Lutang na lutang na ako sa kakaisip sa kaniya, Hindi ko na alam kung kaya ko pa. Mag-iisang taon na simula ng magkahiwalay kami... tsh, bakit ba kasi kailangan pang iwan niya ako?! Masama ba akong tao? Nagbago naman na ako ah! tsh, ni di na nga ako nag-sasasagot kila Mama't Papa eh.
Haaaaaaaayy! inaantok na naman ako, ang taba-taba ko na kakamukmok sa kwartong 'to. Wala na akong trabaho, wala na akong pangkain, wala na akong kasama rito, tapos... WALA NA SIYA SA PILING KO!
*tok* *tok* *tok*
At sino namang pistiha ang pangahas na kumakatok sa kwarto ko?! Auuuggghhh, kainis! Tumayo akong pabalikwas at saka nagdadabog na binuksan ang pinto. Sa sobrang inis ko, ewan ko nalang kung 'di ko pa masira ang pintong ito. Palinga-linga pa ako sa paligid kung sino ang kumatok kani-kanina lang, at Pusiiiiiiiiiiiiiiiittttt! Wala namang tao!
Akmang isasarado ko na ang pinto ng mahagip sa aking nag gagandahang mata ang isang mamahaling papel sa aking paanan, kaagaw-agaw pansin ang papel na ito kaya ito'y pinulot ko... nag babasakaling galing 'to sa aking secret admirer. tsh, Jowang-jowa na talaga ako. Jesus! 24 na po ako, baka naman diba?
Bumalik na ako sa kwarto ko at umupo roon sa may maliit na sofa, atyaka ko binuksan at tiningnan kung anong meron sa papel'ng ito.
Natulos ako sa kina-uupoan ng mabasa ko ang naka-sulat roon.
"Kneel down, Mi reina."
Pusiiiiittt! Ano 'to?!
LianBluez
YOU ARE READING
Kneel down, Mi reina.
Teen FictionThis story is a Fiction. Names, Characters, Places , Business, Events and Incedents are either the product of author's imagination/idea or in a fictitious manner. Any resemblance of actual persons, living or dead. Or actual events is purely coincide...