Hi!, It's been a long time I know.
Pasensya na kung natagalan ang update, naging busy lang sa ibang bagay. Especially now na madami akong modules na hina-hunting ako dahil tinakasan ko sila😉 wag nyo ko gayahin ha, sagutan nyo mag modules nyo hahaha!and hindi naman ako nagaasam ng readers, I just want to write my own story about my fantasies in life and to escape reality for a moment. Pero nagpapasalamat pa rin ako sa mga nagbabasa😍
So, anyways hope you like it guys. I think it's a long update.
Enjoy!😘Aeriyanne<3
---------------------
Ara's POV
"IKAW?!!!" sabay nilang sabi at sabay din itinuro ang isa't isa.
Wait! Magkakilala sila?
"You knew each other?" Curious na tanong ni kuya Arth.
Psh! In-english niya lang yung dapat na sasabihin ko. Naunahan niya lang ako!
Nagpalipat lipat ang tingin namin sa dalawa. Para na ngang may kuryente sa pagitan ng mga tingin nila eh!
Sumagot si Ram pero hindi pa rin niya inaalis ang tingin sa pinsan ko.
"Hindi ko makakalimutan ang mukha ng taong kumuha sa Fudgee Barr ko!!" Sigaw niya.
"Sinabe nang hindi sayo yon, dahil wala kang pangalan dun." Pangasar na banat ng pinsan ko at ngumisi pa na lalong nagpa inis Kay Ramjen.
Yung tipong umuusok na yung ilong niya...hahahahaha! Joke! Wag niyo sasabihin sa kanya ha, lagot ako!
Saka hahahahaha!! Fudgee Barr?! Dahil lang dun?
"Pfft!" Pinigilan ko agad ang pagtawa ng tinignan ako ng masama ni Ram. Grabe nanlilisik yung mga mata niya.
Nakahinga lang ako ng maluwag nang tignan niya ulit ang pinsan ko. Siniko naman ako ni Ivy na katabi ko at binelatan.
Sige, mangasar ka lang. May araw ka rin!
"Kahit na! Alam mo ba ang dinanas kong hirap dahil wala akong nabili na Fudgee Barr ng araw na yun?!"
"Wala akong pake." Walang kagana ganang sagot ni Pinsan.
Promise yung itchura ni Ram, bubuga na ng apoy yan anumang oras!
"Huh! Ang kapal talaga ng mukha!"
"Wala kong pake, pogi ako."
"Wala rin akong pake sayo! Tsaka pogi?! San banda?!"
"Mula ulo hanggang talampakan."
"Baka, mula ulo mukhang talampakan kamo!"
"Crush mo naman."
"Hindi kita crush!"
"Kunwari pa, hindi mo nga nakalimutan mukha ko diba? Amin-amin din pag may time."
"Excuse me. Ako? Magkakagusto sayo? Dream on! Sino ka ba? si OH Sehun ka ba para magustuhan ko?"
Lumapit si pinsan kay Ramjen, napaatras naman ang huli.
"Sino ako?..... Ako lang naman ang future mo."
"Y-yuck! F-future? Ang kapal mo!"
Wala talagang magpapatalo. Haaay, iba na pinag-aawayan nila hindi na tungkol sa Fudgee barr.
"Teka, iba---"
"Wait, can you please stop. Iba na yata Yan eh!"
Alam mo kuya, Ang epal mo! Palagi mo na lang akong inuunahan eh!

YOU ARE READING
Heart React
Teen Fictionpwede bang maging totohanan ang pagmamahal na nabuo sa social media?