Chapter 2

1 0 0
                                        

Chapter 2: Work together

Gumising ako ng maaga para makapag-handa para sa papasokan kong trabaho na sinasabi sa akin ni Glester bago siya umalis. Kakaiba man sa mundong ginagalawan ko pinipilit kong unawain ang mga lahat ng 'to, hindi ako sanay sa mga makabagong gamit... aaminin kong ang Blueziana ay isang makapangyarihang kaharian sa buong mundo ngunit, kahit kelan may 'di ko alam na may mga ganito palang kagamitan. Kahanga-hanga.

Pilit kong winawaglit ang lahat ng sakit na dinanas ko para lang maisakatuparan ang pangarap ko para sa aking bansang sinilangan bilang unang hari... kailangan kong maging maalam at matapang sa lahat ng pagdaraanan, ngunit... paano ako lalaban ng patas kung sila mismo'y 'di alam ang salitang patas?

"Good morning Sir, how may I help you?" Tanong sa akin ng isang guwardiya sa malaking gusaling ito, na kung tawagin ito'y building "Sir?"

"I'm looking for Mr. Kauis Gavin Lasanderaz."

"May appointment ho ba kayo Sir?"

"Yes."

"Sandali lang ho't tatawagan ko ho muna ang Secretary niya."

Tumango nalang ako bilang tugon sa kaniya, nang matapos na siya ay agad niya naman akong iginiya sa daan tungo kay Mr. Lasanderaz.

Nang makarating kami sa pintuan ay saka lamang siya nag paalam at tuloyan ng lumisan, kumatok ako ng ratlong beses at saka ko pinihit ang pinto.

Bumungad sa aking harapan ang preskong-preskong hangin sapagkat naka-bukas ang bintana't pinto sa teresa malaki-laki ang kaniyang silid trabahoan, hindi maipagkakaila na siya ay mayaman.

Ilang sandali pa lamang ay lumabas sa pinto ang isang babaeng halos wala ng saplot, napatigil naman ito ng makita ako... titig na titig siya sa aking katawan hanggang sa aking mukha, tila'y nakakita ng isang maligno. Sumonod na lumabas ang isang binata ring kasing edad ko, preskong-presko mahahalata mo ang kaniyang pagiging babaero. Tsk, Tsk, Tsk... kakaiba rin pala ang mga taga-rito.

Nanlaki ang kaniyang mata ng makita ako, tumikhim naman ang babae kanina kaya naituon ko sa kaniya ang paningin ko. Kitang-kita ko kung paano siya napalunok at kitang-kita sa kaniyang mga mata ang pagnanasa, nakaka-walang gana ang gaya niya.

"What are you doing here, Mr.?" Tanong ng lalaking presko "Ikaw ba yung may appointment sa akin?"

"Yes, can we start?"

"Wait, before that. What's your name?"

"Aldrin Amorin."

"Oh, Mr. Amorin! So ikaw pala ang kinukwento ng butihin kong ama."

"I guess so."

"Sheena, you may leave." Pagpapa-alis niya sa babaeng halos hubad dahil sa suot niyang damit, so Sheena ang kaniyang pangalan. Bagay sa kaniya, papan-Sheena. Ngumuso naman si Sheena sabay lapit kay Mr. Lasanderaz pero ang paningin ay nasa akin. "Baby, later na. I want to meet your business partner."

"Sheena can't you remember? You're just my fuck buddy. You are not my wife nethier girlfriend so leave, now."

Pairap-irap naman itong nag dadabog palabas sa silid na ito, ipina-upo naman ako ni Mr. Lasanderaz sa harap ng kaniyang mesa. Inilabas niya ang lahat ng dokumento at ipinag-permahan lang sa akin, natitiyak kong may alam na ito kaya 'di ko na kailangan pang makipag-usap kung anong gusto kung mangyari.

Kneel down, Mi reina.Where stories live. Discover now