Chapter 1

168 7 4
                                    

"Papa! Papa! Papa!" Nagising ako ng 1:30 am. Napaginipan ko nanaman si Papa..

"Pa, miss na kita."

Eto nanaman ako, kinakausap ko nanaman siya.. Yung lalaking pinakaimportante sa buhay ko, kaso ngayon, nasa taas na siya. Sobrang taas, hindi ko na siya maabot pa, at maibabalik pa.

Simula talaga nung nilibing ko si hershey dun sa likod ng dati naming bahay hay palagi na lang akong ganito. Palagi akong nagigising ng madaling araw. 

"Eh pa, mali ba talagang ilibing ko na si hershey dun? Kasi naman, yun yung pinaka nagpapa-alala sakin dun sa pesteng lalaking yun eh. Kaya ayoko na talagang balikan pa yun, kasoo bakit parang may mali, papa?"

START OF FLASHBACK

JULY

<Charlie's POV>

"CAMMIIIIIIIIILLLLEEEEEEEEEEEEEE"  sigaw yan ni mami. At isa lang ang ibig sabihin kapag ganyan, nagbabadya na ang susunod na World War, kaya tumayo na ko mula sa kama ko.

"Hoy Cam-" hindi ko na pinatapos ng pagsasalita tong nanay ko.

"Miii, ilang beses ko ba sasabihin sayong wag mo kong tawaging Camille?"

"Hoy ikaw, pasalamat ka nga jan pinangalanan kita ah, kaya wag kang magreklamo jan kung ayaw mo mawalan ng baon. At isa pa, maganda naman yung pangalan mo ah. Charlie Camille! Oh hanep!!"

"Ewan ko sayo mi, ikaw lang naman kase natutuwa sa pangalang binigay mo. Maliligo na nga ko, late na ko." -_________-

"Suuus, eh ano namang bago sa pagiging late mong bata ka."

Pagkatapos ko maligo, eh inayos ko na yung mga chechebureche ko sa bag ko, at umalis na. Nako, ayoko ng magpaalam kay mami, nobela pa kausap yun eh.

After isang jeep na byahe eh nasa school na rin ako. WOOOO!

Pagkarating ko ng school eh maayos ng nakapila ang mga studyante sa grounds para sa Flag Ceremony.  Patakbo palang ako sa pila ko ng may marinig na kong sigaw,

"CHAAAAAAAAAA" - Kapag ganyang matining ang boses, si Leslie yan.

"Hi Les :)" bati ko sabay pumunta na sakanila ni Dennise.

"Hay na ko Charlie, hindi ka ba talaga nagsasawa maging late?" - Den

"Ilang beses ko rin ba kasi sasabihin sainyong dalawa na hindi nga ako late, maaga lang kayo =P"

After Flag cem, since late ako eh dumetretso muna ko sa locker para kunin yung books ko sa locker. 

"Asan na ba yung susi ko? Anak ng siopao naman o"

Wala kong choice kung hindi tanggalin lahat ng gamit ko sa bag para makita lang yung ever-pa-vip-kong-susi. Tinaktak ko lahat, literal.

"Ayuuuun!"  Nung nakita ko na yung susi ko eh, pinasok ko na lang basta basta yung iba kong gamit. Wala namang makakakita nito =))))))))

Binuksan ko na yung locker ko na sa ngayon in-state-of-calamity sa gulo, kinuha ang mga gamit ko at pumunta sa classroom.

CLASSROOM

<Andrei's POV>

"Good Morning IV-Rizal" - Sir Valdez

"Good Morning Sir Valdez: - IV-Rizal

"Okay take your seats, and please get your English Notebook." - sir V.

Ayt. Iniwan ko nga pala yung notebooks ko sa locker kahapon. Bayan -____-

"Uh sir? Pede po maglocker?"

"Go ahead."

Tumakbo na kagad ako sa locker room para kunin yung notebooks ko.

Pabalik na ko ng, may natapakan akong kung ano. Pinulot ko, tas inamoy-amoy ko pa. Haha

"Susi?" Weird naman netong susing 'to. Parang vintage, for sure babaeng burara ang nakaiwan nito. Parang hindi naman ata to susi na panglocker, ang laki eh. "haayy, itatabi na nga lang muna kita."

FAST FORWARD

<Charlie's POV>

Haayyy salamat nakauwi na rin!

"Hi hershey!" Nagtataka ba kayo kung sino o ano tong si hershey? Haha. Well, sasabihin ko na. Isa siyang box na de-susi.  Bigay to sakin ni papa bago siya kunin ni Papa God eh, kaya iniingatan ko 'to.

"Ay nasa bag nga pala yung susi mo Hershey, wait lang ah."

*kapa-kapa sa bag* *hanap hanap* *taktak ng bag* *kapa kapa ulit*

"ASAAAAAAAAAAAAAANNNNNNNNNN YUUUUUNNGGGGGG SUSI KOOOOOOOOO?!!!"

--

Yan po muna. Isang malaking sikreto muna kung ano laman ni Hershey =P Hehe. Please comment and vote po. SALAMAT!! =))

What IfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon