Chapter 3: Let's dance, Babe.
Napasa na namin ang mga papeles kaninang umaga pa mabuti nalang at mabilis kumilos ang babaeng yun. Tss, isang araw na pero 'di ko pa alam kung ano ang buo niyang pangalan.
Napalingon ako ng may nag abot sa akin ng isang tasa ng tsokolate, Mmm ang bango ah. Tiningnan ko naman kung sino ang may dala nito na halata namang para sa akin.
Sheena...
"Mr. Aldrin, kape po para sa inyo."
"Sinong may sabi sayo na hot chocolate ang gusto ko?"
Tanong ko sa kaniya na ikina-putla niya ng husto nakikita ko ang pamumuo ng maliliit na butil ng pawis sa kaniyang noo, at panginginig ng kaniyang kamay.
Napayuko at sabay sabing si Natarah Iana raw ang may kasalanan, natatawa naman ako sa aking isipan... ba't pa na sali ang ibang tao eh tinatanong ko lang naman siya kung bakit hot chocolate ang gusto ko?
At sino raw? Natarah Iana? Sino naman yan? Ba't niya alam ang paborito kong iniinom na kape? Haaaaaayy.
Tiningnan ko ng maigi si Sheena at ngayo'y tila naiiyak na, umalis ito ng patakbo ang akala ko'y 'di na ito babalik yun pala'y dala-dala na ang Sekretarya ko.
Napakunot naman ang noo ko at tiningnan siya na nagtatanong na 'What are you doing here-look'.
"Sir! Itong si Natarah Iana ho talaga ang nagtimpla at mag bibigay sayo niyan, siya po talaga ang may kasalanan kung bakit hot chocolate ang itinimpla niya sayo! Hindi kasi siya nag-iisip eh, ano ka bata?! Para Hot chocolate ang itimpla? Boba ho kasi siya!"
"Sumo-sobra kana ha, sinabi ko bang ikaw ang magbitbit?"
"Hindi! Pero ikaw talaga ang may kasalanan! Sana kung 'di ka lang engot kape ang itinimpla mo instead of hot chocolate!"
"Sheena, I like coffee."
"Oh, you see!? Bobo ka kasi Natarah, hayaan mo Sir ako na ang magtitimpla."
Paalis na sana siya ng mag salita ako, napahinto siya at nilingon ako na akala mo'y hindi makapaniwala.
"But, I love Hot chocolate."
Halos maiyak na siya sa inis kaya umalis nalang ito sa loob ng opisina, habang ang sekrerarya ko nama'y salubong na ang kilay at nakapa-meywang pa. Ha! Para siyang mayordoma na inis na inis narin sa rumi ng paligid.
"So, you're the one who make this?"
Tumango naman ito at bumontong-hininga na tuloyan namang nawala ang pagkaka-kunot sa kaniyang noo, ngumiti naman ako sa kaniya at inaya siyang maupo muna.
Natarah Iana...
Siguro yan na ang kaniyang pangalan. Maganda't kakaiba rin gaya ng personalidad niya, umopo naman ito at bahagyang yumoko sa akin."Natarah Iana..."
Kitang-kita ko kung paano siya natigilan, nag-angat siya ng tingin sa akin at nakipagtitigan. Tumango naman siya na tila'y sinasabing 'Oo, siya nga.
Mabait siya, mapag-pasensiya pero may nakakatakot din sa kaniya... yan ay ang pagiging seryuso niya masyado.
"How many years you worked here?"
YOU ARE READING
Kneel down, Mi reina.
Teen FictionThis story is a Fiction. Names, Characters, Places , Business, Events and Incedents are either the product of author's imagination/idea or in a fictitious manner. Any resemblance of actual persons, living or dead. Or actual events is purely coincide...