"Hi, Ella..." Inabutan siya ng isang small jewelry box ni Jessie. Napangiwi si Ella pero tinaggap na rin niya ito.
"Thank you. Upo ka." Jessie was her grade school classmate at kakalipat lang nito sa St. Monique's. They were family friends. Noon pa man ay nagpaparinig na ito sa kanya na gusto daw siya nito. Naging pursigido ito ng malamang sa St. Monique's din siya nag -aaral. Nothing's wrong with him except that he was too persistent to the point of being annoying.
"Where's Yael???"
Ayaw ni Francis kay Jessie. Masyado daw sigurado sa sarili. She quite agreed, actually, pero hindi niya magawang itaboy si Jessie dahil wala naman itong ginagawang masama sa kanya.
"El..." simula nito.
"Ugh! I hate that nickname! Ang ikli na nga ng name ko!"
"Alam mo naman kung anong gusto ko di ba? I've been telling you that since middle school," sabi ni Jessie.
"Alam mo rin na wala pa sa isip ko yan. I want to finish high school without other commitments. Sinabi ko na sa'yo yan." She tried to say as subtly as she could.
"Pero El, sa America ako mag ka college. I can't spend time with you kung after high school mo pa ako sasagutin."
"Sabi ko bang sasagutin kita???"
"Kung ganun, you should find another girl that you can spend the rest of high school with." Ngali - ngali na niyang ibato ang jewelry box na hawak niya dito. On the outside she seemed so calm and poised but the way she held the box should gave away her feelings if only he was paying enough attention.
"But it’s you who I like! Bakit gusto mo akong itulak sa iba?" Nalukot ang mukha ni Jessie. Parang nasaktan nga ito sa sinabi niya.
"Well, that should tell you something...You're just not a keen observer."
Napabuntong-hininga si Ella. Mukhang kailangan talaga niyang sabihin ng harapan na wala itong pag - asa. Oh boy, she was not good at this thing.
"She means to say na wala kang pag - asa, pare.That's what she has been telling you all this time." Pagkalingon niya ay nakapamulsang bumababa ng hagdan si Francis. She thought he was eavesdropping the whole time. Kung sa ibang pagkakataon ay maiinis siya dito. Pero ngayon ay gustong-gusto niya itong yakapin sa tuwa. Hinding - hindi niya masasabi ang mga salitang iyon.
"My saviour!"
Nakababa na ng tuluyan si Francis at nagsukatan ng tingin ang dalawang lalaki. Hindi man matatawag na magkaaway pero hindi magkaibigan ang mga ito.
Nagtanong sa kanya si Jessie noon kung bakit daw hindi nito alam na may nakatatandang kapatid pala siya. Sinabi na lang ni Ella na sa ibang bansa lumaki ang kapatid at noong mag ha high school na lang umuwi ng Pilipinas. Mahigpit na bilin ng kanyang Daddy na huwag ipagsabi kung kani-kanino na hindi sila tunay na magkadugo.
"Hindi ka dapat nakikisali sa usapan ng may usapan, pare." Kinabahan si Ella at napatayo na rin. Hindi yata nagustuhan ni Jessie ang narinig. Sabagay, sino naman ang gustong mabasted lalo na ng kapatid ng nililigawan mo?
"Tinutulungan ko lang si Ella. Mukhang hindi ka kasi marunong bumasa ng signs, eh."
"Yael..." she faintly warned him to stop. Namumula na ang kanyang manliligaw at nagtatagis na ang mga bagang.
“Masyado kang makialamero sa amin ni Ella,pare. Hindi ka naman kasali at saka hindi niya hinihingi ang opinyon mo." Jessie was shorter than Francis but he wasn't intimated by his height. Nakakagigil na talaga ang pangingialam nito. Lagi na lang nasisira ang diskarte niya kay Ella dahil sumusulpot ito kung saan at yayayaing umalis ang kapatid. Ella was too attached to her brother and hero worshiped him kaya sumasama naman ito palagi. Mas napagkakamalan pang ito ang magsyota at ni minsan ay hindi sila napuri na bagay kung siya at si Ella ang magkasama. That bruised his ego. And further inflamed his anger and insecurities sa binatang dela Vega. Mabuti pa noong nasa ibang bansa ito, walang istorbo.
"Ella's my sister. Alam ko kung kelan niya kailangan ng tulong at kung kelan kailangan ko siyang pabayaan. I gave her enough time to put it in your head na ayaw niya sayo. But I noticed it just bounces off your thick skull kaya ako na ang magsasabi. Give it up. There's no use."
Matapang magsalita si Francis dahil nasa debate team ito. He survived the orphanage dahil magaling itong mangatwiran and his tutor tolerated him. Mas gusto nitong sinasabi niya ang opinyon kaysa tinatago lang. It was a dela Vega mark. And nadala niya ito sa school. Pero hindi niya kailanman nagamit ang talim ng dila niya sa labas ng debate room. Ngayon lang. Kung mainit ang dugo sa kanya ni Jessie, mas lalo na siya. Hindi niya pinapakialaman ang mga manliligaw ni Ella dahil wala naman talaga siyang karapatan. Pero sadyang makapal ang mukha ng Jessie na ito at hindi marunong makiramdam.
"Yael, please." Nakahawak na si Ella sa braso ng kapatid upang pigilan ito. Alam ni Ella that Francis had a hidden temper. And Jessie was known to fight.
"It’s her words that I need, not your useless opinion." Jessie's voice was low but the contempt was there. It won't do his family good kung bubugbugin niya ang binata sa mismong tahanan nito. Baka mapalayas siya ng Papa niya. But if they were not... He turned to Ella at hinintay ang sasabihin nito.
Ella turned to her brother looking scared instead of denying his words. Lalong nag init ang mukha niya sa galit at sa pagkapahiya.
"I'm sorry, Jessie..." she said but she moved back behind her brother who, in turn, wrapped his arm around her. Francis gave him a triumphant look.
"Magbabayad ka, dela Vega!"
BINABASA MO ANG
Mula Noon Hanggang Ngayon
Teen FictionFOREWORD: This story is based on the first few episodes of DSP ( Dahil sa Pag - Ibig) of ABS- CBN Philippines last year. The story started with these 2 kids played by Francis Magundayao and Ella Cruz. I got hooked by the story line. I didn't finish...