Chapter Seventeen

23 2 0
                                    


"Time out muna pre!" Naupo ako sa bench matapos ang laro namin ni Larry. Kung nagtataka kayo kung sino ako lang naman si Gary( ginawan ko na sya ng POV para masaya xD). Nagbabasketball ako kasama ng kaibigan ko.

It's been three months since I started courting Angie. At as usual mabilis parin sya maasar sakin. Haha.

On the other hand, masasabi kong hindi madaling ligawan ang babaing yun para kang dumadaan sa butas ng karayom. Kung minsan magagalit nalang bigla at asahan mong hindi ka papansinin, ipinanganak na ata yung bipolar. Pero ang hindi ko mas mapaniwalaan ay ang sarili ko, dahil habang tumatagal at nakikilala ko sya, mas lalo ko naman syang nagugustuhan.

Maybe because I simply love her eyes kahit na nanlilisik sa asar sa akin o namamaga kapag naiiyak sya kakapanuod ng telenovela. Pwede ring ang buhok nya na minsan ako pa ang pinagtatali nya kahit wala akong malay sa bagay na yun. I don't actually know kasi isang bagay lang ang alam ko and that is I really love her. Tama na nga masyado na kong nagiging korni.

"*$@#"

Naputol ako sa pakikipag usap sa isip ko dahil sa bolang tumatama sa ulo ko.

Siraulo talaga tong si Larry! -___-

"What the hell, men?"

"Try lang. Baka kasi matuluyan yang pagkatulala mo at ipadala na kitang mental. Ouch!"

Binato ko rin ang bola pabalik sa kanya.

Kala nya ah. Tss.

"Seriously bro, magpa"miss" ka naman kahit onti. Baka nagsawa lang sa mukha m--" Hindi ko na sya pinatapos at ini-steal ko na ang bola.

"Ang dami mong satsat. Maglaro nalang tayo!"

I'll focus on the game for now.

--------***-----------

Hmm..  Bakit kaya hindi nya ako pinapansin ngayon?

Tinignan ko si Sea monster mabuti. Hindi naman ako bad breath, mas lalo wala naman akong body odor no. Haler, kakaligo ko lang. Tss.

Lumapit ako sa kanya maya-maya.

"Uy Gary..."

"Bakit?" Pagkatingin nya sakin parang nagsisi akong nilapitan ko pa sya.

"W-wala..." Bumalik nalang ako sa pwesto ko matapos yun.

Hayy..

"LQ?"

"Huh? Hindi no!" Kagulat naman si Kaila.

"Eh bakit ang haba nyang nguso mo?"

"Bakit? Bagay naman sakin maging pouty lips ah."

"Mga anong oras babalik ang matinong, Angie?"

"Che!" Hindi rin matinong kausap ang isang to eh. Pagbuhulin ko kaya sila? Tss.

Hinihintay ko ngayon ang paglabas ni Gary. Sinadya ko talagang mauna para makapag-usap kami. Naalala ko tuloy ang sabi ni Kaila, " Go!Fighting! Ipaglaban!". Adik talaga ang isan yun. Nang makita ko na syang lumabas sinabayan ko agad sya sa paglalakad.

"Uy... Gary... Sorry na." At hindi ko napigilan ang pagpout.

"Wag mo ngang gawin yan."

"Ang ano?" Kaloka. Naaning na ata to eh.

"Wala."At tinignan nya ulit ang mga labi ko. Wala naman ah! Pinagtitripan ba nya ko?!

Hinatak ko sya bigla sa inis ko.

"Ano bang problema mo?!"

Tumingin sya sakin bago nagsalita.

"Problema? Wala naman. Gusto ko lang bigyan ka ng time para makapag-isip kung anong balak mo sa atin."

"Te---"

"Atsaka baka nagsasawa ka na sa mukha ko. Kaya naisipan ko muna itong ginagawa ko."

"Will you please listen to me?! "

Saan ba nya nakuha yang mga yan?

"Ba't naman kita pagsasawaan? At pwede ba next month ko na sasagutin yang tanong mo sakin kaya wag kang atat?!" Boom  Dulas!

Ay shete andaldal ko. -___-

Packing tape naman oh! Saya lang bro!

"Really?"

Umalis na ko bago pa ko tuluyang madulas. Plano ko kasi syang sagutin next month sa birthday ko. Aish.

Napatakbo ako bigla ng makita ko syang hinahabol ako.

"Uy wait lang!"

Bahala ka dyan!

"Waaaaaaaah!"

Lumapit sya agad sakin ng marinig nya akong umiyak.

"Ang clumsy mo talaga." Yan! Yan ang ba ang sinasabi sa taong nadapa? Ilang beses pa ba kong madadapa kapag kasama ko ang Sea monster na to? T.T

"Oh, umangkas ka na sa likod ko. I'll give you a piggyback-ride, okay?"sabinya habang nakaupo at hinihintay ako.Sasakay na sana ako sa likod nya kaso naalala kong tinawag nya akong clumsy.

"Wag na. I can manage." Sinubukan kong tumayo kaso nabigo ako. Mukhang masama ang pagkabagsak ko kanina.

Woah! The heck!

"What're you doing?"

"Binubuhat ka. Ayaw mo ng piggyback-ride diba?"

At binuhat nya nga ako ng parang bride na dadalhin ng asawa nya sa honeymoon. Tokwa! San ko nakuha yun?

Napailing nalang ako sa dumi ng utak ko at humawak ng mabuti sa leeg nya. Shocks! Ambango.

Parang mas lalong lumalala na itong mga iniisip ko.

"Wag mo nga kong masyadong titigan. Tsaka wag mo rin akong sakalin. May balak ka bang pumatay ng tao?"

Kinabahan ako bigla sa sinabi nya. Masyado na ba akong halata? Ni hindi ko nga napansin na tinititigan ko na pala sya eh.

Hay...

Halos hindi ako makatulog dahil sa mokong na yun. Naalala ko pa rin yung gahibla namin na pagitan kanina. Ano ba talagang problema ko? Hindi naman ako pervert pero I keep on thinking of his face. At pati na rin yun sinabi nya. Yung totoo makakatulog pa ba ko nito?

"Bakit ba ang hirap mo iwasan, Angie? Panira ka ng plano imbes na magpapa"miss" ako wala tuloy nangyari. Tss."

Yan ang mga huli kong narinig bago ko tuluyang makaidlip habang buhat nya ko.

Aish. Inulit ko na naman ang mukha nya sa utak ko. Nagpagulong-gulong ako sa kama habang iniisip ang halimaw na yun na siguro ng mga oras na to mahimbing na natutulog.

Badterp. =____=

----------***----------

Happy New Year sa kung sino man na nagbabasa nito. XD

Kahit blangko ako at ayaw magpasulat sakin ng istoryang ito "aja" lang.

Yun lang (andaldal ko) Hehehe

LOL (Lost On Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon