NAKITA NI Tyrone ang takot sa mata ni Soo Jin, ramdam niya na kailangan nito ng taong poprotekta dito. Muli ay hinaplos ng awa ang puso niya para dito. Alam niyang kailangan nito ng masasandalan sa mga sandaling iyon, at nakahanda siyang magsilbing pader na maaaring sandalan nito sa kahit na anong oras. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang ang malasakit niya para dito. Kung tutuusin, dapat ay wala siyang pakialam dito dahil kanina pa siya nito sinusungitan. Pero taliwas doon ang damdamin niya, sa kabila ng hindi magandang simula ng pagkakakilala nila. Sinasabi ng puso niya na kailangan siya nito. Lakas loob niyang hinawakan ang kamay nito, pagkatapos ay sinigurado niya dito na hindi niya ito iiwan.
"Let's go," bulong niya dito, pagkatapos ay inalalayan niya itong tumayo. Ramdam ni Tyrone ang panginginig ng buong katawan nito dahil sa takot.
Hindi biro ang mangyayari dito kapag nahuli ito ng Peter Seo na iyon. Matapos niyang marinig ang usapan ng dalawang goons na iyon, agad na umahon ang matinding galit sa dibdib niya. Isipin pa lang niya ang maaaring sapitin ni Soo Jin ay gusto na niyang tumayo kanina at sapakin ang mga ito. Kaya nangako siya sa sarili na poprotektahan niya ito kahit na anong mangyari. Kahit hindi niya maintindihan kung bakit niya ginagawa iyon sa isang babae na wala pang bente kuwatro oras ang lumipas simula ng makilala niya.
Naglalakad na sila palabas ng Restaurant at malapit na sa pinto ng biglang magsalita ang isa sa dalawang lalaki. Paglingon niya ay tumayo ang mga ito. Pasimple niyang tinago si Soo Jin sa likuran niya, naramdaman niyang mahigpit itong humawak sa kamay niya.
"Jeogi," anito. Ibig sabihin niyo ay 'Excuse me'.
"Yes?" tanong ni John Lee dito.
Pinakita nito ang larawan ng isang babae. Nang titigan niya iyon ay nakita niya na si Soo Jin iyon, halatang stolen shot iyon. Lumakas ang kabog ng dibdib niya nang matitigan ang larawan. Nakangiti ito doon at tila hinangin ang buhok nito na inipit ang buhok nito sa tenga habang nakatingin sa ibang direksiyon. That's when he realized that Soo Jin is really beautiful.
"Dangsin-i yeojaneun boassda?" tanong nito. Tinatanong nito kung nakita ba daw nila ang babae sa larawan.
Kunwa'y tinitigan pa ni Perry ang picture. "Aniyo," sagot nito. Hindi daw nito nakita ang babae sa picture.
Sinenyasan siya ni Jami na ilabas na si Soo Jin. Hindi na niya hinintay pang mapansin sila ng mga ito, lumabas sila doon saka dumiretso sa nakaparada niyang motor pagkatapos ay inabot ang helmet dito.
"Saan tayo pupunta?" tanong pa nito habang luhaan pa rin ang mata.
"Basta, akong bahala. Ang mahalaga makalayo ka dito," sagot niya dito.
Napangiti siya ng hindi na ito nakipagtalo pa, bagkus ay kinuha nito ang helmet at sinuot iyon. Pagsakay nila sa motor ay agad niyang pinasibad iyon. Habang binabagtas nila ang daan ay naramdaman niya ng humigpit ang pagkakayakap nito sa beywang niya, pagkatapos ay sinandal pa nito ang ulo sa likod niya.
Jung Soo Jin, hindi ko alam kung bakit kita tinutulungan. Pero bakit hindi din kita magawang pabayaan?
DINALA ni Tyrone si Soo Jin sa isang park sa di kalayuan mula sa PhilKor Building. Sa isang bakanteng wooden bench sila naupo at doon nag-usap.
"Bakit mo ba ako tinutulungan?" tanong niya dito.
Tumingin ito sa kanya. "Bakit? Bawal ba?" balik-tanong nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
Seasons of Love Series: Book 3 Memories of November Fall
Romance"I'll make you happy, that's one thing I can assure you." Teaser: Nang makarating si Soo Jin sa South Korea, agad niyang hinanap ang Papa niyang di nakagisnan simula pagkabata. Ngunit isang di inaasahan ang nangyari, nang magkaroon ng financial cri...