Chapter 6

3 1 0
                                    

Kelvin's Point of View

Narito kami sa park ngayon. Nagyaya kasi 'yung mga babae na gumala dito. At dahil gusto namin silang bantayan, sumama na lang kami sa kanila. Mahirap na dahil baka mamaya, may pumorma pa sa kanila. Baka mapaaway lang kami ng wala sa oras.

Matapos naming mag-picture, tuwang-tuwa si Sha. Sobrang ganda daw kasi dito at ngayon lang daw siya nakapunta dito. Alam ko naman 'yon. Pero kami nila Jam, kabisado na namin itong lugar na ito. Dahil dito kami madalas magbakasyon nila Jam, Christ at Rick every summer. Last vacation namin dito ay noong third year high school pa. Hahaha. Ang tagal na 'no? Medyo naging busy na rin kasi kami at nagbago na rin 'yung buhay namin since dumating 'yung apat na girls.

Sobrang saya ko dahil nakilala ko si Sha. Hindi ko nga inaasahan na pareho pala kami ng kursong kukunin. Magkaklase tuloy kaming dalawa. Parang nakikita ko na tuloy 'yung magiging future naming dalawa.

Mabuti na nga lang dahil naisipan ni Jam na dalhin kaming lahat dito. Two weeks din kami dito. Masaya 'yon. Kaming walo lang sa iisang bahay. Wala 'yung mga magulang namin. Sobrang saya 'yon kasi kumpleto ang barkada. Movie marathon tuwing gabi, tapos tamang gala lang paminsan-minsan. Nag-aasikaso kami ng sarili namin, nagluluto, naglalaba at naglilinis na rin. Syempre kaming walo lang naman ang nakatira sa town house nila Jam. Wala naman silang katulong doon. Then ang sabi pa ng parents niya, mas okay na daw na wala silang katulong sa town house nila para matuto naman daw kaming kumilos. Hindi 'yung lagi na lang daw kaming may inaasahan sa bahay. May point naman 'yung parents niya.

Nangunguna sa paglalakad sila Ash at Rick. Samantalang nasa hulihan naman sila Yas at Jam. Panay ang lambingan. Haha. Ang sweet naman. Pero syempre, mas sweet ako sa girlfriend ko. Inakbayan ko siya at saka hinalikan sa gilid ng noo niya habang naglalakad kami.

"Psh. Dito pa talaga sa daan."

"E ano naman? Wala akong pakialam sa kanila. Pero sa 'yo mayroon. Yieee. Kiligin ka." Sabi ko at pinalo niya ako ng mahina sa braso. Natawa tuloy ako.

"Para ka na ring si Rick. Nahawa ka na yata sa kalokohan niya."

"Uy. Hindi, ah. Hindi kami magkalahi ni Rick, 'no."

"Bakit sinabi ko ba?"

"Sabi mo kasi parang ako si Rick."

"Parang lang, pero hindi naman talaga."

"E di automatic na rin 'yon."

"Aminado ka naman?" Tumahimik ako. Ang hirap talagang makipagtalo sa mga babae. Lagi silang may ibabatong sagot sa 'yo. Huh. "Oh, ba't nanahimik ka?" Hindi ko siya pinansin. Kapag sumagot pa kasi ako, hahaba lang 'yung usapan naming dalawa. Baka mamaya mauwi lang sa away 'yung usapan namin. Mas mahirap 'yon. "Huwag ka ng sumimangot diyan." Paano ako hindi sisimangot? E binabara mo ako. "Pansinin mo naman ako..." At dahil hindi ko siya matiis, pinansin ko na siya. Nakakaawa, e. Baka mamaya, bugbugin pa ako nito.

"Nagugutom na ako." Reklamo ni Trish. Tumigil pa nga siya sa paglalakad. "Baka naman pwede na muna tayong kumain?"

"Excited gumala pero ang bilis magutom." Sabi ni Christ sa kaniya.

"Bakit ba? Saka hindi ikaw ang kinakausap ko." Kita mo 'tong dalawang ito. Nag-aaway na naman. Parang kanina lang ang sweet nila.

"Diretsuhin lang natin 'tong daan na 'to. Tapos may makikita tayong kainan diyan sa kanan." Sabi ni Jam na agad naman naming sinunod.

Makalipas ng ilang minuto...

"Hep! Dito na tayo." Pinatigil kami ni Trish. "Gusto kong kumain ng sisig. Kanina pa nga ako natatakam sa sisig, e. Kaya please lang, dito na lang tayo kumain." Tinuro niya 'yung kainan ng sisig.

Gangster Boys And Amazona Girls (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon