DAHAN-DAHAN lumakad si Soo-Jin patungo sa pinto. Iyon na ang tamang pagkakataon para makatakas siya. Hindi siya makakapayag na makuha ng matandang politiko na si Mister Choi na iyon ang katawan niyang iningatan simula pa ng pinanganak siya. Nangako siya sa sarili na ibibigay ang sarili sa gabi matapos ang kasal niya sa lalaking ibibigay sa kanya ng Maykapal, at hindi niya maaaring baliin ang pangako na iyon.
Napahinto siya sa paglalakad ng magsalita ang taong tatakasan niya. "Soo-Jin-ah, I'm coming!" sabi nito mula sa loob ng banyo. Pakiramdam niya ay nagtayuan ang mga balahibo niya sa katawan, isipin pa lang niya ay nandidiri na siya.
Bahala ka sa buhay mo! Mamamatay muna ako bago makuha ang gusto mo! Sabi niya sa kanyang sarili. Hindi siya sumagot sa sinabi nito, bagkus ay agad siyang lumabas ng silid na iyon. Laking pasalamat niya dahil hindi pinagbantay ng matandang iyon ang mga bodyguards nito sa labas ng silid niya. Nag-drama kasi siya kanina habang papunta sila sa hotel na iyon na kunwari ay gusto niyang ma-solo ito. Pero ang totoo ay sinabi niya iyon para mas mapadali ang pagtakas niya, kaya laking pasalamat niya ng pagbigyan siya nito kanina.
Nakahinga siya ng maluwag ng wala nga sa labas ang mga bodyguards nito. Biglang nagulat at napalingon siya sa nakasaradong pintuan ng silid ng marinig niyang sumigaw ng malakas si Mister Choi. Agad na kumabog ng malakas ang kanyang dibdib. "Soo Jin!"
Agad siyang tumakbo palayo doon, nakita pa niya itong lumabas ng silid habang nakatapis ito ng tuwalya sa beywang nito. Narinig niyang tinatawag siya nito ngunit hindi siya huminto. Imbes na gumamit ng elevator ay nag-hagdan siya.
Sigurado na sa mga sandaling iyon ay natawagan na nito ang mga alipores nito at sa elevator ang daan ng mga ito. Kailangan niyang makalabas sa hotel na iyon para tuluyan na siyang makatakas, kapag hindi siya nagtagumpay sa pagtakas na iyon. Wala nang iba pang pagkakataon, baka tuluyan ng masira ang buhay niya.
Gustong magtatalon sa tuwa ni Soo Jin nang makalabas nga siya ng hotel na iyon ng hindi nahuhuli ng mga alipores ni Mister Choi. Ngunit hindi pa siya masyadong nakakalayo ng mapahinto siya sa pagtakbo dahil may humarang sa daanan niya. Agad siyang nagulat at nakaramdam ng takot nang makilala ang mga lalaki sa harapan niya.
"Saan ka pupunta?" tanong ng isang lalaking malaki ang katawan sa salitang Koreano.
Hindi siya sumagot. Bagkus ay dahan dahan siyang umatras. Nakipagtitigan siya sa mga ito, sa laki ng katawan ng mga ito, kapag nahuli siya ay siguradong hindi na siya makakawala pa.
"Hindi ka makakatakas sa amin, Soo Jin," sabi pa nito.
"Talaga?" mapanuyang sagot niya.
"Kailangan mong bumalik sa loob para mabayaran mo ang utang mo!" dagdag nito.
Tinitigan niya ito ng diretso sa mga mata. "Hindi ako babalik sa loob! Babayaran ko kayo sa malinis na paraan! Wala kayong karapatan kontrolin ang buhay ko ng dahil lang sa utang ko sa Amo n'yo!" mariin niyang sagot dito. Eksaktong nag-green ang traffic light at umandar ang mga sasakyan sa katabing highway nang bigla siyang tumawid doon.
"Yah! Soo-Jin!" malakas na sigaw ng mga lalaking humarang sa kanya.
Narinig din niya ang sunod-sunod na busina ng mga parating na sasakyan pero hindi siya huminto. Kailangan niyang tibayan at lakasan ang loob niya, iyon lang ang naisip niyang paraan para matakasan ang mga ito ng hindi siya agad masusundan. Dalangin niya na huwag siyang masagasaan. Pagdating niya sa gitna ng highway kung saan pansamantala siyang na-stuck dahil sa pagdaan ng mga sasakyan, lumingon siya sa mga ito saka nang-aasar pa na kumaway sa mga ito. Nang makahanap ng tiyempo ay tuluyan na siyang nakatawid sa kabilang side ng kalyeng na iyon.
BINABASA MO ANG
Seasons of Love Series: Book 3 Memories of November Fall
Romance"I'll make you happy, that's one thing I can assure you." Teaser: Nang makarating si Soo Jin sa South Korea, agad niyang hinanap ang Papa niyang di nakagisnan simula pagkabata. Ngunit isang di inaasahan ang nangyari, nang magkaroon ng financial cri...