Chapter 26

2 2 0
                                    

Erick's Point of View

"Amazing!"

"Nice and beautiful place." Komento ng mga kasama namin. Maski ako namangha. Para kasi kaming nasa ibang bansa sa lagay na ito.

"Picture guys!" Kanina pa nga kami kuha ng kuha ng litrato. Mabuti na lang dahil may dala kaming camera.

"This park is lush greeneries and blooming flowers! Wow!" Sabi ni Ash. Parehas kaming namangha sa lugar na ito. Ngayon nga lang kami nakapunta dito. Sa totoo lang, matagal na naming napag-aralan itong lugar na ito pero ngayon pa lang kami nakapunta dito sa Baguio. Karaniwan kasi, sa ibang bansa kami napunta o 'di kaya nagbabakasyon.

Pareho kaming sumakay ni Ash ng kabayo. Sa isang kabayo, dalawa kami. Sa una, ayaw pa niya. Pero 'di nagtagal, napapayag ko rin siya.

Pagkatapos naming sumakay ng kabayo, sumakay naman kami ng bike. Tig-isang bike kami. Tapos sabay na umikot dito sa park. Sobrang saya namin. Unforgettable moment.

Inikot namin itong buong Burnham Park. Nakita namin ang Children's Playground, Rose Garden, Orchidarium, Picnic Grove at mga iba pa. Basta marami.

Nagtipon-tipon ulit kami nang tawagin kami ni prof. Nakakapagod pero masaya. Sobra kaming nag-e-enjoy sa lugar na ito.

Nang makapagpahinga kami ng fifteen minutes, umakyat kami sa La Presa Wright Park. Ito ay sa taas ng Burnham Park at makikita mo ang magagandang tanawin dahil ikaw ay nasa taas ng bundok. Kitang-kita ko 'yung mga maliliit na bahay.

"Kapagod."

"Bigla akong nakaramdam ng gutom."

"Me too."

"Mabuti na lang dahil nagbaon ako ng tubig. Nakakauhaw kasi."

Nag-usap lang sila ng nag-usap. Habang kami ni Ash ay may sariling mundo. Hindi niya alam na marami na siyang stolen shot sa akin. Haha. Pero maayos ang pagkakuha kaya wala siyang dapat ikagalit kapag nakita niya ito. Ang ganda nga niya, e. Matapos naming mag-picture, kumain pa kami ng mga mangga. Grabe, ang sarap.

"Nagugutom ka pa ba?" Tanong ko kay Ash.

"Medyo. Pero kumain na ako ng mangga." Iniabot ko sa kaniya 'yung sandwich na binili ko kanina. "Thanks." Alam ko kasing nagugutom pa siya.

"Sige na, kainin mo na 'yan."

"Sabay tayo." Sabay kaming kumain. Anim na sandwich ang binili ko. Sa sobrang gutom namin, naubos namin ito lahat.

Makalipas ng isang oras, bumaba na kami at agad na nagtungo sa The Mansion. Familiar sa akin itong The Mansion na ito. Lagi ko 'tong nakikita sa libro, e. Syempre nag-picture ulit kami.

Matapos namin sa The Mansion, napagdesisyunan na ni prof. na magpahinga na muna kami at bukas na lang ipagpatuloy 'yung tour namin. Pero bago kami umuwi, tumigil muna kami sa isang sikat na kainan. Kakain muna kami. 6:00 pm na pala. Sakto lang 'yung pagtigil namin dito sa kainan.

***

Makalipas ang ilang araw, nagpatuloy ang paglilibot namin dito sa Baguio. Nakakapagod pero masaya. Ang dami-dami naming natututunan. Sa bawat paglalakbay namin, nagdadagdagan 'yung mga kaalaman namin.

Ang saya ng buhay namin. Pachill-chill lang. Pero after nito, back to normal na naman ang lahat.

***

Nagising kami ni Ash nang mag-alarm 'yung phone niya. 6:00 am na pala. Nag-aalarm talaga kami kaya nagigising kami ng 6:00 o'clock tuwing umaga.

Sa halip na bumangon na kami upang maligo, idinantay niya ang kaniyang paa sa paa ko.

Gangster Boys And Amazona Girls (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon