Shhhhhh. . .
(Ikaw by Martin Nieverra)
Tumawag ulit ang hinayupak na hindi marunong sumagot. Hindi ko na sinagot hanggang sa umabot ito ng 7 missed calls.
Sino kaya ito?
Baka pinaglalaruan lang ako ni Troy?
Baka si Troy ito at gusto lang ako i check?
Pero nandito pa si Troy ng simulang magmistulang background music ko ito sa drama ko ah? Sino nga ba ito? Bakit panay ang tawag nito?
Hihintayin ko nalang hanggang sa umabot ito ng 27 missed calls.
Baka gusto lang ni Troy ipaalala sa akin na 27 ang monthsary date namin?
Baka si Troy nga ito?
24 . . .
25 . . .
26 . . .
27 . . .
Hanggang 27 nga lang ang calls.
"Si Troy nga yon." Bulong ko sa sarili ko.
Binuksan ko ang cellphone ko. Hindi na mabuksan. Nalowbat sa katatawag ng hinayupak na number na iyon.
Wala akong charger!
Paano ito ngayon?
Alas otso na ng gabi at hindi pa rin nakauuwi si Troy.
Hindi ko alam kung nasaan na si Troy.
Hindi ko na alam kung ano ang nangyari kay Troy.
Baka napadaan lang sa tindahan?
Baka napadaan lang sa bahay nila?
Paanong bahay nila eh nasa Visayas ang mga magulang niya at wala silang kamag-anak dito sa Luzon?
Baka napadaan lang kina Aleng Nena?
Baka napadaan lang sa. . . . .
. . .babaeng kinakasama niya?
Sa babaeng kinakasama niya?
Sa babae?
Sa b-b-bae-e-e-eng ki. . .?
Hindi dapat mangyari iyon! Wala siyang iba. Ako lang.
A-a-a-ako lang! Akooooooo lang!
(Doorbell)
Alam ko si Troy na ito.
"Andyan na, wait lang." Excited na sagot ko habang lumalakad papunta sa pinto.
Sumilip ako baka iba at hindi si Troy. Paniguro lang. Malay natin.
"Sino yan?" Sigaw ko. Nakatalikod kasi.
Humarap siya sabay sabing, "Ako ito, si Ben."
Si Ben ang bigla ko nalang naglaho na boyfriend. Matapos niyang magpasarap ay iniwan nalang ako bigla.
Si Ben ang unang kumuha ng virginity ko. As if naman na may pangalawa pa ano?
Mabait si Ben, matalino, matangkad kasi 5'11" siya, basketball varsity ng school namin, macho, gwapo, sariwa. Umabot kami ng 3 years ng walang galawan. Pareho kaming virgin kaya hindi ako masyadong nag enjoy. Ano pa nga ba iniexpect mo sa ganitong klaseng mga good boy.
"Pasok Ben." Sabi ng nanginginig kong boses.
Sino ba naman ang hindi kakabahan e February 23 niya ako iniwan tapos February 27 naging kami ni Troy? Hindi man lang ako nag hintay.
After kasi nung nangyari wala na kaming communication. Edi tapos na talaga.
May dala siyang bouquet ng roses.
"Sorry, hindi ako nakabalik agad." Malumanay na seryusong binulong sa akin ni Ben.
"Okay lang, alam ko naman na ayaw mo na sa akin matapos mo akong makuha eh?" Sagot ko sa kanya.
At bwesit sumabay pa ang pagtulo ng luha ko.
Mabuti nalang at wala nang background music.
Tahimik lang si Ben at tiningnan lang ako sa mga mata.
Bumuhos ang mga luha kasabay ng aming mga sipon.
Niyakap niya ako sabay sabing, "Sige, aalis na ako. Pasensya na sa disturbo. Alam ko masaya ka na sa piling niya." Sabay tingin sa boxers na naiwan ni Troy.
Hindi na ako nakakibo at kusa na siyang umalis. Tumigil ang luha sa mga mata ko. Napuno ng inis ang puso ko sa sarili ko.
Nasaktan ako sa sinabi ni Ben.
Nagwala ako sa kuwarto. . .
. . .pero niligpit ko din ang mga ito pagkatapos. Naalala ko hindi ako nasa soap opera, nasa libro lang ako.
Mabuti naman at nagwala ako sa kuwarto, dahil kung hindi eh hindi ko sana makikita ang hinayupak na charger na buong akala ko ay dala ni Troy.
Sa wakas ay naka charge din.
Tagos sa puso magsalita si Ben.
Masakit talaga magsalita ang mga seryusong tao.
Nasaktan ako.
(Ikaw by Martin Nieverra)
Buwesit at sumabay na naman sa pageemote ko ang BGM na ito.
"Hello Pepper? Saan ka na? Gabi na ah?" Agad na tanong ko kay Troy.
"Garlic pauwi na ako, mahal mag taxi eh, nag jeep nalang ako." Sagot niya.
"Okay Pepper"
"Okay Garlic, tawag lang ako ulit pag nandyan na ako."
Hindi pa ako nasanay dahil sa simula palang ng naging kami ni Troy ay gabi lang ito nandito sa bahay at kinabukasan bago mag alas siyete ay naka alis na ito ng hindi na naman nakaligo.
Gabi lang ata eto naliligo eh. Bago kami mag basketball. . .
. . .sa bed.
(Ikaw by Martin Nieverra)
BINABASA MO ANG
My Ex-Boyfie
RomanceAno gagawin mo kung ang boyfriend mo ngayon ay hindi ka mahal? I bibreak mo ba? Bibili ka ba ng bagong damit? Magcecelebrate ka ba o iiyak ka nalang? Rule no 1 Pakinggan ang puso at baka may topak lang. Rule no 2 Paano mo pakikinggan kung binge ka? ...