C1: Operation finding the Queen.
"I am the King of Blueziana.
The most powerful palace in this world. I am Jasper Aldrin A. Amorin, the 1st crowned King.I raised to be a good leader, a good son, and to be a good member of this palace. I had a lot of experiences to become a King, I may not be perfect but I am worthy. Thank you, Blueziana. "
Nagsipalak-pakan at hiyawan ang mga taong nasa labas ng palasyo, sabay sigaw'ng "Mabuhay ang Unang Hari!"
"Mabuhay! Mabuhay! Mabuhay! Mabuhay si Haring Jasper! Habang ako ay pakaway-kaway at payuko-yuko lang.Sa loob ng labingwalong taon na pag-aaral at pakikipag-laban sa mga prinsipiyo ay nagbunga rin ang aking mga paghihirap, bagaman walang kasiguraduhan ang pananaw ko rati, ngayon ay masasabi kong ito'y naging mabuti.
Dugo't pawis,kasiyaha't hinagpis, buhay't kamatayan lahat ng iyan aking naranasan... sa bawat pagsikat ng Araw ipananalangin mong sana'y may patutungohan, sa bawat pag-usbong ng kadiliman sa kalangitan inaasam-asam mong sana'y ikaw pa ay mamumulat sa kagandahan ng bansang aking kinagigisnan, na balang araw ako... Ako ang magiging pinuno ng mga taong walang laban sa nakakataas sa lipunan.
---
"Kumusta ang pakiramdam mo Mi Rey?" Tanong ng aking kaibigang si Glester. Nginitian ko lamang ito at inayang umopo sa sofa kaharap ng aking mesa.
"I am good, parang ang tanda-tanda ko na sa tanong mo. Tss, Bente otso (28) pa ako 'di pa Sitenta (70) kaya huwag na huwag mo akong maasar-asar, Glester."
"HAHAHAHAHAHAHA... Sino ba kasing 'di magtatanong ng ganiyan ha? Wala ka namang Girlfriend ni hindi ka pa nga nakaranas ng pakikipag-relayon hindi ba? At isa pa, Alam mong wala rito ang iyong mga magulang bukod sa mga taong iniidolo ka, sige nga sinong banal na tao ang magtatanong sayo kung 'Ayos ka lang ba?"
"Tss, Haaaaaaaayyy. Isa yan sa pino-problema ko nawawala raw ang mapapangasawa ko, isa siyang kilala bilang sutil na Mahal na prinsesa hindi raw siya pabor na akoy mapangasawa hanggat sa hindi ako magpapakita sa kaniya. Haaaayy, malay ko ba sa kaniya? Napakaraming bagay ang aking pino-problema Glester, dumadagdag pa siya. Alam mong konting-konti lang ang aking pasensiya sa mga gaya nito. Aanhin ko ang aking mapapangasawa kung wala kaming gusto sa isa't isa,"
Pabuntong-hininga naman akong nilapitan ni Glester at tinapik ang aking balikat saka umopo tabi sa aking pwesto.
"Iyan ang isa sa mga inilatag na patakaran ng opisyal na sinang-ayunan ng mga karamihan, Jasper Aldrin. Paano mo ipapasa ang iyong trono kung 'di ka magkakaroon ng tagapagmana? Hindi naman maaari na ulitin na naman ang pagtuturo't paghihirap ng mga bata. Paano kung, ang mga kataastasan na naman ang mamumuno? Masasayang ang paghihirap natin Jasper."
"Alam ko, Glester. Alam na alam ko, kaya nga problemadong-problemado na ako dahil sa nawawala ang Prinsesa na magiging Reyna niyo."
"HAHAHAHAHAHAHA... Reyna niyo?! Wow ah, Reyna nating lahat baka nakalilimutan mong siya ang magiging Asawa mo, Jasper? Ikaw ang Hari at siya ang magiging iyong Reyna."
"You can leave now, Glester. You're not helping me."
Patawa-tawa naman itong umalis sa kaniyang kinau-upuan ko at lumabas na sa kwarto, matunog naman akong nabuntong-hininga dahil sa problema ng aking pag-aasawa. Ang buong akala koy wala ng mas ihihirap pa ang prosesong aking pinagdaanan 'yun pala'y maghihirap din ako sa paghahanap ng Prinsesa, na magiging aming Reyna.
YOU ARE READING
Kneel down, Mi reina.
Roman pour AdolescentsThis story is a Fiction. Names, Characters, Places , Business, Events and Incedents are either the product of author's imagination/idea or in a fictitious manner. Any resemblance of actual persons, living or dead. Or actual events is purely coincide...