maghahanap ng away Francis. Baka masuspende ka pa. Malapit na ang graduation mo!" pinagsabihan ni Yaya Minda ang binata. Mahal na mahal nito ang dalawang alaga. Hindi naman kasi nag asawa si Yaya Minda at ang lahat ng panahon ay naubos nito sa pag-aalaga sa dalawa.
"Kaya nga po. Hindi po talaga ako maghahanap ng away. Kaya lang nagkaka migraine ako sa mga manliligaw ni Ella!"
Ella hit him on the arm. "As if hindi rin sumasakit ang ulo ko sa fans club mo! Kung ano-anong pinapabigay. Ano ako? Courier?"
"Asan na? Wala naman akong natatanggap," tanong ni Francis.
"Tinapon ko! Bakit? Gusto mo?" Malas lang nila at sa kanya pa ipinabigay. Walang kahit ano na nakarating sa paroroonan na dumaan sa kanya.
Her brother grinned at her.
"Nagtatanong lang."
Tumayo na ito pagkatapos ubusin ang isang baso. Lumapit ito kay Yaya Minda na nakangiti lang na pinagmamasdan ang magkapatid. Yumakap si Francis dito at humalik ng matunog sa pisngi.
"Alis muna kami, Ya. Magcecelebrate kami. " At pagkatapos ay hinila nitong patayo si Ella.
"Anong celebration?Wait..!" Humalik din ito kay Yaya Minda bago nagpadala ng hila. "Thank you, Ya!"
Naiiling na pinagmasdan ni Yaya Minda ang dalawa habang papalayo. Kung naiba lang sana ang pagkakataon...
BINABASA MO ANG
Mula Noon Hanggang Ngayon
Teen FictionFOREWORD: This story is based on the first few episodes of DSP ( Dahil sa Pag - Ibig) of ABS- CBN Philippines last year. The story started with these 2 kids played by Francis Magundayao and Ella Cruz. I got hooked by the story line. I didn't finish...