Chapter Two

614 29 2
                                    

NAKANGITI habang nag-iinat si Soo Jin. Simula ng dumating sa buhay niya ang Peter na iyon ay hindi na siya natahimik, iyon na yata ang pinakamagandang gising niya sa loob ng ilang buwan. Kagabi din ay mahimbing siyang nakatulog dahil panatag ang loob niya. Hindi siya nangamba na baka may Peter Seo na dumating at guluhin siya. Maganda ang araw na iyon, dahil buwan na ng Setyembre, umpisa na rin ng Fall Season. Ibig sabihin ay mas malamig na ang panahon, iyon din ang panahon kung saan nagbabago ang kulay ng mga dahon sa mga puno. Fall Season is one of her favorite season.

"Lord, thank you po sa magandang araw na 'to. Tulungan Niyo po akong makahanap ng matutuluyan ngayon araw na 'to, kayo po ang gumawa ng daan patungo sa mga taong makakatulong sa akin makahanap ng maganda at marangal na trabaho. In Jesus name, Amen!" panalangin niya. Pagtayo niya mula sa kama ay agad siyang dumiretso sa bintana saka pinanood ang dahon sa mga puno na unti-unti ay nag-iiba na rin ng kulay. May mga dahon na kulay pula, mayroon din naman dilaw. It's such a breathtaking scene to see how the sun ray it's light to those trees. Nagsisimula na rin lumamig ang panahon, sa mga ganoon mga panahon din masarap mamasyal sa mga kalapit na probinsya ng Seoul.

Pagkatapos niyang mag-sight seeing sa labas ng hotel room niya ay agad siyang naligo, nagbihis at nag-check out sa maliit na hotel na tinuluyan niya.

"Good Morning Seoul!" nakangiti pang sigaw niya sabay taas ng dalawang kamay paglabas niya ng lobby ng hotel.

Natawa lang siya ng napatingin sa kanya ang mga taong dumadaan, hindi na niya pinansin pa ang mga ito bagkus ay nagpatuloy na lang siya sa paglalakad. Pero agad napawi ang ngiti niya ng may makita siyang pamilyar na mukha sa hindi kalayuan. Kasama nito ang mga tauhan nito. Si Peter Seo. Paano nito nalaman ang kinaroroonan niya?

Napahigpit ang kapit niya sa knapsack na nakasukbit sa balikat niya. Mukhang mapipilitan siyang mag-extreme jogging sa umagang iyon.

"Soo Jin!" ani Peter Seo.

Hindi na niya hinintay pang lapitan siya nito. Bigla siyang tumakbo ng mabilis palayo dito. Narinig na lang niya ng sinigaw nito ang pangalan niya saka pinahabol siya nito sa mga tauhan nito. Paano nito nalaman ang kinaroroonan niya? Kagabi pa lang ay tinapon na niya ang cellphone niya para hindi siya nito ma-trace. O marahil ay nagkataon lang na nakita siya nito. Sa sobrang high tech kasi doon sa Korea, magagawang ma-trace ang kinaroroonan mo sa pamamagitan lang ng Cellphone.

"Hindi ako magpapahuli sa inyo!" sigaw pa niya habang tumatakbo.

Hindi na niya alam kung anong lugar na ang tinatakbuhan niya. Basta ang importante ay makalayo siya kay Peter Seo. Laking pasalamat niya ng makita niya ang mall sa hindi kalayuan. Agad siyang pumasok doon, mas mahihirapan ang mga itong mahanap siya kapag marami ang tao sa paligid.

"Soo Jin!"

Napalingon siya. Si Peter na naman kaya mas binilisan pa niya ang pagtakbo. Hindi na niya tinitingnan kung sino ang nababangga niya. Napahinto lang siya sa pagtakbo ng hindi sinasadyang malakas siyang bumangga sa isang matangkad na lalaking may matipunong katawan. Nawalan pa siya ng balanse kaya napaupo siya sa sahig. Napapikit siya sabay bahagyang pinilig ang ulo nang maramdaman niyang bahagyang sumakit iyon dahil sa lakas ng pagkakabangga niya dito. Ano bang katawan ang meron itong lalaki 'to? Parang bato sa tigas ang dibdib ah? Sabi pa niya sa sarili.

"Masakit 'yon ah," daing niya.

Ngunit nawala sa sumasakit na ulo ang atensiyon niya ng makita ang isang palad nakalahad sa harap niya. Agad siyang natulala ng makita niya ang mukha ng lalaking nasa harap niya. Hindi siya maaaring magkamali, kilalang kilala niya ito. Walang iba kung hindi si Tyrone Han ng grupong One Day. Matagal na siyang fan ng grupong ito noong nasa Pilipinas pa lang siya kaya hindi siya maaaring magkamali, si Tyrone Han nga ang nasa harap niya. Tuluyan nang natigilan at natulala si Soo Jin kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso niya habang nakatitig sa mga mata guwapong nasa harap niya. Parang sa isang kisapmata ay nakalimutan niyang may isang grupo ng mga goons ang humahabol sa kanya.

Seasons of Love Series: Book 3 Memories of November FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon