What If

346 13 11
                                    

PROLOGUE

LOVE,

Ano nga ba ang love?

Sabi ng isang studious, sagabal lang yan sa pag-aaral eh. Sakit lang sa ulo. 

Sabi naman ng nasaktan na, haay sa una lang yan masaya, basta ako ayoko na. Nakakasira lang ng buhay.

Sabi ng pinaasa, LOVE? Sus. 'Di naman yan totoo eh, kala mo gusto ka, yun pala, trip ka lang talaga niya. O malay mo nga may napag-utusan lang na landiin ka. Kase sa panahon ngayon, uso na talaga ang mag move-on kahit hindi naman naging kayo.

Pero sabi ng isang inlove, ansarap kaya nyan sa feeling. Yung tipong laging may naglalambing sa'yo, laging may nag-aalala para sa'yo at may nagmamahal sa'yo. Yan yun, yung sa lahat ng bagay eh may inspirasyon ka.

Eh para sakin? ISANG MALAKING EWAN. Ano namang malay ko jan? Eh ang alam ko lang naman eh, kumanta ng kumanta sa banyo, makinig sa paborito kong banda, magpakabaliw kasama ang mga kaibigan ko at higit sa lahat kumain ng kumain. Kaya isang malaking question mark sakin ang pag-ibig.

Pero..

WHAT IF

Biglang magbago? Sa isang pikit ay isa na ko dun sa mga halos mamamatay na sa kilig, napapangiti ng walang dahilan at kung ano-ano pang mga ka-cornyhan sa buhay. Hindi natin yan masasabi, kase napakaraming WHAT IF ang mapupulot mo jan sa daan. What If hindi namatay si Rizal? What If hindi lumubog ang barkong Titanic? What If wala na lang namamatay?

Wala tayong alam sa mga susunod na mangyayari.. Kaya malay mo, sa isang iglap.. dahil sa dalawang salitang yan, WHAT IF ...

Magbago ang takbo ng buhay mo.

--

Hello po! Tinry ko lang. Sana may magbasa :)

What IfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon