DINALA siya ni Tyrone sa dorm ng One Day pagkatapos nilang tuluyang makatakas sa mga humahabol sa kanya. Laking pasalamat ni Soo Jin na dumating si Tyrone at tinulungan siyang makatakas, kung hindi dahil dito baka tuluyan na siyang nilumpo ng mga tauhan ni Peter Seo o baka pinaglalamayan na siya ngayon.
Napapitlag siya ng maramdaman niya na may malamig na dumampi sa gilid ng kanyang labi. Pagtingin niya ay nilagyan pala ng Ice Bag ni Tyrone ang sugat niya.
"Salamat," usal niya.
"Masakit pa rin ba?" tanong pa nito.
Tumango siya. "Mawawala din 'to, hindi naman ito ang unang beses na nangyari sa akin 'to," sagot niya.
"You mean?"
"Palagi niya akong sinasaktan sa tuwing pumupunta siya sa bahay para singilin ako sa utang ko sa kanya at hindi ko siya nabibigyan. Kaya sanay na rin ako, ilang araw lang mawawala na 'to," sagot niya.
Nakita niya ng napapikit si Tyrone at kinuyom nito ng mariin ang isang kamao nito. Nakikita niya sa reaksiyon ng mukha nito na hindi nito gusto ang nalaman. Ngumiti siya dito saka hinawakan ang kamao nitong nakakuyom. Napatingin ito sa kamay niya pagkatapos ay sa kanya.
"Relax, okay lang ako," sabi niya dito.
"Iyon ang huling beses na sasaktan ka niya. Kung alam mo lang kung gaano ko gustong tumakbo kanina sa tabi mo habang sinasaktan ka niya," anito.
"Mabuti nga at hindi mo ginawa 'yon, ayokong madamay ka sa problema ko. Tama na ang tinulungan n'yo ako," wika niya.
Natigil ang pag-uusap nila ng dumating ang iba pang miyembro ng One Day at si Jami. Agad siyang nilapitan ng mga ito nang makita siya.
"Soo Jin, how are you?" nag-aalalang tanong ni Jami.
Nginitian niya ito. "I'm okay," sagot niya.
Napailing ito. "Hindi na lang ako pumayag na isama ka kanina. I'm sorry, muntik na ka ng mapahamak," anito.
"Ano ka ba? Wala kang kasalanan, ako ang nagpumilit sumama. Nakalimutan ko na marami nga palang mata 'yon sa paligid," sabi niya.
"You really scared us, Soo Jin," sabi naman ni Nick.
"Pasensiya na kayo ha? Muntik pa kayong madamay. Pasensiya na rin sa eksenang ginawa ng Peter na 'yon," aniya.
"Wala kang kasalanan. And we actually felt sorry because we didn't do anything to help you," ani John Kim.
"Ayos lang, nakatakas naman ako. Saka tinulungan naman ako ni Tyrone," sabi pa niya.
Napailing ang huli. "Gusto ko siyang ipakulong," salubong pa rin ang kilay na wika nito.
Umiling siya. "Hindi uubra sa kanya 'yon, mag-aaksaya lang tayo ng oras. Sa ngayon, wala tayong ibang magagawa kung hindi ang maghintay ng tamang pagkakataon para mahuli siya," sagot niya.
Ilang sandali pa ang lumipas ng muli silang maiwan sa sala, habang ang iba ay pumasok sa sariling silid nito. Sina Perry at Jami naman ay pumunta sa apartment ng huli sa katapat lang na building.
"Okay ka na ba?" tanong pa ni Tyrone sa kanya.
"Oo, huwag ka nang mag-alala sa akin," sagot pa niya. Pagkatapos ay biglang naghari ang katahimikan, nang magkatinginan sila nito ay bigla niyang naalala ang paghalik nito sa gilid ng labi niya at ang paghalik sana nito sa labi niya. Biglang nag-init ang pisngi niya saka muling kumabog ang dibdib niya, agad na iniwas niya ang tingin dito. Hanggang sa maisipan niyang umuwi na lang kaya bigla siyang tumayo.
BINABASA MO ANG
Seasons of Love Series: Book 3 Memories of November Fall
Romansa"I'll make you happy, that's one thing I can assure you." Teaser: Nang makarating si Soo Jin sa South Korea, agad niyang hinanap ang Papa niyang di nakagisnan simula pagkabata. Ngunit isang di inaasahan ang nangyari, nang magkaroon ng financial cri...