Ram's POV
Pagkapasok ko pa lang sa bahay bumungad na ang mabangong amoy ng ulam. Sinundan ko ang amoy dahil sa excitement, dinala ako nun sa kitchen kung saan nakatalikod si mommy habang masayang nagluluto.
Lumapit ako at niyakap ko siya sa likod.
"Hmmm, dabest ka talaga mommy! Favorite ko yang niluluto mo ah!"
"Jusko ka talagang bata ka! Papatayin mo ba ako sa gulat?!" Nakahawak pa sa dibdib na Sabi ni mommy habang yung isa nakahawak ng sandok.
Nag-peace sign ako, "sorry naman Mie, na-excite lang ako dahil sa amoy ng adobo!"
Bigla naman pumasok si ate sa kusina, "hep! Mommy bago mo lagyan ng sili yan, seperate some for me!" High pitched na sabi nya. Hahahaha palibhasa hindi mahilig sa maanghang na mga pagkain.
"Meron ng naka-seperate na para sayo Asther, wag ka mag-alala" Sabi ni mom habang nilalagay na yung hiniwang sili sa adobo. Yummy! Natatakam na tuloy ako! Lalo na at may liver spread at maraming potatoes ang ingredients!
"Yey! Dabest ka talaga mommy, alam na alam mo na kung anong gusto ko." Parang batang sabi ni ate na may kasama pang palakpak. Seriously? Ate ko ba talaga to? Parang 5 years old na bata!
Humarap naman samin si mommy pagtapos patayin ang stove, "you are my daughters, of course I know what you like and you don't like, kahit katiting na sakit ang maramdaman niyo, doble ang dulot nun sakin, dahil ganun ang mga Ina sakanilang mga anak."
Na-touch kami sa sinabi ni mommy, nagkatinginan kami ni ate at sabay kaming lumapit kay mommy to hug her, "Ang sweet naman ng mommy namin." Sabay halik ko sa pisngi nya.
"Mother knows best talaga," Sabi ni ate, we hugged her tight and we both whispered 'i love you' to her ears.
"I love you too, my lovely daughters. We're so lucky to have you both." Hinalikan nya kami sa ulo and she caressed our cheeks.
Kung alam nyo lang mommy, mas masuwerte kami dahil kayo ang naging magulang namin.
Pumasok naman bigla si daddy sa kusina, "what a wonderful view. Ang tatlong babae na pinakamahalaga sa buhay ko. Can I join you?" Nakangiting sabi ni daddy.
Kumalas ako saglit sa yakap naming tatlo,
"Im sure na kapag narinig ka ni Mamita, nadagukan ka nun dahil sa selos, dad." I giggled. Naalala ko kasi ang amazona kong lola sa fatherside. I think sa kanya nga ako nagmana, eh.Napangiwi siya at napakamot sa ulo, "well, buti na lang at wala siya dito kundi malilintikan ako, hahaha."
"syempre naman dad, come on, let's group hug!!" Sigaw ko at naglahad ng kamay. Lumapit si daddy at nagyakap kami habang tumatawa. Dad hugged us tight.I love my family so much, more than anything in this world. And I promise that i will do anything and everything as possible just to keep them happy, even if I have sacrifice my own happiness for them. I'll gladly do it, wholeheartedly.
Days had passed, and today I woke up early in the morning, and I decided na mag-jogging muna besides maaga pa. I just wear a pair of black sports-bra and leggings, and paired it with my black-white designed rubber shoes.
Pinatungan ko lang din ang suot ko ng grey na jacket na may nakalagay na 'NBA' sa likod katabi ng logo.
Pagkababa ko ng staircase ay dumiretso ako sa kusina. Naabutan ko dun si nanay Lolit, siya ang asawa ni Tay Manuel.
"O anak, magandang umaga." Ngumiti sya sa akin kaya napangiti din ako at humalik sa pisngi niya.
"Morning din nay." I sat on one of the stools near the counter and waited for my hot chocolate that she's making.

YOU ARE READING
Heart React
Teen Fictionpwede bang maging totohanan ang pagmamahal na nabuo sa social media?