James's Point of View
Woah. "Last shoot!" Sabi ko at naghiyawan 'yung tatlo ng mai-shoot ko 'yung bola. Kami nila Kel at Rick lang ang naglalaro ng basketball. Kakagising lang kasi ni Christ kaya pinanood niya lang kami. Tinatamad daw kasi siyang maglaro. Bago 'yun, ah.
Matapos ng halos apat na oras, tapos na kami sa paglalaro. Pumasok kami sa loob. Tahimik at walang tao dito sa sala. Baka nasa taas 'yung apat. Nagkwentuhan na lang kami about past. Parang kailan lang daw, mga bata pa kami noon. Mga wala pang alam sa buhay. Pero ngayon? Nasa bente anyos na kami. Matured na. May mga pangarap na kami sa buhay.
Biglang nag-vibrate 'yung phone ko. Binasa ko 'yung message.
Freak:
Tapos na ba kayong maglaro?Me:
Yeah. Kakatapos lang. Narito kami sa sala.Freak:
Okay. I'll be there.Kusa akong napangiti sa message niya. Hindi ko pa rin pinapalitan 'yung name niya sa cellphone ko. 'Yan pa rin ang name niya simula noong high school kami hanggang ngayon. Kahit kami na, tinatawag ko pa rin siyang freak minsan lalo na kapag nagkakapikunan kaming dalawa.
Ang lapit lang naman niya pero bakit tinext niya lang ako? Pwede naman niya akong puntahan dito at kausapin ng personal. Pero 'di bale na. Nasa taas lang naman siya at kasama niya 'yung mga kaibigan niya.
"Ba't nakangiti ka diyan ng mag-isa?" Tumingin ako sa nagsalitang si Rick. Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako. "Babae mo 'yang nag-text, 'no?" Nanlaki ang mga mata ko. Anong babae?!
"Siraulo! Wala akong babae!"
"Hahaha. E sino 'yang nag-text sa 'yo? Saka 'wag kang assuming na iti-text ka ni Yas. Nasa taas lang naman siya tapos narito ka lang sa sala. Kaya pwede ka agad puntahan no'n dito. Kaya malamang babae mo 'yang nag-text sa 'yo." Napailing ako. Huli ka na sa balita. Tinext na ako ni Yas. Ngayon lang.
"Nako, pre! Patay ka talaga sa amazona mong girlfriend kapag nalaman niyang may ibang babae ka! Tsk! Kawawa ang magiging babae mo! Paniguradong kakalbuhin niya 'yon!" Sabat ni Christ. Isa pa 'to. Hinding-hindi ako mangbabae.
"Wala nga sabi, e! Ang kukulit!"
"Sino ang kawawa? Sino ang may babae?" Nanahimik kaming apat ng makita namin si Yas dito sa harapan namin.
"Akyat lang muna kami sa taas." Paalam no'ng tatlo at umalis na sila. Mga sira! Balak pa yata nila kaming pag-awayin ni Yas. Tsk!
"Babe? Narinig ko 'yung sinabi nila."
"Ah, 'yon? Wala 'yon."
"'Yung totoo?"
"Promise. Wala. Halika nga dito." At hinila ko siya. Pinaupo ko siya sa tabi ko.
"So, ano nga 'yon?"
"Ganito kasi 'yan. Kaninang nag-text ka, narinig nilang tatlo na nag-vibrate 'yung cellphone ko. Ang akala nila, may ibang babae ako. Hindi ko kasi sinabi sa kanila na ikaw 'yung nag-text. Kaya ayun, inaasar nila ako. Lagot daw ako sa 'yo kapag nalaman mong may ibang babae ako." Pinisil niya 'yung dalawa kong pisngi.
"Ouch! Babe!" Masakit.
"Lagot ka talaga sa akin kapag nalaman kong may ibang babae ka talaga!"
"Ouch! Stop it, babe! Wala nga. Never ever mangyayari 'yon. Ikaw lang talaga."
"Siguraduhin mo lang!" At binitiwan na niya 'yung pisngi ko. Sakit.
"Sure."
"Sure mo mukha mo!"
BINABASA MO ANG
Gangster Boys And Amazona Girls (Book 2)
Teen FictionBOOK 2 (SLOWLY UPDATE) Ano kaya ang mangyayari sa dalawang grupo pagkatapos nilang magkatuluyan? Ipagpapatuloy pa ba nila ang kanilang nasimulan? O babalik sila sa dati nilang nakagawian?