Chapter 2

7 1 0
                                    

Ram's POV


*NP- EXO Heaven*

~~Hello angel geurim gata
Haneureul bomyeon neoman boyeo
City street lights buri kkeojigo
Dari sarajeodo nuni bushin geon
Haneuri tteoreoteurin byeol
Geuge baro neonikka~~


"Hmmm." Nagising ako sa alarm ng aking cellphone. Inabot ko ito at tinignan Kung anong oras na, 6:30 am na.

Bumangon na ako at nagdasal bago nag-streching pagkatpos ay inayos ko na ang aking higaan, syempre dapat ayusin papagalitan ako ni mama eh, kayo din diba pag hindi nyo inaayos higaan nyo sa umaga pinapagalitan kayo ng magulang nyo hahaha.

Pumunta naman ako sa banyo upang mag-toothbrush at maligo na din.

Matapos ang 123456789 years ay natapos na din ako at naka bihis na. Naka ripped skinny jeans ako na black at cropped-top na medyo maluwag, color gray at may nakasulat na 'Miss Taken' tapos old-school na Vans na kulay white-gray-black, dinala ko din yung cap ko na black.

Hindi Kasi ako mahilig masyado sa mga girly colors kaya pansin nyo na puro ganyan ang kulay ng mga gamit, pati buong kwarto ko.

Anyways, bumaba na ako sa Sala pero walang tao, malamang nasa dining table na sila.

"O goodmorng anak, ang aga mo ngayon ah. May lakad ka ba at nakabihis ka?" Bungad sa akin ni mama nang makita ako.

Lumapit naman ako at humalik sa pisngi nila daddy, pagkatapos umupo na ako sa tabi ni ate.

"Where are you going?" tanong ni ate Rose.

"I'm going to tita Jing's house, bibisitahin ko sila and baka dun na din ako mag-lunch. Wala naman akong gagawin dito sa bahay eh."

"Okay, just send our regards to your tita, at magpahatid ka na kay kuya Manuel, nandyan naman si Berto para ihatid kami."

Tumango ako sa sinabi ni papa.

"Gusto ko din pumunta kaso medyo busy ako sa mga trabaho sa office." Ngumuso si ate.

"Pwede naman sa Saturday ate, day-off mo naman and pupunta ulit ako dun."

Umiling si ate, "Hindi pwede dahil may lakad ako sa araw na yun." Makahulugan nyang sabi at ngumiti ng may maalala.

"Naku ate! Alam ko na yan, may date ka siguro noh?!" Pangaasar ko sa kanya.

Namula sya sa sinabe ko. sabi ko na eh! Sabagay maganda si ate kaya imposibleng walang magkagusto sa kanya, mas matangkad sya sa akin, 5'8 ang height nya, matangos na ilong, mapupungay na mata, maliit na mukha, Morena, kissable lips,straight long hair, super slim body, para syang model ng Victoria's Secret. In short parang goddess.

"Hoy hindi kaya, lalabas lang kami ng mga friends ko, echosera ka!" Defensive na sabi nya sabay hampas sa braso ko.

Hahaha! Kilalang kita ate kaya hindi mo ako maloloko, bwahahaha!

"Naku! ako pa niloko mo, kilala kita ate, Yung mga ganyang pahampas hampas mo sa braso ko, eh ganyan ka din nung nagka-crush ka sa classmate mo nung third year college ka! Kaya wag mo kong frog-liten dyan, ikaw ang echosera! Baklang toh!"

Huli ka balbon! Hahahahaha! Akala nya ha!

"Ikaw talaga aga-aga inaasar mo na agad ako! Tsaka ang ganda ko namang frog."

Ganyan kami ka- close ng ate ko. Palagi kaming mag-asaran, Hindi pa kami nagkakapikunan at nag away ng matindi kahit nung mga bata pa kami saka dalawang taon lang naman tanda nya sakin.

Heart ReactWhere stories live. Discover now