"Hello Garlic ko?" Matamlay na sagot ko sa tawag ni Troy.
"Nasa labas na ako ng unit mo, may dala akong food para sa iyo." Malandi na naman ang approach ni Troy.
Alam ko na. Dala niya na naman ang pagkaing bili sa baba ng bahay. Pochero na naman. May saging pa para pang dessert. Hindi ko alam sa hinayupak na lalaking ito kung saan ito kumukiha ng pera pambilo ng ulam pagkaing ganito.
Tamang tama naman at tinamad akong magluto ng gabing iyon. Ang sweet ni Troy. . .minsan.
"Ah, nakikiliti ako." Sigaw ko na parang wala sa mood.
"Bakit parang wala sa mood ang Pepper Helen ko?" Tanong na may pagdududa sa kanyang mga mata. "May problema ba?"
Natahimik lang ako. Walang kibo.
"Pakilagay nalang ng ulam sa ref, wala akong ganang kumain eh." Sagot ko sa kanya papalapit sa kama.
Lumapit siya at biglang hinipo ang bewang ko habang pinaparamdam niya sa akin ang tumitigas na mahinang parte ng kanyang katawan. Hinalikan ako sa likod. Nasarapan naman ako pero. . .
"Anu ba?" Sabi ko habang nagpupumiglas palayo sa mga haplos niya.
"Ano ba problema Helen?" Galit na galit niyang tanong. "Nakakabitin naman oh."
Agad siyang lumabas ng kuwarto ko at lumabas ng bahay.
Hinabol ko siya.
Nang naabutan ko siya, siya ay binalot ko sa mga braso ko.
Nasa labas kami ng bahay at doon nilapa niya ang mga musmos kong labi. Mula sa labi, binaba niya sa leeg, tinulak niya ako papunta sa elevator.
"Ahhh, ang sarap." Ugong ko.
Nang makarating sa 5th floor ng building agad na bumukas ang pinto ng elevator.
Tumigil kami.
May sasakay.
Si Ben.
Nagtinginan lang kami ni Ben at tumingin lang sa akin si Troy.
Hindi ko alam ang gagawin ko.
"Ano? Sasakay ka ba?" Pabundak na tanong ni Troy.
"Hindi, nagkamali ako ng pindot, pasensya na." Sagot ni Ben sa kanya.
"Sa susunod pre mag ingat ka sa pag pindot ha? Baka kasi mabuksan ka at pag bukas na susuko ka lang bigla." Mahinahon na sagot ni Troy.
Hindi magkakilala si Troy at Ben. Hindi rin alam ni Troy na Ex ko si Ben. Wala siyang alam. Hindi siya tumitingin kay Ben. Boses lang ang nag-uusap sa kanila. Nakatingin sa akin si Ben at Troy pareho.
BINABASA MO ANG
My Ex-Boyfie
RomanceAno gagawin mo kung ang boyfriend mo ngayon ay hindi ka mahal? I bibreak mo ba? Bibili ka ba ng bagong damit? Magcecelebrate ka ba o iiyak ka nalang? Rule no 1 Pakinggan ang puso at baka may topak lang. Rule no 2 Paano mo pakikinggan kung binge ka? ...