Chapter 2

8 3 0
                                    

Shane's Point of View

Matapos naming magligpit sa kusina, sakto namang pumasok na 'yung mga boys. Kaya lang, kulang sila ng isa.

"Asan si Kel?" Tanong ko sa kanila ng makita kong hindi nila ito kasama.

"Nagpaiwan sa labas. Puntahan mo kaya para may kasama siya." Sabi ni Jam.

"Nag-e-emote lang 'yon." Wika ni Trish. Kahit kailan talaga hindi nawawalan si Trish ng sasabihin sa barkada. Lagi siyang kontra.

"'Yung boyfriend mo ang atupagin mo. Ayun na, oh. Nauna pang umakyat kaysa sa 'yo. Hindi ka man lang niya niyaya." Pang-iinis ko sa kaniya at saka ako tuluyang lumabas.

Nakita kong nakatayo si Kel habang nakatingin sa langit. Madilim na din kasi dito sa labas. At dahil mag-isa nga lang siya, dahan-dahan akong lumapit sa tabi niya.

"Parang ang layo ng iniisip mo." Sabi ko at nagulat siya. Tumawa tuloy ako ng mahina. Alam kong hindi niya inaasahan na susundan ko siya dito.

"Ikaw lang naman ang palagi kong iniisip. Magmula noon, hanggang ngayon." Boom! Gabing-gabi na, ang lakas pa rin niyang bumanat. At syempre, hindi ko ipinahalata sa kaniya na kinikilig ako. "Shane?" Tawag niya sa pangalan ko kaya lumingon ako sa kaniya.

"Why?"

"I want you permanently not temporarily." Mas lalo akong kinilig sa sinabi niya. Feeling ko namumula ako. Naramdaman kong hinawakan niya 'yung isa kong kamay at pinisil niya ito. Para bang ayaw na niya akong mawala sa tabi niya.

"I love you, Kel." Sabi ko at humarap ako sa kaniya. Nginitian niya ako. 'Yang ngiti na 'yan ang mas lalong nagpapabilis ng tibok ng puso ko.

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko, "I love you too." Saka niya ako hinalikan sa lips. Ito na talaga 'yon, e. Parang kami lang ang tao sa bahay na ito. Wala tuloy akong nagawa kung 'di ang tanggapin 'yung halik niya.

Sobrang saya at sobrang sarap lang talaga sa feeling kapag 'yung taong mahal mo ay nasa tabi mo lang o 'di kaya nasa harapan mo lang. 'Yung tipong nag-uusap kayo at  nagkukuwentuhan. Tapos maya-maya, bigla niyang hahawakan 'yung kamay mo. Ipaparamdam niya kung gaano ka niya kamahal at ayaw ka niyang mawala sa buhay mo. Iki-kiss ka niya sa noo o 'di kaya sa lips. Aakbayan ka at yayakapin ka ng mahigpit. At 'yan ang daily routine namin.

Matapos niya akong halikan ay nanatili pa rin kami dito sa labas. Pareho kaming nagmumuni-muni. Haha. Ayaw pa daw niyang pumasok sa loob, e.

"Kahit anong mangyari, dito ka lang sa tabi ko." Malungkot na sabi niya. Naguluhan naman ako. Parang may hindi siya sinasabi sa akin.

"Umamin ka nga, may problema ka ba talaga ng hindi ko alam?"

"Wala. Gusto ko lang manigurado na hindi mo ko iiwan."

"'Yun ang hindi ko gagawin, Kel. Alam mo 'yan. Mahal na mahal kita. Hindi ko hahayaang mawala ka sa tabi ko." Sabi ko. Unti na lang, tutulo na 'yung luha ko.

Paano kung dumating 'yung time na magkaproblema 'yung parents niya sa company nila? Baka madamay lang siya. Ay mali! I'm sure na madadamay talaga siya. Ayoko namang mangyari 'yon dahil baka maapektuhan 'yung relasyon na mayroon kami ngayon. Sana lang huwag mangyari 'yang bagay na 'yan. Huh. Think positive, Shane!

Tulad nga ng sinabi ni Trish kanina, ako tuloy 'yung nag-e-emote ngayon. Pakiramdam ko kasi, may hindi magandang mangyayari.

Habang nakaupo kaming dalawa dito, bigla na lang kaming nakarinig ng ingay sa loob.

"Tara, tignan natin kung ano 'yung ingay sa loob." Yaya ko at tumayo kaming dalawa. Sabay kaming pumasok sa loob.

Tumigil sa pagtatawanan ang barkada ng makita nila kaming pumasok dito sa loob. Lahat kasi sila ay narito sa sala.

Gangster Boys And Amazona Girls (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon