Chapter Fifteen

28 2 0
                                    


Ambigat ng pakiramdam ko kinabusan. Halos wala akong nagawang tulog dahil sa pag-iisip ng nalaman ko. Paulit-ulit lang sa utak ko ang mga narinig ko at sirang plaka ang takbo ng utak ko. Kumbaga natripan ng katawan kong umanib sa utak ko kaya parehas silang overtime kagabi at kaninang madaling araw. Hindi ko na nga alam ang nangyari sa school basta ang alam ko pumasok ako. Ngayon naman na nasa trabaho ako mistulang ulap ang paligid habang lumulutang ang diwa ko.

I bilog

2bilog

3bilog ...

"Angie? …Angie?"

10 bilog

"ANGIE!!"

"Ay tokwa! Bakit?!"

"Nakikinig ka ba?" Pangungulit sa akin ng babaing ire.

"Ano ba yun?"

Imbes na sumagot tumingin nlang sya na akala mo balak ka nyang durugin sa tingin.

"Tss. Nandyan ka na naman."

"Saan?" Alien to. -____-"

"Sa sariling mong world te! Tsk. Kanina ka pa kaya unattended." Inirapan pa ko ng bruha!

"Sorry naman ah. Sadyang mas maganda lang talaga dun."

Tinalikuran nalang ako ng kausap kong pikon habang ako naman prenteng nakasandal ng nakapoker face pa.

May pagka addict lang talaga ako sa katawan pasensya.

Biglang nawala ang good mood ko ng makita ko ang bad luck ng aura ko. Sea Monster in short. Tumingin sya kaya nag iwas ako agad ng tingin. At busangot na tumingin sa ibang panig ng café. May dumating na customer kaya agad akong nawala sa iniisip ko. Pakielam ko ba sa panget na yun. Kung ayaw nya kong pansinin aba mas lalo ako.

Napahinto ako sa pagkuha ng order ng biglang sumakit ang ulo ko. Parang pinukpok ng limang martilyo ng sabay sabay kaya bigla akong natumba. Parqng slow motion ang mga sumunod na nangyari.

Naaninag ko nalang sila Kaila at Gary na nasa tabi ko bago ako mawalan ng ulirat.

----***----

Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko ng magkamalay ako. Ang unang una kong nakita ay ang isang machong likod ng isang lalaki. Busy sya sa pagkausap sa telepono kaya hindi nya kong napansin na nagising. Nagpanggap akong tulog para hindi nya malaman na may malay na ko hindi ko man alam kung bakit ko ginawa yun.

Nararamdaman ko ang matagal nyang pagtitig sakin na ikinabilis ng takbo sa dibdib ko.

Hindi naman siguro ako pinagnanasaan ni Gary di ba? Sa tingin nyo? Naadik na ata ako. Bigla naman nagsalita si Gary dahilan para matigil ako sa pag iisip.

"Hayy.. Ano ba kasing trip mo sa buhay mo ? Pati ba naman pagtulog tinitipid mo? Ewan ko ba kung may sayad ka talaga."

Aba't! Seriously?! -____-

Kahit ba naman sa mga ganitong sitwasyon nang aalaska pa rin sya?!

Naramdaman kong medyo lumapit sya dahil hininga nya na tumatama  sa mukha ko. Ganun lang ang naging posisyon namin. Ako na parang poste para hindi mahalata na gising. Sya na parang insekto na nagpapahirap sa akin.

"Pero you know what? Mas lalo kang nagiging cute araw-araw kaya nga iniiwasan kita eh." Biglang gusto kong bumangon sa narinig ko. T-teka... Anudaw? Pakibatukan nga ko dahil anlabo nya eh.

Feeling ko ng mga oras na yun namumula na ang buong mukha ko buti nalang hndi nya napansin.

"Kung pwede lang sana kong manligaw eh. Kaso kahit na bitayin ako ni Kaila hnd ko kaya eh. Hindi talaga ganun kadali sabihin yun."

Ramdam ko ang pagwawala ng dibdib ko sa sinabi nya. Kulang na nga lang itali ko para hindi humiwalay sa katawan ko eh.

Bakit nya ba ginagawa sakin ito? Ano ba to? Hindi ko na alam ang dapat kong isipin. Bakit ba ang laking duwag ng pangit na to?

Maya-maya ay tumayo na sya at mukhang paalis na ng kwarto ko. Nang marinig ko ang tunog na isinarang pinto bigla akong bumangon. Hindi ko alam ang ginagawa ko ng kusa akong lumabas at sumigaw para tawagin sya. Nang lumingon na sya sakin parang nawala lahat ng iniisip ko at nablanko ako. Halata naman na nagulat sya dahil gising pala ako.

Anong na ngayon? Yun ang problema Angie sugod ka ng sugod!

"Uhm.. Ano may sasabihin ka diba?"

Umiling lang sya na naging dahilan para mainis ako. Kaya nakalimutan ko lahat ng doubt ko at nagsalita nalang.

"Kung may gusto kang babae at manliligaw ka sabihin mo ng harapan! Hindi yung pag hindi nila maririnig! Ano pang sense kung hindi nila malalaman di ba? Alam mo mas mabuti na kung maaga palang alam na nya para alam mo na agad kung may pag asa pa hindi para lang umasa. Kaya kung liligawan mo ko wag kang parang duwag dahil ayoko sa torpe! Gets mo? Atsaka magsalita ka. Gamitin mo yang boses mo para magasgas naman kahit onti." Pagkatapos naman nun  agad akong bumalik sa kwarto ko.

Ano bang ginagawa ko sa sarili ko!! What the hell? Naaaning na ba ako? Aish. Ah basta nakakainis yung halimaw na yun. Ginagawa ko lang ito para matulungan syang tanggalin yung kaduwagan na yun. Pero kahit na anong salpak ko sa utak ko nun alam kong may iba pang dahilan eh. Aish. Bahala na!

----***----

Nakatulala lang ako sa ceiling at paulit ulit na iniisip ang nangyari kanina.

Na turn off kaya sya? Sabagay kahit ako sa lugar nya gagawin ko yun.  Mali ba ginawa ko? Pero kung mali man nagawa ko na period. May gusto na ba ko sa kanya? Baka... Hindi ko na rin alam.

Syete naman pati ba naman utak ko sya kakampi?

Tinignan ko ulit yung text nya kanina lang.

From:Sea Monster

Ang, sabi ng doktor sa clinic kanina kulang kalang sa tulog kaya magpahinga ka muna dyan. Tsaka nlang kita kakausapin pag ayos ka na. TC.

Sa tuwing nakikita ko ang mesage na to mas lalo akong ginaganahang isipin sya.

Teka kinikilig ba ko? Palala na ata ako ng palala.

Gayuma na ata to.

LOL (Lost On Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon