Si Troy ang bago kong boyfie ngayon.
Matangkad, matangos ang ilong, may six pack abs at higit sa lahat, gwapo. Nasabi ko matangkad kasi mas matangkad siya sa akin ng 5 inches.
4ft flat lang kasi ako sa kasamaang palad ng hinayupak na mundo at sa akin pa napunta ang height na ito.
Pero sige lang.
Maganda naman ako eh. Diba?
Maganda ako kasi gwapo ang boyfie ko.
Ang gwapo ni Troy, bagay kami.
Syet na malagkit! Mainggit ang walang pilantik!
Si Troy na ngayon ang bukambibig ko. Siya boyfriend ko eh, ang gwapo pa.
"Pepper ko? Ano gusto mo kainin?" Ang malandi kong tanong sa kanya.
"Ikaw?" Ang mas malanding balik tanong sa akin ni Troy.
Oh my gosh, bigla akong namasa.
Bumaha ng pawis sa buong katawan ko. Ang init ng pakiramdam ko. Syet! Ang lupet talaga ng powers ni Troy.
Bakit ko pa kasi natanong ang tanong na iyon? Gusto niya daw ako kainin.
Gusto ko rin siya kainin. . .ng buo. Ahmmmm!
"Ikaw? Ano gusto mo, yun na rin sa akin." Follow up question niya.
Nahiya naman ako sa balat ng lupa at sa garter ng panty ko na basang-basa na biglang nanuyo.
Nakakahiya.
Paano kung naghubad ako bigla?
Paano nalang kung nagkainan na kami ni Troy?
Paano kung nagutom siya?
Paano kung nandiri siya?
Yuck! Ang dumi talaga ng isip ko.
Magluluto na nga lang ako ng hindi ako tuluyang matunaw dito sa pawis ko.
"Garlic ko? Gutom na ako. Pwede na ba tayong kumain?" Tanong niya.
"Wait lang pepper ko ha? Heto na niluluto ko pa." Malandi kong sagot sa kanya.
Nga pala, naka boxers lang si Troy at yun lang ang natatanging saplot niya sa katawan.
Mainit daw kasi nung araw na iyon.
Ewan ko ba kung bakit ganoon yun?
Kaya mainit dito sa unit ko eh kasi ang hot niya.
Hot na hot. Nakakalaglag panties. Grabe!
Kahit siguro ilang segundo lang mawawalan ka na nang malay pag hinalikan ka niya.
Hindi naman dahil sa mabaho ang bunganga niya pero dahil sa mga tingin niuyan tagos. Tagos na tagos na parang wala nang bukas.
Ganoon ang mga powers ni Troy.
Hayop.
Walang kapantay kahit pa si Arnold Schar. . .?
Sino nga ba 'yon?
Si Piolo Pascual na nga lang.
Kasi si Troy, si Troy, si Troy lang ang tanging laman ng puso ko. (Ikaw by Martin Nieverra)
Nagluto ako ng Sweet Pepper Lemon Juiced Chicken. Masarap ito walang halong biro. Ito yung dahilan kung bakit ako sinagot ni Troy.
Flashback in a moment (Ikaw by Martin Nieverra)
Troy: Ang sarap nito Helen.
Me: Mas masarap ka Troy. (Sabay dila sa aking mga labi na parang nananabik na mahalikan siya.)
BINABASA MO ANG
My Ex-Boyfie
RomanceAno gagawin mo kung ang boyfriend mo ngayon ay hindi ka mahal? I bibreak mo ba? Bibili ka ba ng bagong damit? Magcecelebrate ka ba o iiyak ka nalang? Rule no 1 Pakinggan ang puso at baka may topak lang. Rule no 2 Paano mo pakikinggan kung binge ka? ...