Chapter 3

89 7 4
                                    

<Charlie's POV>

"CAMMMMMMMMMMMILLLLLLLLLLEEEEEE" Ooopsss. Ano nga ang ibig sabihin nyan? haha tumayo na kaagad ako mula sa kama ko dahil baka mapa-advance pa ang end of the world saken.

"Kahapon maaga ka naman pumasok ah, bakit nagyon, hindi? Jusmiyo kang bata ka."

"Mi, wala ka na dun, hindi naman ikaw yung pumapasok eh. "

Napapayag na kasi ako nila Les na wag ng problemahin pa yung susi ko kay Hershey dahil may duplicate naman daw ako. Kaya eto, late nanaman ako pumasok mehehehe :)

Pero ngunit datapwat subalit bakit ano kelan saan.. kilala niyo na ba 'ko? Well, maliban kay hershey at sa nanay kong kinabog pa si Hitler at sa papa kong kasama na ni Papa God at sa dalawa kong kaibigan, ano pa bang masasabi ko sainyo?

"EHEM EHEM" Ako si Charlie Camille Cuebaz. Cha na lang, ayoko talaga ng camille, girly eh. I'm 4 years old, and finally, a graduating student. Yup, you read it right. 4 yrs old lang ako, bakit? Tanong niyo po sa nanay-kong-hindi-ko-malaman-kung-bakit-konting-ire-na-lang-hndi-pa-tiniis-para-naman-every-year-ang-birthday-ko. So ayun, every 4 years lang ang tunay na celebration ng kaarawan ko. Ano pa ba? Mahilig ako kumanta.. pero mukhang ayaw nya saken. Sa banyo na lang yata may pag-asang gumanda ang boses ko. Hmm, meron akong dalawang kaibigang aning pero hindi ko kayang iwan, si Leslie Villanueva at Dennise Castillo. Physical characteristics? MAGANDA. Kumontra, Paslang =P Nakabrace at hindi katangkaran.

MERON PA BA?

Lovelife?

Uhhhm, ano yun? Tao? Hayop? Bagay? Pook? Pangyayari? Ay alam ko na! Pagkain yun no? Sabihin mo, tama ako no?!  Dejoke lang, pero hindi pa talaga ako nagkakaroon ng lablayp. Hephep! Di ako tomby ah. Sadyang wala pa lang lalaking nakakakuha ng attention ko.

BOW.

"Oy ate!"

"Hoy Cy, lagot ka ke mami, bat andto ka pa?" Mukhang nakalimutan ko to ipakilala sainyo. Cyrille Lewis Cuebaz, kapatid ko. Grade 6 lang yan.

"Eh kase nagsusuklay pa lang ako nung dumating yung service kaya hindi na ko sumabay. Sabay na lang ako sayo ate!"

"Anak ng sipao, nagsuklay ka lang hindi kapa sumabay? Pakaarte mo talaga!"

"Eh bakit ba, edi magulo yung buhok ko sa school? Hay nako ate. Tyaka fyi, hindi nagkaka-anak ang mga siopao."

-_________________________________- Hay kaya hindi kami nagkakasundo nito eh, napaka ewan. Sana talaga lalaki na lang to, edi alagang alaga to saken. :( Mas mahilig talaga ko sa mga batang lalaki eh. Mas masarap alagaan, angkukyutt :')

Ano pa ba magagawa ko? Ayun, sinabay ko na rin tong bubwit na 'to.

FASTFORWARD SCHOOL (IV-RIZAL)

"Hoy babaita, lumalala na yung pagkalate mo ah, hindi ka na umabot sa Flag Cem!" - Leslie

"Inay.. ipagpaumanhin niyo ang aking pagkahuli sa klase."

"Yuck, cha. Kadiri. Itigil mo nga yang pag-gaganyan mo? Bakit ka late? I mean, bakit sobra yata ngayon?" - Den

"Eh kase--

"Hi Andrei!!!" - Leslie at may pa wave wave pa. Nginitian naman siya ni Andrei na mukhang kakagaling lang sa locker dahil dala nito ang mga notebooks niya.

"Les, si andrei lang yung kinawayan mo pero na-interrupt mo yung buong klase sa pag hi mo jan." - Den.

"Che!" - Les hahaha sungit lang te ah

"Oh, ano na nga yung dahilan mo Cha?" - den

"Si Cyrille kase, sumabay saken. Eps talaga yung palakang yon."

"Ay nako ang sam-- 

Bago pa matapos ni Den yun sasabihin niya eh dumating na si Sir V. sa classroom.

"Goodmorning IV-Rizal" - Sir V.

"Uhh IV-Rizal, I have an important announcement, so I guess, we won't be having our quiz today."

"YESSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSS!!!!!!" wooooo ano naman kaya 'tong importanteng sasabihin ni sir at hindi pa matutuloy ang quiz namen? Ay anak ng siopao, kahit ano pa yan nagpapasalamat ako sa kanya ((((((((((((((cha, wala nga daw anak ang siopao sabi ni cy, diba?))))))))))))))

"Sir, ano po ba yun?" - Sabi ng hindi importanteng character sa storyang ito kaya wala siyang pangalan.

"Okay. You guys are having a field trip in..

Baguio. Take note, Para lamang ito sa mga 4th year students dahil may tendency na hindi payagan ang lower years."

"WOOOOOOOOHOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!!" napuno na ang ingay ng classroom.

"Pero sir teka lang." singit ni Andrei, at natahimik naman ang ilan sa iba kong classmates

"Matagal po ang trip sa papunta doon, so ang mangyayari po dun, malaking oras ang makoconsume sa byahe pa lang, pano pa po namin ma-eexplore ang baguio?" In fairness may point naman si andrei dun.

"Ah naisip narin naming mga teachers yan, kaya gusto naming gawin itong 3 days stay don."

"Woaaaahh, camping-fieldtrip ang peg! Gusto ko yannnn!" Sabay nag-apir pa si Les at Den.

"Eh sir, kelan po ba yan?" tanong ko.

"First week of August."

Owww, July 13 ngayon so meron pa kaming 2 weeks para ma-excite sa event na to!

Camping Fieldtrip + No quiz Woooo, what a great way to start a day. ang sarap ikwento to kay Hershey!

--

Hmmmm, ano kaya ang mangyayari sa Camping-Fieldtrip ng Graduating Students? At ano ba kase ang laman ni Hershey? Let's find out!

What IfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon