Erick's Point of View
Ano pre? Natanggap mo na ba 'yung regalo namin para sa 'yo? Nasurprise ka ba?
Text ulit sa akin ni Alvarez. Bwisit! Hayop ka talaga!
Dali-dali akong lumabas at saka sumakay sa kotse ko. Pupunta ako sa bahay nila Ash.
Pinagbuksan ako ng katulong nila kaya agad akong nakapasok dito sa loob ng bahay nila. Umakyat ako papunta sa kuwarto niya at saka kumatok.
"Mahal, please. Mag-usap naman tayo, oh. Alam kong nandiyan ka." Wala pang isang minuto ng biglang bumukas 'yung pinto ng kuwarto niya.
*Slap!*
Agad akong nakatanggap ng isang sampal galing sa kaniya.
"Ang kapal talaga ng mukha mong magpakita pa dito!" Kasi gusto kong makipag-usap sa 'yo.
"Please makinig ka." Pagmamakaawa ko.
"Umalis ka na dito, Rick! Dahil simula ngayon, tapos na tayo! Wala ka ng babalikan!" Nanghina ako sa sinabi niya. Agad ko siyang niyakap ngunit pilit siyang kumakalas. Agad-agad? Gano'n na lang ba kadali para sa kaniya na tapusin 'yung relasyon na mayroon kami ngayon?
"Please. Nagbibiro ka lang. Huwag ka namang ganyan, oh. Please... Mahal..." Ipinagtabuyan niya lang ako.
"Paano mo nagawa sa akin 'yon?! Tatlong taon na tayo pero nagawa mo pa ring makipaghalikan sa ibang babae?! Ano?! Hindi pa ba ako sapat sa 'yo para magawa mo 'yung bagay na 'yon?!" Mali. Mali ka. Hindi ko ginusto 'yon.
"Mali ka ng iniisip. Hayaan mo akong magpaliwanag sa 'yo."
"Para saan pa?! E kitang-kita ko na nga sa litrato 'yung mga nangyari sa 'yo! Sa inyo ng babae mo! Tapos magpapaliwanag ka?! Erick naman! May proweba na nga magkakaila ka pa!" Jusko. Gusto kong umiyak ng umiyak sa harap niya. "Hindi ako tanga. Kaya please lang, umalis ka na." Dahan-dahan akong lumabas ng kuwarto niya at mabilis niya namang isinara 'yung pinto.
@L. Bar
Inom lang ako ng inom. Tulala lang ako. Para akong walang naririnig. Kahit maraming tao dito, feeling ko mag-isa lang ako. Kahit sobrang ingay, feeling ko tahimik dahil wala akong naririnig kung 'di 'yung mga sinabi lang sa akin ni Ash kanina.
'Yung litratong nakita niya kanina na may kahalikan akong ibang babae ay hindi ko sinasadya 'yon. Wala akong alam doon. Hindi ko 'yon babae. At isa pa, hindi ko hinalikan 'yung babaeng 'yon. Siya mismo ang lumapit sa akin para hinalikan ako.
Napaisip tuloy ako. Hindi kaya sinadya ng mga tauhan ni Alvarez 'yon? Hindi kaya inutusan nila 'yung babaeng 'yon para halikan ako? Tapos no'ng hinalikan ako ng babaeng 'yon, kinuhanan na nila kami ng litrato upang gawing dahilan 'yon para maghiwalay kami ni Ash?
Ikinuyom ko ang kamao ko. Galit ang nararamdaman ko ngayon. Nang dahil sa kanila, nagkagulo kami ni Ash. Ayaw na niya akong makita at makausap.
Uuwi na ako sa bahay. Sinabihan ko na rin sila Jam na pumunta doon.
Pag-uwi ko, agad ko silang nakita na nakaupo sa sofa. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa dahil agad ko ng ikinuwento sa kanila 'yung mga nangyari sa amin ni Ash.
Matapos kong ikuwento, nanahimik sila. Dahil no'ng time na hinalikan ako ng babaeng 'yon ay sa harap mismo nila Jam nangyari 'yon kaya alam nilang nagsasabi ako ng totoo.
"Paano na ngayon? Galit na galit na si Ash sa 'yo." Sabi ni Christ.
"Palipasin mo muna 'yung galit at inis sa 'yo ni Ash. Hayaan mo muna siyang damdamin niya 'yon. Sarado ang isip ni Ash kaya galit na galit siya sa 'yo. Hindi biro 'yung nangyari, bro. Girlfriend mo siya tapos nakita ka niyang may kahalikan na ibang babae. Masakit para sa kaniya 'yon. Kahit sino naman. Sinadya mo man 'yun o hindi, iisipin ni Ash na ginusto mo 'yon. Litrato 'yun, bro. Hindi video. Kaya kahit itinulak mo 'yung babaeng 'yon palayo sa 'yo, hindi niya makikita 'yung mga nangyari noong araw na 'yon." Paliwanag ni Kel.
BINABASA MO ANG
Gangster Boys And Amazona Girls (Book 2)
Teen FictionBOOK 2 (SLOWLY UPDATE) Ano kaya ang mangyayari sa dalawang grupo pagkatapos nilang magkatuluyan? Ipagpapatuloy pa ba nila ang kanilang nasimulan? O babalik sila sa dati nilang nakagawian?