Warning: maraming foul words kayo na mababasa"O bat parang pinagsakluban ka ng langit at lupa sa itchura mo? Ano nangyare bat ang tagal mo?"
Tanong ni Phoebe pagkapasok ko sa bahay nila. Naglakad ako papunta sa mahabang couch at tumabi sa kanya. Pabagsak akong naupo.
"E pano, may kabuteng bigla na lang sumulpot sa harap ko tapos sinira ang araw ko! Malala pa inagawan ako sa Fudgee Barr ko!!!" Sobrang inis ko na sigaw at pinadyak ko ang mga paa ko sa sahig.
" Chill! Wag ka maglit sakin, hindi naman ako yung kumuha sa Fudgee mo eh, kalma Lang!"
"Eh paano ako kakalma nakakabwisit yung lalaking yun! ang yabang sobra! Panira ng araw! Bad trip!"
"Ano ba kasi full story at ganyan ka, I think hindi lang yan dahil sa Fudgee Barr."
Kinuwento ko sa kanya lahat ng nangyari sa grocery kanina maliban dun sa crush thingy. Aasarin lang ako ng pinsan kong ito noh!
Naku! Kung hindi lang talaga nakakahiya kanina, sinapak ko na sya sa harap ng madaming tao. Kaso baka isipin nila na napaka- immature ko dahil nakikipag away ako dahil lang sa Fudgee Barr!!......pero ibang usapan na pag Fudgee ko na pinaguusapan!
Dagdag pa na wala na daw stock sa grocery na yun ng fudgee Barr nang tanungin ko sa staff. Nagahanap ako sa ibang store kaya natagalan ako, kaso wala din!
'National Fudgee Barr Day' ba at ngayon pa talaga naubusan?!
Tapos itong pinsan ko naman tawa ng tawa.
"What's funny? May nakakatawa ba sa kwento ko?" Kunot noong tanong ko sa kanya. wala naman kasing nakakatawa eh.
"Hahahaha grabe wala ka pala eh! Nakahanap ka ng katapat mo..hahaha!"
Inirapan ko sya, "Anong katapat wala naman sya sa harap ko?"
Tumigil sya sa pagtawa, "Ha-ha-ha! joke ba yun? Last mo na yan ha." Sabay irap sakin.
Inirapan ko lang din sya, "are you sure na sa Fudgee Barr ka nagagalit? Hindi dun sa sinabi nyang 'the feeling is mutual, hindi din kita gusto'...boom! You have been slayned!"
Tapos tumawa nanaman sya. Ewan ko ba kung pinsan ko talaga to eh, lakas ng sapak sa ulo, sarap ipasok sa mental! Tsk!
"Duh! Bat naman ako magagalit dahil dun, eh Hindi ko naman talaga sya gusto. Yuck!" Sabay kunwaring nasusuka.
"Duh! Malay ko ba, ikaw na rin ang nagsabi na pogi sya. Marupok ka pa naman sa mga pogi." Pang-gagaya nya sa tono ko kanina.
Inirapan ko na lang ulit sya. Bumaba naman sa hagdan si tita Jing kasama si Philip habang karga naman ni tita si baby Phobos, panganay si Pheobe.
"Ramjen, andito ka pala nak, aalis ba kayo ni Pheobe?"
Lumapit naman ako ng makababa sila at nakipag beso kay tita, hinalikan ko din sa cheeks si baby Phobos, lumapit at yumakap naman sakin si Philip.
"Hi ate." Cute na sabi nya. " Hi din, I missed you." Sabi ko at kinurot ang pisni nya.
Tumingin ako kay tita na hinihintay ang sagot ko. "No tita, hindi kami aalis. Nagpagusapn kasi namin na mag-movie marathon and para makapag bonding na din kami."
"That's great, dito ka ba kakain ng lunch?'
"Yes tita, kung okay lang sainyo?"
"Ikaw talagang bata ka oh, syempre ayos lang, hindi ka naman iba samin."
YOU ARE READING
Heart React
Teen Fictionpwede bang maging totohanan ang pagmamahal na nabuo sa social media?